Sleep Talking

75 2 0
                                    

Chapter 14

Umuwi si Mama.

Naiintindihan ng mga kapatid ko ang nangyari... na para bang naulit nalang 'to at ako lang ang hindi nakakaalam.

Kuya Janus patted my head. Kakauwi ko palang at hinatid ni Quen nang makita ko si Mama sa kusina, tahimik na naghahanda para sa hapunan.

"Anong..." Ni hindi ko magawang matuwa sa nakikita ko. This wrecked... home suffocates me at mas mabuting wala na... kaysa sa nagkukunwaring okay kahit hindi naman.

Mama smiled at me.

Baka iyon ang dahilan.

Baka dahil sa amin, 'di dahil napatawad niya na si Papa.

Ganoon din si Papa. Umuuwi siya na parang walang nangyari. Kung may nagbago man, iyon ay ang sigla at ingay ng buong bahay. Noon, kahit apat lang kami, katapat namin ang isang baryo dahil sa ingay... pero ngayon, aakalain mong 'di magkakilala sina Papa at Mama.

Nasa isang kwarto pero sa kama natutulog si Mama at sa sahig naman si Papa.Tuwing kumakain, tumatabi si Mama sa amin ni Kuya Janus. At kapag lumalabas si Papa at nagpapaalam, nakaabang lang si Mama sa bintana na para bang nagdududa sa lakad niya.

I sighed.

"Lalim no'n, ha?" Natulak ko agad si Quen dahil kinagat niya bigla ang tainga ko! Parang may sira ang gagong 'to.

I glared at him. Humalakhak siya at inabot ang enrolment form ko. Siya na ang nag-asikaso no'n kasi ang haba ng pila sa department. Nakakawala ng pasensya.

"Napapansin kong... matamlay ka na naman, ha? Tungkol pa rin ba to sa mga magulang mo?"

"Minsan naiisip ko na... sana maghiwalay nalang sila," I looked at him. "Kasi para silang tanga. Para silang hangin sa bahay."

Umahon ako sa pagkaka-upo. I didn't like Quen's reaction. Ayan na naman siya sa awa niya. Hindi ko naman kailangan.

"Ikain nalang natin 'yan. Ano bang gusto mo?"

I rolled my eyes. "Wala."

"Libre—"

"Lagi nalang!"

He chuckled. "Wala na akong girlfriend kaya ikaw nalang ang pagkakagastusan ko!"

Masasakal ko na talaga siya sa stupid logic niya. Hinayaan ko siya sa gusto niya kasi alam kong hindi naman siya magpapaawat. After our enrolment, nagyaya siyang kumain sa downtown tapos dumaan na rin sa World of Fun kasi nag-aalok ng basketball. Go naman ako kasi kung sino 'yung talo, siya itong gagawa ng writings this weekend.

"Horse riding this weekend," he murmured. "Go ka?"

Ngumisi ako.

"Sige ba!"

Kasi gustong-gusto kong sumakay ng kabayo! Ang huling tanda ko, two years old palang ako simula noong nakasakay ako ng kabayo sa bukid ni Papa at hindi na nasundan 'yon.

"Excited na excited ha..."

I smirked.

Nilubos ko na iyong summer namin dahil alam ko kung gaano ka-stressful next sem. Madalas akong natutulog sa bahay ni Quen at dinadahilan si Tita Rose para payagan ni Mama. Naglalaro kami tuwing gabi at natutulog ng alas kwatro ng umaga. Nagigising nalang kami sa amoy ng ulam na niluluto ni Tita para sa amin. Lumalaki na ang mga eyebags ko dahil sa puyat!

Quen groaned. I slowly opened my eyes at naramdaman ang kamay niya na nakapatong sa tiyan ko. Napahawak ako sa noo ko at naalala na hindi nga pala siya nakalipat sa couch dahil sa sobrang antok.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon