One month later...
"You may now kiss the bride!"
Ava clapped her hands when the pastor announced that the groom should kiss his bride. It's Oliver and Sophia's wedding today. After one month of preparation, the two finally got married. Napatingin si Ava kay Keanu nang akbayan siya nito.
"What?" tanong ni Ava. "Envy?" mapang-asar niyang tanong. These past few days, Keanu was telling her that they should got married too but she refused.
Hangga't hindi naayos ang lahat, hindi siya papayag na magpakasal. Ava has still problems. Hindi pa naayos ang lahat ng problema niya lalo na ngayon at noong nakaraang araw nakita niya si Draco. Ang taong tinatakbuhan nila ng kapatid niya.
Ava entered the supermarket to buy something. Naglalambing kasi ang kapatid niya na ipagluto niya ito kaya naman nandito siya sa supermarket para bumili ng mga kailangan niya. Though the pack house has the ingredients she needed, her brother was picky. Kailangan daw na siya ang bumili sa lulutuin niya.
"Kung hindi ko lang siya kapatid, baka itinapon ko na siya sa Ilog Pasig." Naiiling na sabi ni Ava saka kumuha ng basket malapit sa counter saka tinungo ang kinaroroonan ng mga bibilhin niya.
Habang namimili siya ng mga kakailanganin niya, may naramdaman siyang kakaibang presensiya. The presence that always give her dangerous feeling whenever he's around.
"He's here?" hindi makapaniwalang saad ni Ava.
Pasimple niyang tinignan ang paligid at hinanap ang taong 'yon. Hindi siya nagkakamali. Nandito nga ang taong 'yon.
Mabilis na nagsuot si Ava ng cap saka ibinaba ito para matakpan nito ang mukha niya.
"What should we buy?"
Mabilis na tinignan ni Ava ang pinanggalingan ng boses na 'yon.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Ava nang makita si Brent kasama si...Draco?
Kumuyom ang kamay ni Ava. Pinaghalong galit, takot at pangamba ang naramdaman niya sa mga oras na 'yon. Pero naisip ni Ava na hindi ito ang tamang oras para maramdaman niya ang mga 'yon kaya naman humugot siya ng malalim na hininga saka pasimpleng lumayo sa dalawa. Tinungo niya ang counter saka binayaran ang mga kinuha at umalis na sa supermarket na 'yon.
"Luna, let me help you." Ani Leo na siyang sumama sa kaniya sa supermarket. Nanatili lang ito sa labas at hindi sumama sa kaniya sa loob,
"Salamat." Ani Ava nang kunin ni Leo ang mga pinamili niya at inilagay ito sa back compartment ng kotse.
"Luna, are you okay?" tanong ni Leo nang mapansin na parang nanginginig si Luna Ava.
"I'm fine. Let's go." Sabi ni Ava at nauna na sa loob ng kotse.
Agad naman na sumunod si Leo. He started the engine and drove the car towards the Bright Moon Pack.
Nang makarating sila sa pack house, inutusan na lang ni Ava si Leo na ipasok ang mga pinamili niya saka nagmamadaling pumasok sa pack house.
"Luna."
"Luna."
Binabati siya ng mga nakakasalubong niya. Tinatanguan lang naman niya ang mga ito saka pinuntahan si Alden na nasa living room ng pack house. Kausap nito si Keanu, Elijah at Oliver.
"Ate, you're back."
Without saying anything, hinawakan ni Ava ang kamay ni Alden saka ito hinila patayo. "Sumama ka sa akin."
BINABASA MO ANG
Alpha Keanu (COMPLETED)
Manusia Serigala#1. FIRST RANK ALPHA KEANU DAVIS Alpha Keanu is the Alpha of Bright Moon Pack. His duty is to protect his pack but without a mate, he will be alone and lonely. He's longing for his mate. When he met her, he's over to the moon, but his mate is not an...