CHAPTER 37

3K 86 0
                                    

SINCE Ava's identity was exposed to the whole pack, she's been helping the pack warriors to patrol at the pack border. Minsan si Keanu naman ang kasama niya. O di kaya ay ang lobo nitong si Cayden ang kasama niya. Kapag sobrang abala si Keanu siya na lang mag-isa o di kaya si Alden naman ang kasama niya. Katulad ngayon, abala si Keanu sa mga business documents, si Alden naman ay pumunta sa school nito dahil may kailangan itong asikasuhin kaya mag-isa siyang nagro-ronda ngayon. Nasa kabilang pack border naman ang mga pack warriors.

Hindi namalayan ni Ava na nakarating siya sa pinakadulong bahagi ng pack border. Tinignan niya ang buong paligid. Sa tingin niya ngayon lang siya nakarating sa bahaging 'to ng pack border. Kumunot ang nuo ni Ava nang makita ang mga hunter's trap na nakalagay malapit sa pack border. Madali niya itong nakita dahil isa siyang hunter. Pero hindi ito makikita ng mga lobo since the trap was set only for them.

Ava unsheathed her dagger sword from its scabbard and throws it at the hunter's trap. In just few second, the trap was destroyed.

Tumaas na lang ang sulok ng labi ni Ava saka tinignan ang iba pang parte ng pack border. She thoroughly checked everything and she event sent messages to Keanu using their mindlink as soulmates about the hunter's trap.

'Okay, baby. But you have to be careful.'

'Yes. For you.'

Ava smiled and started to walked towards the other parts of the pack border.

Kapagkuwan natigilan si Ava nang maramdaman niyang may nagmamasid sa kaniya. Hindi na lang niya ito pinansin pero naging alerto siya lalo na at nararamdaman niyang isang hunter ang nagmamasid sa kaniya.

Lumabas si Ava ng pack border at naglakad-lakad habang tahimik na pinapakiramdaman ang paligid. Habang tumatagal, nararamdaman niyang parami ng parami ang nagmamasid sa kaniya. She knew that once she set foot out of the border, she can't guarantee her safety but she knew that she could protect herself.

Humigpit ang pagkakahawak ni Ava sa handle ng dagger sword na hawak niya.

Alden took back his own dagger sword and swore to protect Bright Moon Pack.

Kaya ngayon isang dagger sword lang ang hawak ni Ava.

"So, you're the Luna of the Bright Moon Pack?" said the voice.

Mabilis na humarap si Ava sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Brent Padua. Sa likuran nito, naroron ang mga hunters na kasama nito na hindi bababa sa sampung hunters.

Tumaas ang sulok ng labi ni Ava. "Akala ko naman hindi na kayo magpapakita pa." Aniya.

Masama ang tingin sa kaniya ng mga hunters na kasama ni Brent.

"You're a hunter but why did you betray us?!" galit na asik ng isa.

Natawa ng mahina si Ava. "I didn't betray you because I never been a hunter." Aniya na mas lalong ikinasama ng mukha ng mga ito.

Namulsa si Brent. "Miss Greco, are you really going to protect this pack? I'm telling you, kung mag-isa ka lang, hindi mo mapoprotektahan ang lahat ng mga nakatira sa pack na 'to."

"Sinong nagsabing mag-isa lang ako?" buwelta ni Ava. Sa totoo lang, sa bilang ng mga itong nakaharap sa kaniya, kaya niya ang mga itong labanan.

"Miss Greco, kanina pa kami naghihintay ng mga lobo na pupunta rito. I didn't expect na ikaw ang makikita namin. As expected from a hunter, you see the traps we have set and you even destroyed them."

Ngumisi si Ava na parang nang-aasar. "Nagtaka pa kayo." Aniya. "I will never let you hurt my people. Dadaan muna kayo sa ibabaw ng bangkay ko bago niyo sila masaktan."

Alpha Keanu (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon