CHAPTER 40

2.7K 93 0
                                    

TUMIGIL ang pagbaril ng mga hunters at umatras ang mga ito. Naglakad paharap si Draco habang nakangisi kay Ava. "Ava, did you already forget that your skill came from me? And yet you dare to challenge me."

Tumaas lang ang sulok ng labi ni Ava. "Skills that I was thankful that you taught me." Aniya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa dagger sword.

Napatingin si Draco sa dagger sword na hawak ni Ava. "If you're father didn't betray us, hindi ko sana sila pinatay."

"Our father's decision was the best." Sabad ni Alden. Tumingin siya kay Elijah. Umiling si Elijah. He's telling Alden not to fight against the hunters but Alden, being a stubborn kid, just smiled and walked towards his sister.

"Ate, makakayanan mo ba?" tanong ni Alden. "Alam nating pareho ang kundisyon mo."

Kumunot ang nuo ni Ava at napatingin kay Alden. "What do you mean?"

Ngumiti lang si Alden saka hinawakan ang sariling tiyan.

Nakuha agad ni Ava ang ibig sabihin ni Alden. Magkapatid nga silang dalawa. Hindi na siya nagtataka kung paano nito nalaman na buntis siya. Kaya lang nagtataka siya kung kailan nito nalaman.

"I saw you vomiting." Alden answered. He couldn't read his sister's mind pero nakasulat na kasi sa mukha nito ang pagtataka.

Ava just sighed and smiled at her brother.

Pareho nilang hinarap si Draco.

"Greco's siblings." Natawa si Draco. "Noong hunter pa ang ama ninyong dalawa, isa siya sa mga pinakamagaling na hunter pero sayang nga lang at maaga siyang namatay."

"Are you provoking my mate?" said Keanu from Ava's behind.

Draco sneered. "Alpha? First Rank Alpha."

Keanu clapped his hand thrice. "You really deserved your reputation, Sir. You know that I am the First Rank Alpha. I guessed that Nancy told you." Umiling si Keanu. "It's a pity that she's already dead."

"I killed her." Said a powerful voice. "Betrayal is unforgivable."

Lahat ay napatingin sa kinaroroonan ni Dimitri. Parang wala lang na nakapamulsa ito habang nakasandal sa katawan ng puno.

Kumunot ang nuo ni Ava. I really wonder sometimes if he's a crown prince or not? Napailing si Ava.

Ava noticed one of the hunters who were hiding from the bushes. Because she had keen eyes, nakita niya ang pagtutok nito ng palaso sa kanila. Ava was alerted and when the hunter released the arrow, ginamit niya ang dagger sword niya para salagin ito.

Nahulog ang palaso sa lupa. Tumalim ang tingin ni Ava at mabilis na sinugod si Draco.

"Ava!" Keanu called Ava but Ava was already fighting Draco.

While Alden was now fighting Brent.

Nagsalubong ang dalawang grupo.

The pack warriors shifted into their wolf form and attacked the hunters. Ganun din ang mga hunters.

Keanu ran towards Ava to help his mate but the hunters blocked his way. Tumalim ang mata ni Keanu at mabilis na sinugod ang mga hunters na humarang sa kaniya. He didn't shift into his wolf form but he could still fight. Cayden was also taking over Keanu's body. So, Keanu's movement became fierce and brutal.

Napangiwi na lang si Oliver na nakakakita sa ginagawa ni Alpha Keanu sa mga kalaban nito. Talagang hindi ito nagpakita ng awa. Alpha Keanu broke the neck of the hunters who blocked his way towards the Luna. Oliver came to realize that it wasn't Alpha Keanu but it's Cayden, Alpha Keanu's wolf.

"Sophia, watch out!" Oliver yelled as he ran towards his mate to save her but Sophia was quick to dodge the hunter's dagger.

Napangiti na lang si Oliver nang maunahan ni Sophia ang kalaban nito.

Meanwhile, Ava was fighting Draco. Their movement was fast and fierce. Parehong nakakailag ang dalawa sa kanilang mga atake. But as for Ava, even she's fighting fiercely, maingat ang bawat galaw niya pero hindi niya 'yon pinapakita kay Draco at baka malaman pa ni Draco ang kalagayan niya.

Napansin ni Alden na nag-iingat ang kapatid niya kaya naman gumawa siya ng paraan upang makalapit kay Alpha Keanu. Kaya naman habang nakikipaglaban siya kay Brent, sinubukan niya itong ilayo sa kinaroroonan ni Draco at ng kapatid niya. Brent didn't seem to notice his plan so Alden continued to fight Alden while moving away. Good thing is that, Elijah came to help him. It's now 1 versus 2.

Hindi sinayang ni Alden ang pagkakataon at inatake ng inatake si Brent habang pinoprotektahan naman siya ni Elijah.

Brent couldn't fight back. Alden's move was fierce. Nahihirapan siyang umatake rito lalo pa at tinutulungan ito ng isang kasama nitong lobo. Hindi napansin ni Brent na nasa likuran niya si Elijah dahil nakapokus lang ito kay Alden.

Hinawakan ni Elijah ang likuran ng leeg ni Brent at mabilis namang nilaslas ni Alden ang leeg nito.

Hindi nag-aksaya ng oras si Alden at mabilis na tinignan ang paligid. Nakita niya ang ilan sa mga pack warriors na nakahandusay na sa lupa at wala ng buhay. Ganun din ang ibang hunters. Duguan na rin ang Crown Prince dahil sa pakikipaglaban nito sa mga hunters at ang mga dugong kumapit rito ay ang dugo ng mga napatay nitong hunters.

Itinapon ni Alden ang dagger sword sa isang hunter na aatake sana kay Alpha Keanu. He ran towards Alpha Keanu. "Help my sister!" Aniya at saka hinugot ang dagger sword na bumaon sa katawan ng hunter.

Keanu didn't say anything but he ran towards his mate while Alden and Elijah are clearing the way for him.

Nang makalapit si Keanu sa kinaroroonan ni Ava, napansin niyang hawak ni Ava ng tiyan nito. He immediately attacked the Hunter's Leader, kaya napunta kay Keanu ang atensiyon ni Draco.

"Luna!" Lumapit si Sophia kay Ava at inalalayan ito. "Are you okay?"

Umiling si Ava. "I felt pain."

Nanlaki ang mata ni Sophia. "Luna!"

Keanu and Draco are now fighting. Keanu's throws punches and kicks towards Draco. Nabitawan ni Draco ang hawak na sandata nang sunod-sunod siyang sipain ni Keanu. Keanu was focused on fighting Draco but his attention was shifted when he heard Sophia yelled 'Luna'.

Mabilis na napatingin si Keanu sa kinaroroonan ni Sophia. He saw Ava holding her stomach.

Dahil nawala si Keanu sa pokus kinuha naman 'yon ni Draco na pagkakataon upang atakehin si Keanu. Draco kicked Keanu on his chest. Ininda ni Keanu ang lakas ng sipa ni Draco at napaatras siya, natumba siya sa lupa at mabilis naman siyang sinakyan ni Draco at balak siya nitong saksakin gamit ang hunter's dagger.

Hinawakan ni Keanu ang braso ni Draco na may hawak na dagger. Draco's strength can be compared to Keanu because Draco was injected by a drug before. A kind of drug that hunters invented to make someone strong and capable.

Draco was pushing his strength to push the dagger to Keanu's face but Keanu dodge his face and the dagger hit the ground.

Nakapokus ang dalawa sa isa't-isa at hindi nila namalayan ang paglapit ni Ava. Ava didn't say anything and she just slit Draco's throat.

Naipikit ni Keanu ang mata nang sumirit ang dugo mula sa leeg ni Draco. He pushed Draco so Draco fell on the ground.

Tumayo si Keanu at tinignan si Ava.

Ava just smiled before she lost her consciousness.

Mabilis namang sinalo ni Keanu ang dalaga. "Ava!"

"Alpha, take her to the doctor. She's pregnant!" Alden yelled.

Nanlaki ang mata ni Keanu at tinignan si Ava na nasa bisig niya. My mate is pregnant?!

Alpha Keanu (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon