Chapter 22 ~ Unexpected

39 0 0
                                    

LOUIE'S POV

Halos kalmutin ko na si Arthur para bilisan ang pagmamaneho papuntang ospital. Why is this happening now? Akala ko ok na ang mga mata ng baby girl ko, bakit nawawala na naman ang paningin niya? I mumbled a silent prayer.  Oh God please spare my baby girl from another pain.

Nang makababa ako sa kotse ay agad akong sinalubong ni Lee na may pag aalala.  Naiiyak na talaga ako, my baby girl....

" Nasaan na ng anak ko Lee, kamusta siya?"

" Nailipat na po siya sa private room Miss Louie, nakakakita na ulit siya." I felt relieve hearing that, sa totoo lang kanina pa nanghihina ang tuhod ko habang tumatakbo.  I saw Rui sitting on the the chair near the ER door, he looks exhausted.

Nang umangat ang ulo niya ay nagtama ang mga mata namin, as usual it is blank and cold.  Bakit siya ang kasama ni Reileen, hindi ba siya pumasok sa opisina?

" She is in her private suite now. Room 508, nandon ang kaibigan mo. Babalik muna ako sa opisina, may meeeting pa ako." Dire-diretsong sabi niya ng makalapit kami ni Lee. Hindi ako nagsalita, tinanguan ko lang siya. What would I expect, mas importante ang opisina kaysa anak niya. Samantalang ako, iniwan ko ang klase ko mapuntahan lang ang anak ko, siya iiwan niya ang anak niya, mapuntahan lang ang opisina. I closed my eyes as he walked pass through me. Sumunod na din si Lee sa kanya matapos tapikin ang balikat ko.

Nanghihina pa rin akong umakyat sa kwarto ni Reileen.  Naabutan ko si Kelly na inaayos ang bulaklak sa side table. Naka hospital gown pa din siya. It touched my heart that she is willing to leave her post just to be with my daughter. Si Reileen ang paborito niyang inaanak, sabi kasi niya mag- kamukha daw sila, pareho daw silang ubod ng ganda.

My little girl is fast asleep.

" How's my baby, Kelly?"

Lumingon siya sa direksyon ko at tinaasan ako ng kilay after she finished eyeing me. Typical Kelly, haiz..

" Para kang ni rape ng sampung gago Louie. Ayos lang ang ang inaanak ko. She is just tired kaya nakatulog, magigising din siya mamaya."

Inayos ko ang gulu-gulo kong buhok at uniform. Wala naman na akong pakialam sa itsura ko ang importante ay mapuntahan ko ang anak ko.

I walked to my daughter's hospital bed and caressed her hair. She looks peaceful, nakahinga ako ng maluwag at napabuntung-hininga. Tumabi naman si Kelly sa akin at niyakap ako ng patagilid. I started crying, hindi na nga ata mauubos tong luha ko, kung inipon ko siguro yung mga nauna ay nakapuno na ako ng olympic swimming pool.

" Ang pangit mo talagang umiyak, Louie. Tumahan ka na nga, makita ka pa ng anak mo. Iyakin ka talaga."
Hinahagod niya ang likod ko habang sinesermuna ako. Such a friend.

" N--naawa ako sa anak ko, Kelly. She is too y--young to experience all of t-this." humihikbi kong bulong.

" Matapang ang anak mo Louie, she is a survivor, kaya huwag kang mag alala lalo pa at nadyan ang Tatay niyang terorista na handang ipagpatayan siya."

Kumunot ang noo ko. Hinarap ko siya ng may mapanuring mata. Nagkibit- balikat lang siya. " A-anong pinagsasabi mo?" I waited for explanation. Naglakad siya papuntang sofa at naupo. Nilibot ko sandali ang paningin ko sa suite room ni Reileen, masyadong malaki at magarbo, what to expect? Rui Ortega is a billionaire in flesh.

" Na shock din ako noh, hindi ko din expected na magwawala ang pangit mong asawa dahil lang walang optha specialist na nag-asikaso kay Reileen kanina. Halos bumuga na siya ng apoy habang sinisigawan ang mga nurses sa baba. Pasalamat siya at mabait si Doc Vince at hindi tumawag ng pulis o security kanina."

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon