Chapter 1~ Two Words

178 1 0
                                    

LOUIE'S POV

"Ano ba talaga ang plano mo sa buhay ha? LOUIE?!!!!!" Hindi ko alam sa bestfriend kong to kung ilang daang beses nya nang natanong sa akin yan. HONESTLY meron naman, tinatamad lang akong sagutin siya kasi gusto ko lagi siyang naasar sa akin. Hahaha. Ang sama ko bang bestfriend? Well..

" Aray ko ha! " Argghh pikon talaga tong si Kelly.

"Gagawin kong limang daang batok yan kapag hindi mo binitawan yang dough na hawak mo at sagutin mo ang tanong ko." Kahit nakatalikod ako alam kong umuusok na ang matangos na ilong nitong bestfriend ko. Hahaha

I put aside the dough and wipe my hands. Nakapamewang na humarap ako sa kanya.

" Hoy Kelly Therese Cordova, ubos na ba ang buntis sa mundo at ako na ang tinatrabaho mo? Wala ka bang clinic?" Tanong ko but deep inside Im celebrating coz I won again. Umirap lang siya at iningusan ako.

" Don't try to divert the topic Louisa Thea Santillan. Im here because Im concerned." Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko naman kasing may paghuhugutan ang pagka concerned nya sa akin. Ilang taon na ba ang nakalipas?

Seven?

Seven fucking years.....from my ever first heartbreak.

Ipinilig ko ang ulo ko. Ayoko ko nang maalala. I've moved on. Itong bestfriend ko lang naman ang OA at feeling nya lahat ng nagiging desisyon ko sa buhay ay nakabase pa din sa nakaraan kong yon.

Napanguso ako. Napabuntung hininga naman si Kelly ng hindi ako sumagot. Ang sarap nya talagang maasar namumula na naman ang cheeks nyang parang kulay cherry na. Hahaha

" Ilang lisensya ba ng trabaho ang balak mong hakutin ha?!" Napatawa ako. Alam nyo ba kung ano ang pinagpuputok ng butsi ni Kelly? Iling-iling. tsk...I better introduce myself first then.

I am Louisa Thea Santillian, a licensed pharmacist, nurse and teacher also a professional patissier.Awesome right? Sabog confetti because I know I am. Hahaha

Pharmacy ang una kong course and I nailed it. Tapos na bore ako sa pag check ng mga gamot, I tried nursing, I pass the board and practice for one year and went to Singapore, while I was there I studied baking then something happened so I decided to come back and I realized I want to pursue my love in teaching so I studied education and practice my profession until now, yun nga lang sinisingit ko din tong isa ko pang passion which is baking. I have a small cake shop and my cakes are famous in the area. Balak ko na din mag expand but that means I have to loosen up on my class at meron din akong mahalagang pinagiipunan kaya hindi pa pwede.

At dahil according sa maganda kong bestfriend na sinasabing naghahakot daw ako ng lisensya , napasugod siya dito kasi tinxt ko siya kanina na ibigay ang number ng kuya nyang Engineer and Professor sa Thompson University kasi gusto ko kamo mag enroll. HAHAHA pero joke ko lang po yon. I just want to see her and i was right napasugod nga ang bruha.

" I so miss you Kelly! " Nanlalaki ang matang hindi makapaniwala si Kelly habang nakatitig sa akin. I think she already figured it out. Maging bestfriend mo ba naman ng twenty years, hininga pa lang alam mo na ang ibig sabihin. And now she knows that I was just fooling around. Bago pa ako mabatukan ni Kelly ng limang daang beses ay tumakbo na ako palabas ng kitchen na naka apron, naka messy bun pa ang buhok ko at for sure may mga flour pa sa mukha ko. I was laughing hard while running because she was chasing like hell. Nakita ko sa peripheral vission ko ang mga kasama ko sa coffee shop na napapailing na lang. Kinindatan naman ako ni Nanay Fely kasi alam nyang pinagtripan ko na naman si Kelly. I am a strict boss but I am childish too. And this is my childish side.

" What the hell Louie! Alam mo bang maraming buntis ngayon sa delivery room, may naka schedule pa akong ceasarian ng 5 PM pero iniwan ko muna and then i will realize that you are just fooling around? Bumalik ka ditong babae ka kakalbuhin ko yang buhok mo sa ibaba! " Napahalakhak na naman ako. Alam kong maraming manganganak ngayon. Kung baga sa bunga peak season kasi November. Count 9 months backwards and you will know what I am talking about.

" Im sorry Kelly, i just miss you! You know! " sigaw ko pabalik habang umaatras na tumatawa. I bumped on someone and get ready to say sorry when he spoke...

" Careful Lady! "

Two words and my breathing stops...

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon