LOUIE'S POV" Ms Santillan ikaw muna ang makipag usap sa head engineer ng ipapatayong building sa anex, hindi kasi ako pwede mamayang lunch dahil biglang nagpatawag ng meeting ang superintendent para sa regional press conference. Ikaw naman ang SSC chairman kaya ikaw na muna ang mag represent."
Napaupo ako ng tuwid ng sabihin sa akin ni Madam Reyes ang dahilan kung bakit niya ako in excuse sa gitna ng quiz ko sa mga estudyante. She is our principal at siya din ang dahilan kung bakit ako ang SSC chairman ngayong taon. Dahil din dyan , ang daming nakataas ang kilay sa AP department kasi bakit daw galing sa Biology department ang SSC chairman ngayon eh nakagawian na dapat AP department ang may hawak ng SSC.
Pero ok lang , full support naman din ang ibang department and after 6 months natanggap na din naman ng ibang taga AP department dahil sa magandang naging performance ng SSC ngayong year and that includes the construction of the new building in annex.
But above all this success, I cant deny the fact that I am nervous to death. Ortega Constructions will be handling this project. Kahit anong iwas ko, mukhang wala akong ligtas, pero siguro naman hindi ang lolo ni Rui ang makaka meeting ko. Compared to their other projects, this is just one of their charity project not to mention their company is the construction giant in the country at ang lolo ni Rui ang current CEO nito.
" Ano po bang pag uusapan sa meeting?"
" Oh, I think they will just present the blueprint and design, ikaw na ang bahala kung may revisions."
" Po?" Hala! Ano bamang alam ko sa pag revise ng building. Kaya nga may architect at engineer di ba? Tsk.
" Kaya mo na yan iha, I trust you on this. Besides, this is your SSC project di ba? The school owe you this one. Kung hindi mo to pinaglaban sa DepEd at office of the Governor wala tayong permit to build another building."
" Yes Madam, I will update you in case of changes."
" Ok, I have to go. I will wait for your update." Nauna na sa aking lumabas si Madam Reyes, nagmamadali nga siguro. Oh well, I hope walang masamang mangyari mamaya pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Bakit kaya?
Bahala na.
1 PM pa naman ang meeting sisilipin ko muna ang baby boy ko sa pre school department.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
" Rai baby, promise to Mommy na di ka lilikot dito ha? Mabilis lang si Mommy tapos uuwi na tayo ok?"
Suot ang school uniform at maliit na backpack, maaliwalas na ngumiti sa akin ang cute kong baby boy. Wala kasing susundo sa kanya ngayon nagkataon na maraming customer sa cake shop kaya di makaalis si Nay Fely, si Nay Rosie naman di maiwan si Rei kasi nakatulog, baka biglang magising at di pa siya makabalik, delikado para sa kalagayan ni Rei.
" Promise po."
Napangiti ako sa ka cutan ng baby ko. Wala naman sigurong makakapansin sa kanya dito.
Napatingala ako sa building sa harap namin ng anak ko. Sobrang laki, ito ata ang pinakamataas na building dito sa Makati. Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang kamay ni Rai at pumasok na kami sa loob ng lobby.
Halos malula ako sa ganda at garbo ng loob ng opisina. Parang hindi naman ito construction company. Parang hotel pa nga ang dating.
" Wow, ang ganda naman po dito love. When I grow up I want to work here. Pwede po ba yon?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napahigpit ang hawak ko kay Rai. Posible kayang ramdam nya na para naman talaga siya sa lugar na to? He is an Ortega after all, pero...ipinilig ko ang ulo ko at lumuhod para magkapantay kami ni Rai. Hinalikan ko ang tungki ng ilong nya gaya ng lagi kong nakagawian.
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomantizmKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...