"PA, ANO po 'to?" tanong ng walong taong gulang na si Ava sa ama nito habang nakatingin sa isang sandata na hawak ng ama.
Ngumiti si Avalon na ama ni Ava. "Isa itong dagger sword, 'nak. But we can call it as short dagger knife."
"Saan niyo po ginagamit 'yan?" muling tanong ni Ava. Normal lang naman sa isang bata ang magtanong tungkol sa mga bagay na nakikita nito kaya napatingi si Avalon.
"Gusto mong malaman?"
Tumango si Ava. "Opo."
"Sige. Umupo ka."
Umupo naman si Ava sa tabi ng ama habang hindi inaalis ang tingin sa dagger sword na hawak nito. Napakaganda ng dagger sword na hawak ng ama. Kung maaari niya lang sana itong hinilingin sa ama.
"Ava, gusto ko itong ibigay sa 'yo ngunit mangako ka na gagamitin mo lamang ang dagger sword na ito para protektahan ang mga taong nangangailangan ng tulong. Naiintindihan mo ba, anak?"
Tumango si Ava kapagkuwan umiling... then she nodded again but then she shook her head.
Natawa si Avalon saka hinaplos ang buhok ni Ava. "Paglaki mo maiintindihan mo rin ang aking mga sinabi. Tandaan mo, hindi lahat ng mga nakikita mo ay tama at mali. Hindi lahat ng tama ay tama. Hindi lahat ng mali ay mali." Avalon sheathed the dagger sword with its own scabbard and tied the dagger sword handle and the scabbard. Ganun din ang ginawa niya sa isa pang dagger sword.
Nagtaka naman si Ava sa ginagawa ng ama.
Napatitig si Avalon sa hawak na dagger sword. Dalawa ito at personal niya itong ginawa para sa mga anak niya. Pagdating ng tamang oras, magagamit ng mga anak niya ang mga ito upang protektahan ang mga nilalang na kaniyang pinoprotektahan laban sa mga gustong pumaslang sa mga ito. Kasapi siya ng isang organisasyon na pumapatay sa mga nilalang na naiiba sa kanila. Ang mga taong-lobo. Ngunit iba ang paniniwala niya dahil alam niyang kahit iba ang mga ito sa kanila, katulad rin nila ang mga ito na may puso. Kaya ginagawa niya ang lahat upang protektahan ang mga ito sa abot ng kaniyang makakaya. Oo may mga lobong masasama pero may mga mabubuti rin.
Kung ang sandata ng mga hunters ay gawa sa pilak na kayang pumatay ng mga lobo, nakalaan naman ang dalawang dagger sword na 'to para sa mga hunters na gustong manakit sa mga taong-lobo. He especially made this dagger sword for hunters.
"Ava, 'nak, dalawa ang dagger sword na 'to. Ang isa ay para sa kapatid mo. Ngunit sa ngayon huwag mo itong gamitin. Bata ka pa at baka masugatan ka kaya mas mabuti kung itago mo muna." Malumanay na sabi ni Avalon.
Tumango si Ava. "Opo, papa."
Ngumiti si Avalon at napatingin sa asawa na bumababa ng hagdan, kasama nito ang bunso nilang anak.
"Papa!"
Tumayo si Avalon saka sinalubong ang asawa saka kinuha si Alden mula sa bisig nito. Ginulo ni Avalon ang buhok ng bunsong anak habang si Ava naman ay nagtungo sa kwarto upang itago ang dagger sword na bigay ng ama.
Mula sa bintana ng kwarto, nakita ni Ava ang pagdating ng isang sasakyan at bumaba ang ilang kalalakihan. Nagtaka ang bata at pinanood ang mga ito pero nakita niyang pwersahan ng mga itong binuksan ang gate. Nanlaki ang mata niya at tumakbo siya palabas ng kwarto.
"Papa! Mama!"
"Ava, halika rito." Tawag sa kaniya ng ina.
Tumakbo si Ava patungo sa ina at yumakap rito.
"Yana, tumakas na kayo ng mga bata. Nandito na sila." Seryosong saad ni Avalon.
Umiling si Yana. "Paano ka?"
![](https://img.wattpad.com/cover/321491846-288-k513730.jpg)
BINABASA MO ANG
Alpha Keanu (COMPLETED)
Lupi mannari#1. FIRST RANK ALPHA KEANU DAVIS Alpha Keanu is the Alpha of Bright Moon Pack. His duty is to protect his pack but without a mate, he will be alone and lonely. He's longing for his mate. When he met her, he's over to the moon, but his mate is not an...