Partner

69 1 0
                                    

Chapter 6

"Alam mo para kang tanga." Bumuntong-hininga ako habang binubulong ko sa kanya kung gaano siya katanga para itago sa akin 'to. Para naman kasing others. Iyong mga ganitong mga bagay... dapat sinasabi niya sa akin para lang madamayan siya. Hirap kaya na tinatago niya.

Napagod siya sa kakabantay kaya pinahiram ko muna sa kanya ang balikat ko. Tulog na rin ang mommy niya kaya ako nalang iyong bumabati sa pumapasok na nurse para i-check si Tita.

"You didn't sleep," Quen murmured. Kinusot niya ang kanyang mga mata bago nilingon ang mommy niya na mahimbing na natutulog. Nagising pa nga kanina pero hindi ko ginising si Quen kasi himbing na himbing siya sa pagtulog.

"Okay lang ako."

Tumayo siya at nag-stretch up pa.

"Did you eat?"

"Hindi naman ako gutom. Kape nalang," sagot ko.

"Okay. I'll be right back," sabi niya bago lumabas ng kwarto. Oras-oras may pumapasok na nurse para i-check si Tita. May mga oras din na namimilipit siya sa sakit kaya tatakbo na naman si Quen para magtawag ng nurse at doctor.

"You need to go home. May OJT ka pa bukas."

Suminghap ako at inubos ang kape na ibinigay niya sa akin. Alam na alam niya kasi iyong timpla ng kapeng gusto ko kaya nagustuhan ko.

"Okay lang naman. Dito nalang muna ako. Kailangan mo ng kasamang magbabantay kay tita. Baka mamaya, magka-emergency na naman."

Napatingin siya sa akin. Tumango nalang ako at tinanggap ang bump fist niya. Nagpapasalamat siya kasi hindi niya na alam kung anong gagawin niya kapag mag-isa siya. Kaya dapat sinasabi niya sa akin. Kapag sinabi kong magkaibigan, ganito ako maging kaibigan. Hinding-hindi ako mang-iiwan lalo na sa ganitong klaseng sitwasyon kung saan kailangan na kailangan niya ng karamay.

Dalawang linggo rin si Tita sa hospital. Umaaray na nga si Quen sa bayarin. Naimbitahan pa nga ako sa bahay nila pero hindi ko na napaunlakan iyon kasi kailangan ko ring bumawi. Kailangan ding bumawi ni Quen.

Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko siya masyadong nakikitang tumatambay sa dance room kasi after class, diretso siya agad sa bahay nila dahil kailangan siya ng mommy niya.

"Ash!" si Vito.

"Oh?"

Nag-apir pa kami. "Siya nga pala, punta ka sa birthday ni Mama. Hinahanap ka, e."

"Kailan ba iyon?"

"Sa makalawa."

Tumango ako kasi bakante naman ako. Kakatapos lang din ng OJT ko tapos wala rin naman masyadong epal sa acads. Well, meron naman kaso wala pang CAD iyong laptop ni Kuya kaya hindi ko nagagawa iyong pending designs. Bahala na si batman at ang guardian angel ko kapag nag-cramming na naman ako.

Dumaan muna ako ng dance room kasi kukunin ko iyong naiwan kong tsinelas. May nagpa-practice para sa MASTS na contemporary kaya dahan-dahan ang naging kilos ko kasi ayokong maging distorbo. Mas ayaw ko lang makita ako ni coach.

Hindi ko nga alam kung anong balak ni Quen sa competition. Sa Mati kasi gaganapin iyong competition pero hindi niya naman pwedeng iwan ng ganoon nalang ang mommy niya. Last year, siya ang naging pambato sa solo dance which is nag-top 2 siya, ah.

Biglaan din kasi.

Tapos nagdadalawang-isip ako na magtanong tungkol sa tatay niya kasi hindi niya naman nabanggit, maliban sa... sinabi niyang may ibang pamilya.

---

"Tuloy ka pa ba?" tanong ko. Kakatapos lang ng hydro class namin nang natanong ko sa kanya ang tungkol sa MASTS. Lagi na rin kasi siyang hinahanap ng instructor namin kasi major event iyong sasalihan niya tapos napapadalas na ang absent. Pati nga sa acads, hindi niya na masyado natututukan. Hindi rin maganda iyon kasi talagang nambabagsak na sila this sem.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon