CHAPTER 19

2.7K 109 3
                                    

"YOU don't need to drive me to my work. Ang lapit lang naman ng bahay rito sa flower shop." Sabi ni Ava nang makababa siya sa sasakyan ni Keanu. Dumukwang siya sa bintana at tinignan si Keanu na nasa loob ng kotse nito.

Keanu smiled. "Ava, don't fool me. Ang layo ng bahay niyo rito sa flower shop. I don't want Elijah driving you to work."

Kumunot ang nuo ni Ava. "But he was also driving Alden's to the University. Nakikisakay lang naman ako."

"Kahit na. I don't want any other man driving you to work. Ako lang dapat." Seryosong sabi ni Keanu.

Napailing si Ava nang makita ang selos sa mukha ni Keanu. Obvious na obvious ang pagseselos nito. Lately kasi laging hinatatid ni Elijah si Alden sa University nito at minsan naman sinusundo pa nito pero kadalasan pumupunta sa kaniya si Alden tuwing hapon pagkatapos ng klase nito para sabay na silang umuwi.

"Next time, I will give you one of my cars." Sabi ni Keanu.

Agad na umiling si Ava. "No need. I don't know how to drive. At isa pa, hindi naman tayo mag-asawa."

Keanu smirked. "Ava, in werewolf tradition and since we are soulmate we've already married. A wedding is just a formal ceremony for us."

Napatitig si Ava kay Keanu. "You mean..."

Tumango si Keanu. "Since we met, we're already married." Ngumiti siya. "So, if you dare to talk to other man, I would be jealous."

Ava rolled her eyes and turn her back.

"Ava! Baby!"

Napatigil si Ava sa paglalakad saka lumingon kay Keanu.

"I love you!"

Ava stilled. Literal siyang hindi nakagalaw sa kinatatayuan at napatitig na lang kay Keanu. "W-what did you say?"

Ngumiti si Keanu. "I love you!" then he started the engine and drove his car. He looked at the side mirror of the car and he saw Ava walking inside towards the flower shop.

Nang makapasok si Ava sa loob ng flower shop, napahawak ito sa tapat ng puso nito. Naging mabilis ang tibok ng puso ni Ava pagkatapos marinig ang sinabi ni Keanu.

'I love you!'

Ava sighed. That wolf... Napailing siya pero tipid na napangiti.

"Mukhang maganda ang umaga ng isa diyan." Sabi ni Joy.

Tumingin si Ava kay Joy. Nginitian niya ito saka binati ang may-ari ng flower shop. "Morning, Auntie Drea."

Drea smiled. "Morning, Luna."

"Don't call me that, Auntie."

"I should call you that. You're our Luna. Calling you by your name is very disrespectful."

Umiling si Ava. "It's okay, Auntie. I won't mind it." Ngumiti si Ava saka tinungo ang sariling lamesa upang simulan na ang trabaho. Ganun din si Joy.

"Luna, ang ganda ng ngiti mo ngayon, ah." Sabi ni Joy.

Magkatapat silang dalawa.

Ava stopped what she is doing and she touch her face. Hindi niya namalayan na nakangiti pala siya. She looked at Joy. "I'm just happy."

"Because of Alpha Keanu?" Nanunudyong tanong ni Joy.

Ngumiti lang si Ava saka ipinagpatuloy ang trabaho. Nasa kalagitnaan si Ava sa paggawa ng bouquet nang may pumasok sa loob ng flower shop na babae. Hindi niya sana ito papansinin pero nasulyapan niya ang ekspresyon sa mukha ni Joy kaya tinignan niya ang babaeng pumasok. It's a beautiful woman but there is something in her eyes that Ava could tell in just one look.

Alpha Keanu (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon