LOUIE'S POV
" Ano bang kailangan nyo? Bitawan nyo nga ang mga anak ko! Anong ginawa nyo sa kanila?" naiiyak at nanginginig ako sa takot at galit dahil sa mga pangit na goons na to.
Kinakaladkad nila kami papasok sa isang abandunadong building. Ni hindi ko na nga alam kung nasaan na kaming lupalop ng Pilipinas dahil sa itinakip nilang panyo sa akin kanina.
Nagkamalay lang ako ng naramdaman kong binababa kami sa sasakyan. Tiningnan ko ang mga anak ko, pareho silang mga walang malay habang buhat ng dalawang lalaki.
Mga walang hiya!
Gusto kong lapitan ang mga anghel ko pero mahigpit ang hawak ng isang to sa akin. Ang laki pa naman ng katawan, tiningala ko siya at tiningnan ng masama pero nginisian nya lang ako. Ang pangit naman! Arggh..
Nakakakilabot! Natatakot ako para sa mga bata. Kahit ako na lang wag lang sila.
" Sinabing bitawan mo ako! Pakiusap ibaba nyo ang mga anak ko, ako na lang, wag nyo silang idamay please....parang awa nyo na!"
Hinigpitan nung lalaki ang hawak sa mga braso ko. Ang sakit! Shit! Pero wala nang mas sasakit sa nakikita kong kalagayan ng mga anak ko. Anong ginawa nila sa mga bata? Bakit wala pa ring malay ang mga anak ko?
"Rai, Rei, wake up baby please wake up for mommy! "
Naiiyak na ako pero kailangan kong magpakatatag. Pilit akong nagpupumiglas hanggang sa ibagsak nila ang mga bata sa isang mahabang bulok na sofa kasabay ng pagtulak din sa akin sa kinalalagyan ng mga anak ko.
Agad kong hinaplos ang maamong mukha ni Rei at niyakap sila palapit sa akin. Nilingon ko ang mga hayop na lalaking puros nakangisi.
" Mga walang hiya kayo! Kapag nakawala kami dito mabubulok kayo sa kulungan. Mga walang konsensya pati mga bata dinadamay nyo!"
Humalukipkip yung may hawak sa akin kanina at nilabas ang baril at hinimas himas ito sa harap ko tapos ay ngumisi ng mala demonyo.
Halos mapalunok ako ng ilang beses, natatakot na talaga ako. Kawawa ang mga anak ko.
" Wag kang mag- alala ganda, hindi na naman kayo makakalabas dito ng buhay!"
" Mga hayop kayo! Pakawalan nyo ang mga anak ko! Kahit ako na lang patayin nyo ng paulit- ulit, please...wag ang mga anak ko!"
Kapag talaga ako nakawala dito ipapalapa ko sila sa malaking aso ng kapitbahay naming si Putintin.
" Tsk tsk tsk...hindi ako tanga...eh ikaw nga ang damay lang dito...ang mga anak mo ang kailangan ko. Biruin mong bilyon ang nakapatong sa ulo ng mga batang yan? Hahaha!"
Anong sinasabi nito? Kahit ibenta ko ang bakeshop at puri ko hindi ako makapagbibigay ng isang bilyon!
" Anong bilyon ang pinagsasabi mo? Kahit patayin mo ako ng paulit- ulit wala akong bilyong maibibigay sayo! Naka drugs ka ba manong...ang pangit mo!"
"Abat!" napabaling ang mukha ko pakaliwa ng sampalin nya ako ng malakas. Nalalasahan ko na din ang dugo na umagos sa bibig ko sa lakas ng pagkakasampal nya.
" Walang hiya ka! Bakla ka ba! Napatol ka sa babae."
Ngumisi ulit siya.
" Masyado kang matapang ganda! Hindi ikaw ang magbibigay ng isang bilyon sa akin kundi ang ama ng mga batang yan! Kung tutuusin barya lang yon sa kanya katumbas ng buhay ng mga anak nya!"
Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Paanong...
Si Rui...
Tsk bakit ba nawala sa isip ko ang tatay nilang saksakan ng yaman pero masungit naman. Shit!
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomantizmKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...