Date

62 2 0
                                    

Chapter 27

"D-Date?"

He poked my nose and licked his lips. Pulang-pula ang mukha ko dahil sa biglaang alok niyang date sa akin. Ayaw ko mang aminin na ignorante ako pero kasi ignorante naman talaga ako. Gaya ng sabi ko, wala akong experience!

"But we can't go outside," lumiit ang boses niya. "Di kita maiimbitahan kumain sa labas."

Tumagilid ang ulo ko, naninimbang sa reaksyon niya. Suddenly, he looked away. Pinisil niya ang kanyang ilong habang 'di pa rin makatingin sa akin.

Suminghap ako at sinuntok siya sa dibdib.

"P-pwede naman kasi tayong... kumain dito."

Hindi siya nagsalita at binaling na ang tingin sa akin. Hindi ko nagugustuhan ang gusto niyang sabihin. Lagi talaga siyang nakakahanap ng paraan para maliitin ang sarili.

"Mahihirapan ka. 'Wag nalang," he said.

Kumunot ang noo ko.

"Kakain tayo dito. Bakit ako mahihirapan? Ginagawa naman talaga natin 'yon!"

Gumalaw ang panga niya at mas lalong hinawakan ang kamay ko. "You didn't understand, Ash. Siyempre date nga kaya iba na 'to sa ginagawa natin. I... want to eat with you... in a fancy restaurant—"

Umismid ako. "Ayoko ng mahal. Binabawal nga kita sa tuwing nililibre mo ako noon! At saka, mas okay kung dito na tayo... solo natin."

Dahan-dahan siyang ngumisi.

"I'm a man, Ash. You know... with my experiences... you really think I'll just settle with dinner and kisses?" He smirked. "Solong-solo, huh. With a bed? Who knows... baka iba na yung magawa natin."

Namula ako sa ibig niyang sabihin. Pinalo ko ang braso niya kasi nagiging pilyo na naman siya. Leche. Bakit ko nga ba nakalimutang manyakis ang isang 'to?

"Seryoso nga kasi... I'm sorry."

"Hindi ko maiintindihan kung bakit ka nagso-sorry."

"Kung sana noon palang... edi ang dami na nating nagawa." He sighed again. "Iyong mga plano at pangako ko sa 'yo last summer—those are my midsummer lies," he chuckled. "Kasi 'di ko natupad at di ko na matutupad iyon ngayon."

Sa tuwing nanlulumo siya sa nangyari sa kanya, 'di ko mahanap yung tamang salita para kahit papaano maibsan lang ang nararamdaman niya. Kasi kahit sabihin ko sa kanyang... walang magbabago, hirap na hirap pa rin siya at kumbinsido siyang ang dami niya nang 'di pwedeng gawin at nakaugaliang gawin sa buhay niya.

I hate to admit it but the tragedy killed the old Quen.

"Mas masayang mag movie date," bulong ko. "Chill lang kaya no'n."

"I don't think I'm ready to love you... right, Ash."

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, takot na baka anytime bitiwan ko siya sa gitna ng sinasabi niya.

Frustrated ako sa mga naririnig ko. At tila okyupado ako para makapag-isip ng tama, lumapit ako sa kanya para halikan siya. Namilog ang mga mata niya bago sinuklian ang pag-galaw ng labi ko.

He kissed me slowly this time. Habol-habol ko ang hininga ko bago ko binulong sa kanya ang gusto kong sabihin. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya para lang makita ang kabuohan ng mukha niya.

He looked weak... and sleepy by my kiss. He licked his lips and kissed my hand. Malalim agad ang iniisip.

Gaya ng sinabi ko, we decided to have movie date. Umorder kami ng pagkain—chicken wings, nachos, burger and beer. Tapos Netflix nalang para kumpleto na ang movie date. Wala naman akong problema ro'n. Naghihinayang lang talaga siya sa plano namin noon... pero gusto ko lang naman ay ang makita siyang masaya, okay at kasama siya.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon