Hindi Kaya

63 1 0
                                    

Chapter 15

Vito bombarded me a lot of messages. Tumawag pa nga pero hindi ko sinasagot. Feeling ko kasi, nangti-trip na naman pero no'ng na-realize ko kung anong pertsa, birthday pala ng kapatid niya. May kainan pero ang problema, nagyaya si Quen na manood ng sine.

"What?" Inabot ni Quen sa akin ang juice at isang cake. Paborito kong blueberry cheesecake kaya hindi ko natiis at kinuha ang isang slice no'n.

"Why are you looking me like that? You want to kiss me?" He chuckled.

Masama tuloy ang tingin ko sa kanya.

"Nag-imbita si Vito."

"And?"

"May kainan."

"Oh... Where?" Humaba agad ang leeg niya nang marinig ang kainan.

Wait. What if...

Tama! Isasama ko nalang siya sa party. Magpapaalam ako kay Vito para hindi ko na kailangang pumili sa kanila. Pareho pa namang hirap suyuin ng mga gago kapag nagtatampo.

"Ash—"

"Wear something pastel color. Yun daw iyong theme," sabi ko. "Punta ka nalang. Sige na... Magtatampo kasi si Vito kapag absent ako sa birthday ng kapatid niya."

"Ano ba 'yan..." Masungit niyang reklamo pero bago pa siya magtampo, sinapak ko na at inipit ang mukha niya sa kili-kili ko.

"Ash!"

"Ano? Aarte ka pa ba? Ikaw naman ngayon ang magtatampo?! Tampo ka na?"

"I'm not!" Tinulak niya na ako. "May usapan kasi tayo and you even told me na wala kang lakad!"

Iniwan niya ako para umakyat sa kwarto niya. Walang pasabi! Nagpalit nga ang gago. Pero iyong mukha niya, parang 'di pa siya masaya na birthday party yung pupuntahan namin.

"Vito didn't invite me," he snarked.

Ngumuso ako. "Nag-text na ako. Pumayag naman siya..."

Umiling ulit siya at masama pa ang huling tingin sa akin. "Tsss... You're with him last weekend, ha? And you even told me that you're free today..."

Hindi tuloy ako nakapagsalita sa sinabi niya. Kainis naman! Nakalimutan ko kasi iyong araw at kung 'di naman biglaan ang imbitasyon ni Vito, matutuloy naman iyong lakad namin!

Pinanood ko siyang nagmamaktol habang kinukuha ang helmet ng motor niya. Tahimik ko nalang kinuha iyon kasi pakiramdam ko, 'di pwedeng sabayan iyong galit niya.

"Humawak ka nga nang mabuti!" reklamo niya ulit sabay hila at lagay ng kamay ko sa bewang niya.

"O-okay lang," inalis ko yung hawak ko sa kanya. "Tagal ko nang naka-angkas sa motor mo na 'di kita hinahawakan d'yan, 'di naman ako nahulog."

"Whatever," bulong niya bago tuluyang sinuot ang helmet.

Simula noong naghiwalay sila ni Heaven, parati na kaming lumalabas. Kung hindi niya trip ang lumabas, nagyayayang mag-overnight sa bahay nila. Uminit tuloy ang pisngi ko nang maalala ulit ang nangyari last overnight! Napapikit ako at naramdamang bumibilis ang takbo ng motor. Pinatong ko ang isang kamay ko sa balikat niya at bahagya siyang kinurot. Naintindihan niya naman at bahagyang bumagal lalo na no'ng dumaan kami sa kurbada.

No'ng nakarating na kami sa bahay nila Vito, lumapit agad ako kay Tita. Tuwang-tuwa pa habang inaayos ang iilang tray sa mesa bago napako ang tingin sa lalaking nasa likuran ko.

"Hija... mabuti naman na nakapunta ka," nakangisi pa siya sa 'kin pero yung tingin niya na kay Quen.

"O-opo... si Vito kasi, sabi niya kailangan niyo raw ng tulong sa paghahanda." Napakamot ako sa noo ko. "Babalutin na po ba ang lumpia?"

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon