Competition

59 3 0
                                    

Chapter 8

"Bakit ganiyan ang mukha mo?"

Bad trip. Kanina pa masama ang tingin ko sa kanya. Kakaligo niya pa lang at may twalya pa na nakasabit sa leeg niya. Bumaba ang tingin ko sa cargo pants niya.

Tangina!

"Pre..." Inabot niya iyong roll-on niya tapos binato sa akin iyon kasi hindi ko siya sinasagot.

"Ano?"

"Anong problema mo? Galit ka ba dahil nagising kita?" naguguluhan na siya.

Nagising?! Hindi nga ako nakatulog dahil lintek na tite 'yan!

"Wala!" Binato ko sa kanya iyong deodorant niya. "Ano na? Baka ma-late ka na," sabi ko. Nakakunot ang noo niya at magtatanong pa sana pero pinili niya nalang na mag-ayos.

Tinulungan ko siyang ayusin iyong susuotin niya sa sayaw. Nag-plantsa ako. Nag-tupi pa kasi ang loko, 'di man lang naisip na ayusin iyong mga gamit niya sa bag. Sinamaan ko siya ng tingin kasi nakangisi na siyang humarap sa akin.

"You know the drill, 'kay? Kapag may emergency—"

I sighed. "Ako na nga bahala kay tita."

Ngumuso siya at dahan-dahang tumango. Kinuha niya iyong jacket niya bago nagsalita ulit.

"Baka mamaya, magustuhan ka ni Mommy at mahirapan na ang ipapakilala kong babae," humalakhak siya.

Natigilan ako.

"Bakit naman mangyayari iyon? Alam naman ng mommy mo na hindi tayo talo."

"Hmmm?"

Inayos ko na iyong zipper ng bag niya bago siya sinamahang lumabas ng kwarto. Tumungo muna siya sa kwarto ng mommy niya para magpaalam. Tumagal din iyon ng halos 15 minutes!

"Just text me, okay?" Naka-akbay na siya sa akin ngayon.

Tumango ako. Inalis ko iyong kamay niya at sabay naming ginawa iyong hand sign namin. Nag-apir kami tapos binangga ang magkabilang palad then we raised our middle finger.

"Good luck," bulong ko.

"Thanks. Ingat ka! Balitaan mo ako."

"Oo na... oo na." Yinakap niya pa ako bago tuluyang sumakay sa motor niya. Humikab pa ako bago siya pinagmasdan na umalis papalayo.

"Asshole..."

Dahil nga wala akong tulog, nagdesisyon nalang akong sa sala nila matulog kasi hindi ko kakayanin kapag bumalik pa ako sa kwarto niya.

---

"Start na?"

Inayos ko iyong cellphone ko. Saktong vacant namin ngayon kaya malaya kaming makapanood ng live video ng competition. Daming magagaling! Talagang pinaghandaan ng iba't-ibang prestigious schools ang competition na 'to. Tapos ganda pa ng opening ceremony! Panay nga ang pagpapadala ni Quen ng mga pictures niya, lakas maka-aesthetic.

"May gwapo..." si Hazel.

"Saan banda?" tanong ko kasi wala naman akong makitang gwapo! Nakahubad lang naman kasi nagbibihis. Gwapo na ba iyon?!

Hindi nga lang namin napanood iyong buong social events kasi may klase pa kami. Gusto ko sanang pumuslit kaso takot kaming bumagsak. Bahala na si Quen. Kaya niya na iyan. Ipanalo niya na lang.

"Make sure to do your plates, okay? Hindi na ako magbibigay ng extension."

Napakamot ako sa ulo ko. Dinungaw ko ulit iyong phone ko at nakita iyong mga shared photos ni Quen. Natawa ako kasi puro candid iyon pero cool pa rin naman siya.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon