What's happening?
Ah, hah. Patay na ata talaga siguro ako. Mukhang ito na ata iyong sinasabi nilang 7 minutes after death.
Ang mga tarantadong 'yon... 'di nila ako tinigilan hanggang sa nagsawa sila. May isang nakahawak sa kamay ko. Iyong isa naman ay nakapuwesto sa paanan ko. At... iyong isa, nakapatong sa akin at nakahawak sa leeg ko. Gigil na gigil sila sa akin.
Parang kailan lang, binabati ko sila kasi akala ko mabuti silang tao. Na mabuti ang intensyon nila kasi kaibigan sila ni Papa.
Pero trahedya lang ang dulot nila.
I lived for at least ten seconds to face my death, really death. Ang pangit ng kamatayan ko.
I can't feel my body anymore.
Pero 'yong utak ko? Sinasariwa ata lahat ng alaala na meron ako. Patay na nga siguro ako.
It was cold.
Dark.
Alone... and I felt the pain.
I hope I'll find justice.
Ayoko sanang umalis. Ayoko sanang mamatay sa ganitong paraan pero 'di ko naman hawak ang panahon ko, hindi naman ako magpapasya sa oras na meron lang ako dito sa mundo.
Nagampanan ko naman siguro ang papel ko dito sa mundo. Naging masaya naman ako. Naging makwela. Naging mabait pero... minsan naging suwail. Pero mas lamang naman iyong pagiging mabuti ko sa kapwa. Umiyak ako. Tuwama. Nagalit. Nagpatawad... at nagmahal.
Naku... iyong mahal ko, paniguradong malulungkot 'yon—labis siyang masasaktan sa paglisan ko sa mundong 'to. Pero strong 'yon! Sa dami kaya ng pinagdaanan niya... alam kong... makakaya niyang wala ako. Mahirap pero kailangan niyang kayanin.
Ang lungkot naman. Kaso hindi ko talaga hawak oras ko. Kahit naman gustuhin ko ng isa pang pagkakataon na mabuhay... na sana 'di nalang ako dumaan kung saan sila nag-iinuman. Kung sana hindi ako naging kumpyansa na wala silang gagawin sa akin; alam kong nangyari na ang nangyari. Wala namang backward set sa buhay. Hindi naman pwedeng i-replay iyong buhay.
Huminga ako nang malalim.
Six minutes to go...
'Di ko alam pero pakiramdam ko, isang minuto akong nag-iisip kahit na alam kong bumigay na ang katawan ko. Baka amagin na ako... baka naman, tinago nila ako? Sana man lang makita nila ako! Huwag naman sana 'yong halos hindi na ako makilala kasi... mas lalong guguho ang mundo ng pamilya ko. Ni Quen. Ng mga kaibigan ko... at si Vito.
Kaya maraming taong takot na takot na mawalan pero mas nakakatakot kayang mamàtay. Kasi tulad nito... iisipin mo lahat ng mga taong maiiwan mo kapag tumawid ka na sa kabilang buhay.
Si Mama... iiyak iyon kahit na kung minsan, lagi niya akong pinapagalitan dahil sa porma ko kasi gusto niya maging dalaga ako sa paningin niya. Pero kahit na tumatalak iyon, ang sermon niya pa rin ang pinakamagandang boses na naririnig ko sa bahay. Para lang matuwid ko iyong pagkakamali ko. Pinakamasayang alaala ko kasama siya ay iyong pagpunta niya sa mga dance fest and competitions ko. Siya ang number one supporter ko. Baon-baon ko iyon hanggang saan man ako magpunta.
Si Papa? Sa kanya ko natutunan ang salitang pagpapatawad. Lodi ko iyon! Alam niyo ba iyong reflection? Nagawa ni Papa iyon! At sobrang proud at thankful ko na... 'di niya sinukuan si Mama. Hindi niya sinukuan ang pamilya namin. Na may mga sugat talagang kusang naghihilom... para maging maayos ulit.
Sina Kuya Joshua, Kuya Janus at Kuya Jireh naman... sila iyong tatlong prinsipe ko. Tapos sila iyong mga best friend ko bago si Vito. Sila rin iyong unang nagpatawa sa akin at s'yempre, sila rin iyong unang nagpa-iyak. They spoiled me too much. Mula sa sapatos na laging pinapadala ni Kuya Jireh. T-shirt na pinapahiram sa akin ni Kuya Janus tapos sinasalo ni Kuya Joshua ang allowance at projects ko. Ang dami ko atang masayang memories kasama ang mga kapatid ko.
Mga kuya ko, pasensya na kayo ha. Kung masyado akong nagtiwala at 'di ako nag-ingat. Sana hindi niyo mabitbit ang galit at hinanaing na meron kayo hanggang sa pagtanda.
Kay Vito naman, naku, masyadong makwela ang lalaking 'yon pero alam kong seryoso pagdating sa pangarap. Gustong-gusto kaya no'n ang yumaman para sa pamilya. Hindi titigil 'yon hanggang wala siyang milyones sa bangko niya. Family-oriented kasi siya kaya nangangarap siya para sa pamilya niya. Malulungkot 'yon pero... alam niya naman, kahit saan ako magpunta best friend niya pa rin ako. Sana lang... 'wag siyang mawalan ng bilib sa sarili. Sana makatagpo siya ng bagong kaibigan na pagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay.
Si Quen? Siyempre, mahal ko iyon. Minahal ko iyon.
Lagi niyang sinasabi sa akin na ako itong sumalba sa kanya pero hindi niya alam na sinalba niya rin ako. Dami kong natutunan sa kanya. Mula sa pagsasayaw hanggang sa kung paano magmahal ng tunay. I am in love with him... at kahit na gustuhin kong huwag siyang iwan, wala na akong magagawa. Nagsisisi lang ako dahil hindi ko masyado nasabi sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat na nakilala ko siya. Na olats ang engineering life ko kung hindi siya nagpumilit na isakay sa motorsiklo n'ya. Grateful ako dahil hinayaan niya akong mahalin siya... at mahalin ako.
My summer has ended...
Memories namin together? Sa sobrang dami, tiyak ang dami kong bitbit kahit saan ako magpunta. Kung pwede lang talaga...
All good things with him... our memories together... are gonna be in my remaining minutes... after my final death.
I hope my death won't be the end for them. Ang dami pang pwedeng mangyari sa kanila kahit na wala na ako... kahit na masakit ang nangyari sa akin. Ipagdarasal kong mahanap nila ang payapa at kapatawaran sa puso nila. Sana ang kamatayan ko ang magiging dahilan kung bakit kailangan nilang maging masaya habang nabubuhay pa.
Because we don't own our time.
We'll just decide how to live with it. Live... without destroying it.
I am so happy. Hanggang ngayon, masaya pa rin ako na inaalala lahat ng magagandang bagay na nangyari sa akin no'ng nabubuhay pa ako.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Sana mabuhay sila nang masaya at mapayapa. Sana hindi sila kainin ng galit. Sana matupad lahat ng hinihiling nila. Sana sa bawat pagod ay makatagpo sila ng pahinga na nararapat sa kanila.
Mahal ko rin si Vito. Sana matupad lahat ng pangarap niya.
At mamahalin ko habang-buhay si Quen... kaya hihintayin ko siya sa susunod na habang-buhay.
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...