CHAPTER 2

3.5K 127 6
                                    

"ATE, are you sure about this place?" Alden asked his sister while looking at the house in front of them.

The house was not big but it wasn't small either. Katamtaman lang ang laki at kasya sa isang pamilya. The house was two story and it looks cozy and homey. The kind of house that Ava was looking.

Tinignan naman ni Ava ang bahay na nasa harapan nila. "Yeah, I'm sure this is the place."

"Pero, Ate," lumapit si Alden sa kapatid saka pabulong na nagsalita, "some of the people here are werewolves. Kahit wala tayong balak na masama sa kanila, after all we..."

Ava sighed. "Alden, we are running away from our enemy because we know that if we did what they wanted us to do, we will be on the wrong path. So, for the meantime, let's stay here."

Tumango si Alden. "Okay. Let's settle here then. Pero hanggang kailan naman tayo magtatagal rito, Ate?"

Nagkibit ng balikat si Ava. "Hangga't hindi nila tayo nahahanap."

Alden sighed. "Malayo na tayo sa kanila. Siguro naman hindi nila kaagad tayo mahahanap."

Tumango si Ava. "Malapit lang rito ang University at ang trabaho ko. So, it's convenient for us to stay here."

"Okay." Pumunta si Alden sa likuran ng pick-up truck saka binuhat ang isang karton at pumasok sa loob ng bahay.

Napatango si Alden nang makita ang loob ng bahay. So, comfortable.

Ava sighed while looking at the house in front of her. Sana lang hindi sila masundan ng mga grupong 'yon. Tumakas sila sa grupong 'yon dahil hindi nila gusto ang mga pinapagawa ng mga ito sa kanila ng kapatid niya. Tinignan niya ang mahabang peklat sa kaniyang braso na gawa ng silver whip. Napabuntong hininga siya sa ibinaba ang suot na sweater. Pumunta siya sa likuran ng pick-up truck saka kinuha ang isang karton. Buhat ang isang karton na naglalaman ng gamit, pumasok siya sa loob ng bahay.

Pero bago siya pumasok sa loob ng bahay, tumingin siya sa paligid. Alam niyang ang iba sa mga nilalang na nakatira sa lugar na ito ay hindi mga ordinaryo. Namulat silang dalawa ng kapatid niya na may mga ibang nilalang na nakikihalubilo sa kanila. Ang mga taong-lobo. Alam niyang nasa teritoryo sila ng mga taong-lobo pero ito na ang pinakaligtas na lugar para sa kanilang dalawa ng kapatid niya. Hindi kaagad sila masusundan ng grupong 'yon.

Ito na ang simula ng bagong buhay nilang dalawa ng kapatid niya. Fifteen years... we suffered for fifteen years in that place and I never had the plan to go back.

"Ate, may tatlong kwarto sa itaas. Pinili ko ang nasa kaliwa." Sabi ni Alden habang naglalakad pababa ng hagdan.

Napakurap si Ava nang marinig ang boses ng kapatid at tumango. "Sige. Ako na ang bahala kung alin doon ang magiging kwarto ko."

"Oo nga pala, ate. Lalabas lang ako saglit. Bibili ako ng pagkain natin. Malayo ang naging biyahe natin. Wala pa tayong tigil at pahinga."

"Mag-ingat ka. Huwag kang masyadong magpahalata." Bilin ni Ava.

"Yes, ate."

Lumabas si Alden ng bahay at binuksan ang gate. May nakita siya kaninang café. Nadaanan nila ito ng Ate niya habang patungo sila sa bahay nila. Malapit lang ito sa bahay nila.

Habang patungo si Alden sa café, naramdaman niyang may sumusunod sa kaniya pero hindi siya nagpahalata na alam niyang may sumusunod sa kaniya. They are trained to ignore the things around them especially when someone is tailing them but they are vigilant. Nagpatuloy lang si Alden sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa café.

Tinignan niya ang mga naka-display na pagkain. Most of the food that the café offered was cake, pastries and sandwiches.

"Hijo, bago ka ba rito?" tanong ng babaeng nasa likod ng counter.

Alpha Keanu (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon