SINCE Elijah and Alden are mates. Alden has given the privileged to enter the pack house whenever he wanted to. Alden made some pastries for Elijah and he planned to give it today that's why he's here at the pack house. May dalawang oras pa bago ang klase niya. He won't be late if ever. Sa totoo lang hindi naman siya talaga marunong gumawa ng mga pastries, nanood lang siya sa social media at nakagawa naman siya.
"Pakihintay na lang si Gamma. Kausap niya kasi ngayon ang Alpha at Beta." Sabi ng isang babaeng lobo na siyang nagdala sa kaniya sa isang living room ng pack house.
Biglang naramdaman ni Alden na may paparating na panganib mula sa likuran nito kaya mabilis na umilag ang binata at sinundan na lang niya ng tingin ang swiss knife na lumagpas sa tapat ng mukha nito. Tumama ang swiss knife sa sahig.
Mabilis na tinignan ni Alden kung kanino nanggaling ang swiss knife and there she is. A beautiful woman standing at the doorway. Matalim ang tingin nito sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito? Alam mo bang hindi pwede ang mga tao rito? Hindi ito isang tourist spot!" galit nitong saad.
Kumunot ang nuo ni Alden at hindi nagsalita. Sa totoo lang wala naman siyang pakialam rito pero may bumubulong sa kaniya na harapin niya ang babae. Sa hitsura pa lang kasi ng babae, hindi na niya ito gusto at mukhang hindi rin sila magkakasundo. Nagtaka tuloy si Alden kung sino ang babaeng 'to. Ayon kay Elijah, walang kapatid si Alpha Keanu kaya sino naman kaya ang babaeng 'to na kung makapagsalita naman akala mo ito ang may-ari ng bahay. Tinignan niya ang babae na pumasok at tinungo nito ang swiss knife na nasa sahig. Pinulot nito ang swiss knife saka siya nito tinignan.
Tumaas lang ang kilay ni Alden.
"Hindi ka pa ba aalis? Huwag mong hintayin na tumawag pa ako ng hihila sa 'yo palabas!" mataray nitong saad.
Humugot ng malalim na hininga si Alden. Inilapag niya ang dalang paper bag sa center table ng salas. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka nagpadala na lang ng mensahe kay Elijah na may iniwan siya. Tinignan niya muna ang babae saka niya ito tinalikuran. Wala siyang pakialam kung isa lobo ang kaharap niya. Kaya naman niyang protektahan ang sarili niya kung sakali.
Nainis naman si Nancy dahil sa inasal ng lalaki. Namukhaan niya ito. Ito ang kapatid ni Ava kaya hindi na siya nagtataka na nandito ito. Hindi ito dapat manatili rito kaya kailangan niya itong paalisin. Ito lang ang tao sa pack house na 'to. Pero hindi niya nagustuhan ang inasal nito sa kaniya. Hindi man lang ito nagsalita at ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang basta na lang siyang talikuran.
Humigpit ang hawak ni Nancy sa swiss knife saka muling ibinato sa lalaki na papalabas na ng pinto pero nagulat siya nang saluhin nito ang swiss knife. Bahagyang nanlaki ang mata ni Nancy dahil hindi niya inaasahan ang pagsalo ng kapatid ni Ava sa swiss knife na ibinato niya rito.
Tinignan ni Alden ang swiss knife na hawak. Tumaas ang sulok ng labi nito. The swiss knife handle was made of wood. That's why this she-wolf is not worried on getting hurt by the silver blade of the swiss knife.
"Miss, I ignored when you first throw this swiss knife to me but you threw it again." Walang emosyong sabi ni Alden. "Do you want me to throw this knife to you? Though I know that you can dodge it but I can't guarantee that you can still dodge it for the second time if I throws it again."
Umismid si Nancy. "You're just a mere human. Your strength is nothing compare to us. Pareho lang kayong dalawa ng kapatid mo na mahina."
Kumunot ang nuo ni Alden. "Kapatid ko?" Kilala ba ni Ate ang lobong 'to? Matanong ko nga mamaya pag-uwi. He thought. Tinignan niya ang babaeng lobo. "Mere human." Tumaas ang sulok ng labi ni Alden. "Yes, we're just humans but be careful because this human can kill you." He said using sweet fake voice.
BINABASA MO ANG
Alpha Keanu (COMPLETED)
Werewolf#1. FIRST RANK ALPHA KEANU DAVIS Alpha Keanu is the Alpha of Bright Moon Pack. His duty is to protect his pack but without a mate, he will be alone and lonely. He's longing for his mate. When he met her, he's over to the moon, but his mate is not an...