NAPANGIWI na lang si Ava nang tumalsik sa damit niya ang dugo ng hunter na ginilitan niya ng leeg. Kulay itim ang suot niyang hoodie jacket pero kulay puti ang suot niyang t-shirt kaya naman kitang-kita ang dugo na tumalsik sa damit.
Kumislap ang talim ng dagger sword ni Ava nang matamaan ito ng liwanag ng buwan.
Mabilis na umilag si Ava nang makita niya ang pagsugod ng isa pang hunters sa kaniya at nang makalagpas ito sa kaniya, itinapon niya rito ang hawak na dagger sword at tumagos ito sa dibdib nito. Ava was quick to get back her dagger sword and help her brother to get rid of his opponent.
"Ate, anong gagawin natin sa mga 'to?" tanong ni Alden habang pinapagpag ang sariling damit na may dugo rin.
Ava sighed. "Hayaan mong makita sila ng mga kasamahan nila. Malayo 'to sa Bright Moon Pack. But make sure to give them mark that they are killed by hunters." Aniya at tinignan ang mga nakahandusay na katawan ng mga hunters. Napailing siya. "They're so unlucky tonight."
Tumango si Alden bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kapatid saka ginawa ang utos ni Ava. At the big stone near those hunter's dead bodies, he engraved the mark of hunters using his dagger sword. Sa ibaba ng hunter's mark, he also engraved the word 'SLAYERS'.
Kinuha naman ni Ava ang gamit ng mga hunters. She examined it and found that they are loaded with wolfsbane. Wolfsbane is a kind of dangerous poison. Wolfsbane are being used by hunters to kill werewolves. And there is no known antidote for the said poison. Napabuntonghininga na lang siya saka sinira ang mga sandata ng mga napatay nilang hunters.
"Ate, ang susunod nating gagawin?" tanong ni Alden habang naglalakad sila palayo.
"Hanapin natin ang hide out nila."
"Okay."
Kapagkuwan naramdaman ni Ava na may mga paparating kaya mabilis niyang hinila ang kapatid. Nagtago sila sa makapal na halaman at hinintay na makalapit ang mga paparating. Maliwanag ang paligid dahil sa liwanag ng buwan kahit pa walang mga ilaw sa kinaroroonan nila.
They went out tonight to hunt hunters but they are lucky to catch some of them. And now they're dead.
Parehong natigilan si Ava at Alden nang makita kung sino ang dumating. Nagkatinginan ang magkapatid at walang gumalaw sa kanilang dalawa. Tinignan lang nila si Brent Padua na kinakausap ang mga kasamahan nitong dumating rin sa lugar na 'yon.
"Hanapin niyo ang mga kasamahan natin." Utos ni Brent. "At hanapin niyo ang sinasabi nilang Slayers. Kailangan nilang mamatay kundi mauubos tayong lahat! Lahat ng mga pinapatay nila ay mga Hunters!"
Since Ava and Alden started to kill hunters, they were called as slayers, not only by Alpha Keanu and other werewolves but also the hunters. The slayers are not trying to sow discord between hunters and werewolves but the slayers just wanted to kill hunters.
Hindi naman makagawa ng paraan ang mga hunters upang patayin ang mga lobo dahil magaling ang mga itong magtago. Ang tanging alam lamang ng mga hunters ay may mga lobo sa lugar nila pero hindi nila alam kung sino ang mga ito. Sadyang magaling ang mga itong magtago kaya hindi nila sila mahanap maliban na lang kung maaktuhan nilang nagpapalit ang mga ito ng anyo.
Habang mga lobo naman ay nag-iingat sa mga hunters kaya kapag kinakailangan lamang silang nagpapalit ng anyo.
"Ate, sa tingin mo ano ang posisyon ng Brent Padua na 'yan sa hunter's organization sa lugar na 'to?" tanong ni Alden.
Nagkibit ng balikat si Ava. "Hindi ko alam pero nauutusan niya ang mga kasamahan niya. Maaaring siya ang lider o di kaya ay may posisyon siya na mas mababa lang sa lider. Bakit?"
BINABASA MO ANG
Alpha Keanu (COMPLETED)
Werewolf#1. FIRST RANK ALPHA KEANU DAVIS Alpha Keanu is the Alpha of Bright Moon Pack. His duty is to protect his pack but without a mate, he will be alone and lonely. He's longing for his mate. When he met her, he's over to the moon, but his mate is not an...