Dream

64 3 0
                                    

Chapter 28

"Are you okay?" Quen suddenly asked me, telling me to hug him. Mag aalas singko na nang naabutan ko siyang abala sa pagbabasa ng inspirational book. Nakaugalian niya na iyon at napapadalas na rin ang pakikinig niya ng mga meditation songs.

Agad akong lumapit sa kanya para salubungin ang yakap niya. Uminit ang pisngi ko dahil hindi pa ako sanay sa ginagawa namin. Kahit yinayakap ko pa naman siya noon pa pero basta... iba ngayon. He tapped my back, para bang inaalu niya ako sa bawat tapik niya.

I sighed. Napagod kasi ako sa usapan namin ni Vito. I nodded. Yinakap ko na rin siya kasi feeling ko naubos yung positive energy ko kay Vito. Leche din talaga iyon. Overthink malala na tuloy ako.

"Nakuha mo na ba lahat ng kailangan mong reviewer?"

I nodded. "Yup. Okay lang ba na nandito lahat?"

He smiled. "Of course."

Quen and I decided to eat lunch downstairs. Natuwa pa nga si Tita Rose dahil... nakasanayan na ni Quen na sa kwarto siya kumakain kaya ngayon na kusa na itong bumababa para samahan siya sa hapag, masaya na siya. I pushed the wheelchair while holding his hand para salubungin si Tita sa kusina.

Kaya lang, naiwan ni Quen yung shawl niya kaya umakyat ulit ako para kunin iyon. Napangiti pa nga ako dahil nagkalat ang iilang motivational book sa kama niya; lahat ng iyon, tinitake note niya tapos isusulat sa sticky notes.

Sabi ng therapist niya, progress daw iyon.

Nung nakita ko na ang shawl, bumaba na ulit ako. Nasa hagdanan na ako nang marining ang seryosong usapan ng mag-ina sa dining area.

"Paano kung magbago ang isip niya, Quen?" si Tita Rose.

"She won't. Sinabi niya sa akin na buo na ang desisyon niyang... manatili kasama ko," Quen answered. "Ilang beses ko siyang tinanong pero ayaw niya sa Gensan, Mom. Kasi kung gusto niya talaga, matagal na siyang umalis."

Lumunok ako.

Anong ginagawa ko? Bakit hindi ako makalapit sa kanila?

"Ang sinasabi ko lang naman... 'di kita mababantayan nang maayos. Sa daddy mo... may kinuha siyang—"

"I already told you, Mom. Hindi nga ako titira sa bahay na 'yon! Kung gusto niya akong makita, bukas naman sa kanya ang pinto para bumisita," pagmamatigas ni Quen. "You don't need to worry about me, okay? I have Ash."

Tuluyang sumuko si Tita. No'ng tahimik na sila, doon palang ako nagpasyang lumapit at nagkunwaring walang narinig.

Napansin kong nagbago ang mood ni Quen. Kaya hinaplos ko ang buhok niya kaya napatingin siya sa akin.

"Okay ka lang?"

He nodded. "Yes." Ngumiti pa siya. "Eat now, Ash."

Nakatingin lang sa amin si Tita. Ngumiti siya sa akin.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa kwarto. Mas gusto kasi ni Quen manood ng Netflix sa kwarto niya kasi less hassle daw. Atleast kapag napagod at inaantok na siya, malapit na yung kama niya.

"What's bothering you?"

"Ha?"

"Kanina ka pa tahimik," kinuha niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa hita niya. "May problema ba?"

Umiling ako. "Wala. Ikaw ba? Mukhang 'di naging maganda ang pag-uusap ng mommy mo, ha?"

He gritted his teeth.

"Nothing," tapos pinikit niya ulit ang mga mata niya.

Ngumuso ako at pinikit din ang mga mata para pag-isipan ang mga bagay-bagay.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon