Review

58 2 0
                                    

Chapter 23

"Stay away, Mommy! I'm okay! Naputulan lang ako ng paa pero hindi ako baldado!"

I closed my eyes. Pagkatapos ng nangyari sa gabing iyon, hindi na siya nagsasalita. Parang wala lang. Parang hindi siya umiyak.

Hindi ko kayang ganito s'ya. Nagbabago ang ugali niya at... tuwing binibisita siya ng mga magulang niya, napupuno ng sigawan ang buong kwarto dahilan kung bakita palaging umiiyak si Tita Rose.

"Ako nalang sana... hindi nalang sana ang anak ko, Ash. Ako nalang sana," she covered her face, nagugutay na ang puso dahil sa sinapit ng nag-iisang anak. Lagi niyang sinasabi sa akin na kung pwede niyang akuin lahat ng sakit at paghihirap ni Quen, gagawin niya.

Quen managed to heal his wounds... pero mas matinding sugat sa loob ang nangyari sa kanya. His world crushed into pieces that he can't pick. He lost his hopes. He didn't graduate. He can't dance anymore... hindi pa sa ngayon.

"Do you think that will work, Dad?" rinig kong reklamo ni Quen kay Mr. Rodriguez.

"A-anak—"

"Kahit anong gawin ko, wala na! Mas mabuting habang-buhay akong nasa wheelchair nalang!"

I pursed my lips. Pinasok ko ang iilang review materials sa loob ng bag ko kasi mukhang magtatalo na ang mag-ama kaya bago pa man mangyari 'yon, pinihit ko na ang pinto para pumasok.

Quen's jaw clenched. The moment he saw me, he suddenly looked away.

Ngumiti ako kay Mr. Rodriguez. He was not happy to see his son. Hindi siya sanay na nagagalit ito sa harapan niya. Agad niyang pinunasan ang kanyang pisngi... dahil ayaw makita ng anak niya na umiiyak siya.

"Kakausapin ko lang muna ang doctor," Mr. Rodriguez said and left us.

Inayos ni Quen ang kumot, tama lang para pagtakpan ang hita niya. Iritadong-iritado siya lalo na noong bumaling siya sa bintana at nakitang mukhang uulan pa ata.

"Summer season has ended?" tanong niya habang nakatanaw pa rin do'n. Lumapit na ako at pinulot ang unan na naitapon niya dahil sa away nila ng daddy niya.

"Oo..."

Nilingon niya ako.

"Why are you here? 'Di ba dapat nagre-review ka na? Two months to go, board exam na, ha?"

"I'm reviewing."

Nagalit na naman siya. "You can't focus here! Akala ko ba nasa plano mong sa MSU ka magre-review?"

Ngumuso ako. Napagplanuhan kasi namin iyon... na sabay kaming pupunta ng MSU kasi maganda ang review center do'n.

"Self-review," tipid kong sagot.

"Why?" He gritted his teeth.

Nagkibit-balikat ako. "I can't afford it. Wala pang extra pera si Mama. I can still review here."

"You can't. Magkano ba ang kailangan mo? I will pay," tunog-desparado talaga siyang ipatapon ako sa MSU!

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Aba't ganoon-ganoon nalang iyon?! Gagong 'to!

"Hindi ko kailangan ng pera. At saka, hindi ako aalis dito."

"Why?" galit na siya.

I stared at him for a few moments... tinitimbang ang totoong dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

"You shouldn't be here! Ang dapat sa iyo ay nagre-review sa review center! LEABE is one of the toughest board exam in engineering kaya dapat sineseryoso mo ang pagre-review mo!"

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon