RUI'S POV
" Nina! Are you listening?! Why do you keep on mumbling?!" kanina pa ako naasar sa babaeng to actually nung isang araw pa. Akala niya ba hindi ko napapansin yung mga pasekretong irap at ingos niya sa akin. Anong problema nya?
" Sir, eh di ba nga galit ako sa tatay nung kambal ni Ms Louie, ibig sabihin galit ako sayo kasi iniwan mo sila! Kaya wag mo akong kausapin Sir kasi asar pa ako sayo!" Aba't talaga naman, masyado ba akong mabait na boss at ginaganito na lang ako ng mga empleyado ko?
" Is that your reason why you act that way this past few days?!"
" Tumpak, kaya kung wala na po kayong iuutos, pwede na ba akong bumalik sa table ko kasi nakakaasar po yang mukha nyo!" inirapan na naman ako. Kung hindi lang masamang pumatol sa babeng matanda sayo, kanina ko pa to nasapak!
" Fine, kapag ayos na ang mood mo bumalik ka dito to remind me to fire you!"
Bigla namang nanlalaki ang mata nito at naging maamo ang mukha.
" Sir naman, hindi na kayo mabiro. Joke ko lang yon? May ipaguutos ba kayo?" nagpuffy dog eyes pa ito. Ang tanda, hindi na bagay. Napabuntong hininga ako. Wala na bang normal sa mga kasama ko ngayon? Kung hindi lang talaga ako mahihirapang maghanap ng secretary na kasing galing ni Nina ay matagal ko na tong pinalitan. Masyadong pakialamera.
" Just get out of my sight!"
" Hindi niyo po ako tatanggalin?"
" Kapag di ka pa umalis ngayon, I'll fire you this instant!"
" Ay! Eto nga po aalis na. Ang init ng ulo hmmpp!"
Pagkaalis ni Nina ay pumasok naman si Lee.
" Sir, breakfast po." naglapag siya ng isang mug ng kape at tatlong layer ng mabangong pancake na may cream cheese.
" Galing ba yan sa bahay?" tumango ito. " Pati yung kape?" tumango ulit ito.
" Pinainit ko na po yan sa microwave sa pantry. Favorite nyo po yan di ba?" masayang sagot pa nito.
" THROW IT AWAY!" wala na bang magawa ang mga tao ngayon kundi mang asar. Hanggang dito ba naman umaabot ang kaluluwa ng babaeng yon?!
" Po?! Pero gawa po yan ni Ms Louie, pati yung kape!"
" I said THROW IT AWAY AND GET OUT!"
" Pero sayang po, hindi niyo po na miss ang pancake ni Ms Louie? Walang katulad yan Sir." napatiim bagang ako. Napakalaking tao, napaka- isip bata ang lakas mang asar! Magkano ba ang binayad ng babaeng yon sa mga tao sa paligid ko at mukhang lahat na lang ata ng tungkol sa kanya ay pabor sa mga ito?
" I will not say it three times! Now get out!" nagpipigil na sigaw ko. Afterall, matanda pa rin siya sa akin at tinuturing ko nang kuya ko. Halos magka edad nga sila ni Nina kaya magkasundo sila sa pangbubwisit sa akin.
" OK chill Sir! Kami na lang ni Ms Nina ang kakain sayang naman nung pancake na maraming butter at cream cheese." paulit- ulit na pang aasar pa nito. Parang ipo ipo siyang nawala sa paningin ko ng hawakan ko ang isang crystal ball na naka display sa table ko at akmang ibabato yon sa kanya.
Napahilot ako sa sentido. Mula sa secretary hanggang sa bodyguard ko,mga sira ulo!
Gabi na nang nakauwi ako sa bahay. Masakit ang ulo ko kasi madaming problema sa opisina kaya kinailangan kong solusyunan at mawawala ako ng isang linggo.
Madilim na sa living room nang pumasok ako pero may ilaw pa sa mini sala sa second floor. Niluwagan ko ang necktie ko bago ko ni lock ang pinto. Tulog na ata ang lahat.
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...