Shocked

57 1 0
                                    

Chapter 10

"Kuya! Pahiram naman ng T-shirt."

Lunes ngayon at kakatapos ko lang ding maligo at may twalya pa sa ulo. Naubos na iyong mga damit ko dahil hindi ako nakapaglaba noong weekend. Masyado akong nawili sa kakatambay kina Vito kaya naiimbyerna ako ngayon. Hindi rin nakapaglaba si Mama kasi masama ata ang pakiramdam kasi buong araw nakakulong sa kwarto. Si Papa naman, hindi umuwi dahil sa trabaho.

"Kuya!" I shouted again.

"What the fuck, Charish?!"

I glared at him. Foul iyon!

"Pahiram ng T-shirt," pumasok na ako sa kwarto niya at dumiretso sa cabinet. Nakahilata pa siya sa kama niya at magulo ang buhok.

"You always fucking wear my shirts! Wala nang natira sa akin!"

"Grabe siya! Eto lang naman!"

Kinuha ko na iyong gusto kong shirt. Dami niya kasing anime customized shirts kaya bet na bet ko. Wala na siyang nagawa kasi nakuha ko na. Nakapikit pa iyong isang mata niya bago binaon ulit ang mukha sa unan.

My phone vibrated. Ngumiwi ako nang makitang si Quen ang tumatawag.

Ano ka ngayon?! Tatawag-tawag ka?

Pumait ang mukha ko nang maisip kung bakit nga ba ako naiinis ng ganito dahil wala na siyang oras para sa... pagkakaibigan namin.

Ang immature.

"Kuya! Pahingi ng allowance!" sigaw ko ulit. Natawa ako dahil napipikon na siya. E, wala naman kasi akong maasahan dito sa bahay dahil wala iyong dalawa kong kapatid tapos si Mama, tulog pa.

"Kuya—"

"Nasa wallet," he groaned.

At dahil dakilang kapatid ako, kumuha ako ng one hundred peso bill sa wallet niya. Tumalbog ako sa kama bago siya pinatakan ng halik sa noo kaya nasipa niya ako!

"Kuya! Aalis na ako!"

He didn't answer. He just shouted noong nasa labas na ako at inaayos ang sintas ng sapatos ko.

Nag-text ako kay Papa kung kailan ang balik niya pero masyado ata talaga siyang busy dahil hindi man lang nakapag-reply. Tumunog ulit ang phone ko dahil kay Quen kaya sinagot ko na.

"Oh?"

"Where are you?"

"Nasa pedicab. Bakit?"

"Sabay na tayo. Maliligo lang ako."

Umirap ako. "Huwag na! On the way na ako."

"Huh?!"

Pinilit ko siyang hayaan akong mag-commute. Maaga ako ngayon dahil medyo strict iyong first subject namin ngayon. Kapag nali-late kami, magre-recite kami ng PAES!

At buti nalang talaga, hindi ako sumabay kay Quen. Twenty minutes late ang kumag kaya ayun, katumbas ng pagiging late niya ang sampung PAES. Tawang-tawa pa nga yung buong klase dahil para na siyang tanga sa harap. Kung ano-ano nalang ang sinasabi.

"Are you angry?" tanong niya.

Umiling ako.

"Bakit naman ako magagalit?"

"Wala lang. Nararamdaman ko lang."

"Overthinker," I murmured.

Natanaw ko na siyang masama ang tingin sa akin. As if he's not believing me... alangan naman sabihin ko sa kanya na nagtatampo ako? Tapos magtatanong ng rason... na hindi naman ako sigurado kung bakit nga ba ako naiinis.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon