CHAPTER 11

3K 103 2
                                    

KEANU parked the car at the parking lot of the restaurant. "I read the reviews. This restaurant has good reviews."

Tinignan ni Ava ang restaurant. "Hitsura pa lang halatang mahal na." aniya.

Natawa si Keanu. "It's my treat. Don't worry."

"Dapat lang. Ikaw kaya ang nag-aya sa akin rito. Sumama lang ako." Sabi ni Ava. "I'm poor."

"Poor?" Hindi naniwala si Keanu. "Your brother is taking medical course. Mahal ang kursong 'yon."

Ava sighed. "He's a scholar."

"Oh."

"So, bababa ba tayo o hindi? Gutom na ako. Masarap pa naman kapag libre." Aniya saka nauna ng bumaba.

Ngumiti lang si Keanu saka bumaba na rin. He was being amused by his mate's behavior.

Sabay na pumasok si Keanu at Ava sa loob ng restaurant.

"Any reservation, sir, ma'am?" tanong ng waiter.

Tumango si Keanu. "Under Keanu Davis."

Ava looked around. Puno ang mga mesa ng mga customer at halatang afford lang ng mga mayayaman ang restaurant na 'to. Kung kakain ako rito at ako ang magbabayad. Siguradong dalawang buwan na sweldo ko ang bayad ng mga pagkain rito.

At hindi na siya nagtataka kung bakit nagpa-reserve si Keanu.

"I can do it." Mabilis na sabi ni Ava nang ipaghuhugot sana siya ni Keanu ng upuan. Ngumiti siya at saka siya na mismo ang humugot ng upuan.

Inilapag ni Keanu ang bag ni Ava sa isang bakanteng upuan saka umupo sa sariling upuan.

"Here's the menu, ma'am, sir." Ibinigay ng waiter ang menu.

"You can order anything you want." Ani Keanu.

"Okay. Thanks."

Ava scanned the menu. Napatikhim siya nang makita ang prices ng mga pagkain. Sabi ko ng mahal ang pagkain sa restaurant na 'to pero bakit nagulat pa rin ako? Napailing siya saka itiniklop ang menu. Tumingin siya kay Keanu. "Ikaw na ang bahalang umorder. Restroom lang ako." Tumayo si Ava saka nagtanong sa waiter kung saan ang restroom.

"In this way, Ma'am." Iminuwestra ng waiter ang kamay nito sa daan.

"Thank you." Ava went to the restroom but she didn't forget to bring her bag.

Pagpasok niya sa restroom, kaagad niyang binuksan ang bag niya. She stared at her dagger sword. Napabuga siya ng hangin saka tinignan ang sarili sa salamin. "Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. I know that this was wrong. He's a werewolf and I am a hunter. Why am I with him? And what's this feeling inside me..." napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. "Why do I felt happy when I'm with me even he didn't do anything to make me happy?" tanong niya sa sarili saka mahinang natawa. "I think I should distance myself from him from now on. After this 'friendly dinner' I should stayed away from him. It's not safe for me. Werewolf and hunters are mortal enemies."

Isinara ni Ava ang bag. Nang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makitang angg kapatid ang tumatawag. "Alden."

"Ate..." Alden called her.

Kumunot ang nuo ni Ava. "Alden, what happened to you?" nakaramdam siya ng pag-aalala dahil sa boses ng kapatid. Mahina ito at parang pinipilit lang magsalita.

"Ate, why this is so hard? I wanted to reject him but the wolf mark in my palm hurts. I couldn't stand the pain so I gave up. Ate, let's leave here. Let's go to another place." Alden's voice cracked.

Alpha Keanu (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon