Lucky

60 3 1
                                    

Chapter 25

I decided to look for a job. Ilang linggo lang pagkatapos lumabas ng result, feeling ko kailangan ko munang maghanap ng trabaho. Ayoko na kasing dumadaan na ako sa phase ng buhay ko na maging tambay muna. Baka mamaya, masanay ako at mahirapan.

"What's that?" Kuryuso agad ni Quen.

"Naghahanap ako ng trabaho."

Nilingon ko siya nang igalaw niya ang wheelchair niya para lumapit sa akin. Ngumiwi ako kasi masama pa naman ang loob ko dahil inaway niya ako kanina. Kakatapos lang ng therapy niya at kakaalis lang din ng daddy n'ya nang awayin niya ako tungkol sa walang kwentang bagay.

Dahil lang sa picture.

"How about your review?"

"Tss... kakalabas nga lang ng result, review agad nasa isip mo?"

"You... need to prepare more. Napaghihinaan ka na ba ng loob?" Medyo humina ang boses niya. "You will still try again, right?"

"Oo naman. Hindi ko naman susukuan ang pangarap ko. Tuloy pa rin naman iyong plano," huminga ako nang malalim. "Pero kailangan kong magtrabaho. 'Di pwedeng tumambay ako."

He nodded. Buti nalang at mabait siya ngayon kaya medyo good mood ako. Umalis muna ako saglit para balikan si Mama sa salon. Ewan ko nga at anong nakain niya. Biglaan nalang pumasok sa isip niyang magpa-ayos ng buhok.

Hindi lang iyon kalayuan sa bahay ni Quen. One ride lang tapos nagbayad na ako ng pamasahe ako bago pumasok sa loob.

"Maganda na ba ako?" Nakangisi si Mama sa salamin. Ngumiwi ako kasi wala naman talaga pagbabago... maliban sa straight na yung buhok niya.

"Hmmm," sagot ko kaya napasimangot tuloy siya.

"May date kami ng Papa mo tapos hmmm lang sagot mo?"

"Kakain lang naman daw kayo sa labas," umupo ako sa bakanteng space ng sofa. Nanatili ang tingin ko kay Mama habang inaayos ang buhok niya. Date daw... pero kung sabagay, taon din ang tiniis ni Papa ang magiging malamig ni Mama kaya bumabawi ngayon.

Pagkatapos kong samahan si Mama, inihatid ko na siya sa kakainan nila ni Papa. I saw my father waiting for us... at nang lumingon siya, agad siyang tumayo para salubungin kami.

Kaso 'di na talaga tulad ng dati.

Naiilang na ako. 'Di ko alam kung talagang napatawad ko na siya o wala na talaga akong tiwala.

Kasi baka sayangin niya ang tiwala ni Mama... ulit.

"Samahan mo na kami, anak."

Nilingon ako ni Mama.

"Hindi na po. Babalikan ko pa po kasi si Quen. Mag-enjoy kayo sa date n'yo."

Hindi ko alam kung naniwala si Papa sa sinabi ko pero tumango lang siya at tinuon ang atensyon kay Mama. Ayoko ng drama kaya nagpaalam na agad ako.

Ang weird kapag... naiilang ka sa sarili mong ama.

**

Inipit ko sa kili-kili ang isang folder. May dala kasi akong tatlong parcel para kay Quen kasi wala na siyang ibang ginawa last month kundi ang mag-add to cart at buy now. Daming pera ng gago. Papasok na sana ako sa kwarto niya pero napansin kong bukas ang pinto.

Tapos narinig ko pa ang ungol niya. Ang weird kaya sinilip ko siya. Hirap na kasi green-minded pa naman ako.

Nakita ko siyang sinusubukang gamitin ang artificial leg... sa wakas. Halos hindi ako pumitok dahil sinisuguro kong... talaga bang sinusubukan niya nang gamitin 'yon?

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon