Chapter 30
"Nasa labas boyfriend mo," sabi sa akin ni Kenzo. Kumunot ang noo ko kasi ang bigla nalang siyang nagsabi na nasa labas boyfriend ko. Ang random! At saka, imposible...
Kaso nakatingin lang siya sa akin na parang sinasabi niya na 'di siya nagbibiro.
Hinubad ko muna ang apron bago dinungaw ang kotse na naka-park sa labas. Kumunot ang noo ko kasi... LC ni Quen 'yon.
Umawang ang bibig ko.
Bumaba iyong window para lang makita ko siyang nakangisi at nakatingin sa akin. Whoah?! Teka... paano... pwede bang magmaneho ng isa lang ang paa?!
"My car is automatic," he said. Parang ang evident siguro sa mukha ko iyong gulat na nasa labas siya ng cafe...
"A-anong ginagawa mo?"
"Sinusundo ang girlfriend ko. Out mo na ba?" Tumingin pa siya sa relo niya. "Six thirty na. Your out is 7PM... I'll just wait here."
Uminit ang pisngi ko. Totoo nga 'to?! Hindi lang ako masaya na sinundo niya ako sa trabaho; iba naman iyong kinasaya ng puso ko! Parang tinotoo niya talaga iyong sinabi niya na ibabalik niya yung sigla ng dating Quen. Iyong Francisken na nakilala ko. He wanted to finish his therapy. Have progress at winowork out niya talaga yung paglu-look forward gamit ang prosthetic leg niya.
Kaya niya ng gamitin 'yon.
At sana tuloy-tuloy na iyon.
As if... kasi biglang may masamang balita ang dumating sa amin. Quen despise the idea of losing something and someone again. At 'di ko alam kung kaya niya pa bang tanggapin lahat ng nawala sa kanya... bad timing or... talagang tini-test siya ng tadhana? Kotang-kota ba siya sa mga trahedya?
I don't know.
"W-What—" nanginginig ang boses niya nang malaman ang balita. Kahit ako, walang boses na lumalabas sa bibig ko. All I did is to hug him... and cried with him.
His best friend died. Ace Florendo got into accident.
The Florendos mourned silently. Ang mas masaklap pa, sa kabila ng nangyari... binabatikos pa rin sila. Quen cried all night. Praying for his bereaved friend... at may parteng sinisisi ang sarili dahil hindi man lang nito hinintay ang pag galing niya.
He's back to zero again.
Parang naging okay siya para lang matanggap na may mawawala ulit.
After Ace's death, kumalat ang tungkol sa paglaya ni Simon Florendo. Malaking balita iyon. He even visited Quen kasi sabi niya, noong nabubuhay pa ang kapatid niya, madalas makuwento ni Ace ang tungkol sa pagsasayaw. Nasali pa nga sa usapan si Joyce. Naaawa ako sa kanya sa totoo lang... but Simon was right. He wanted to love her... pero hindi pa ito ang tamang panahon. He was still heartbroken because of Ace... and he doesn't want to bring that shit to the girl he only loved.
Dahil do'n, buong araw kong hindi iniwan si Quen kasi feeling ko, iiyak na naman siya hanggang sa mapagod siya.
"Baby..." Quen whispered against my ear. Naramdaman ko ang hapdi ng aking mata. Nakatulugan ko kasi ang binabasa ko.
"Hey—"
"Sleep there," sabay turo sa kama. "You need to sleep well."
"I'm good."
"No, you're not. Alam kong wala ka pang maayos na tulog. You work and review, Ash. Tapos... inaalagaan mo pa ako—"
"Ayan na naman tayo Quen," pinigilan ko na siya kasi ayan na naman siya. Di niya ata alam na mas mapapagod ako kung ganiyan siya. "I'm okay. Stop it."
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...