Chapter 5 ~ Drunkhard

55 0 0
                                        

LOUIE'S POV

Naalimpungatan ako ng makaramdam ng uhaw kaya pupungas- pungas akong bumaba papuntang kusina para kumuha ng tubig. Madaling araw na ata. Nakatulog ako pakatapos kumain sa sobrang pagod. Naalala ko na naman yung muntik na akobg magka rabies. Umingos ako. Naasar ako sa lalaking yon, isusumbong ko pa lang bigla ng nawala sa harapan ko. Ano bang pangalan non? Nakakainis.

" Nay! " Nagkagulatan pa kami ni Nanay Rosie sa kusina.

" Dyaske kang bata ka, aatakihin ako sa puso sayo! Anong kailangan mo? "

Napahagikhik ako. Ang sungit talaga ni Nay Rosie! Hahaha.

" Sorry namam Nay, nauuhaw po ako. Kayo po? Madaling araw pa lang ah."

Nakita kong inabot nito yung maliit na palangganang may tubig at maliit na towel na nalapag niya sa mesa nung magulat sa akin.

" Lasing na naman si senyorito Rui! Dyaskeng batang yon. Pati ako pinupuyat!" kumunot ang noo ko. Sinong senyorito Rui? May anak bang lalaki sina Mommy na di ko alam? Hala!

" Ituwid mo nga yang kilay mong bata ka! Kung ano na naman ang naiimagine mo! Siya yung kasama mo kanina yung may ari ng motor na sinakyan mo papunta dito!"

" Oh!" so Rui pala ang pangalan non, at dito din siya nakatira sa mansyon!

" Anak siya ng kaibigan ng daddy mo. Dalawang linggo pa lang siya dito, pinatapon daw ng lolo nito kasi may ginawang kalokohan at sa dalawang linggo ng batang yan dito wala ng ginawa kundi ang maglasing sa gabi. Damuhong bata, nadadagdagan ang edad ko kakapuyat."

Napatawa ako, wala pa ring kupas si Nay Rosie. Bigla akong na curiuos sa lalaking yon. Ano kaya ang ginawa niya sa Manila para ipatapon siya dito sa hacienda. Suddenly his handsome image comes rushing. Ngayon ko lang napansin medyo mysterious din pala siya kanina at masungit. Pero gwapo talaga ito, walang duda.

Akmang aalis na si Nay Rosie ng pigilan ko ito.

" Nay tulungan ko na po kayo."

Napataas ang kilay ng yaya kong masungit.

" Sigurado ka? " ngumiti ako sa kanya.

" Opo, tsaka para mabilis at makapagpahinga na po kayo." ang bait ko talaga. Siguradong may masarap akong breakfast mamaya. Napangiti ulit ako. Kakalimutan ko munang naiinis ako sa lalaking yon. Hmp!

Pagbukas ni Nay Rosie ng pinto, naamoy ko kaagad ang pinaghalong alak at suka! Yakkkk!
Kadiri naman ang lalakung to. Iinom, di naman kaya.

Nakadapa pa ito sa kama at suot pa din yung suot nyang damit kanina. Buti natanggal na ang sapatos.

Kumunot ang noo ko ng may napansin akong lalaki sa tabi ng kama ni Rui, may katangkaran at malaki ang katawan, siguro nasa early thirties na ang edad nito. Hindi ito nagsalita pero tinapunan pa ng huling tingin si Rui at magalang na nagpaalam. Weird!

" Louisa! Ano pang tinatayo mo dyan? Tulungan mo akong hubarin ang damit ng pasaway na batang to."

Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Nay Rosie.

" Nay, sa tanang buhay ko hindi pa po ako nanghuhubad ng lalaki! " nangilabot pa akong isipin yon.

" Talagang hindi dahil kukurutin kita sa singit. Dyaske kang bata ka, tulungan mo ako dito at ang bigat nitong batang to. Pano ko pupunasan kong may damit?" Hmp! Ang sungit ni Yaya! Napakamot ako ng ulo ng tinaasan nya ako ng kilay. Bakit pa kasi ako nag volunteer na.tulungan siya? Di sana nasa dreamland na ulit ako. Pahamak talaga tong lalaking to!

Nakapikit na tinulungan ko si Yaya na hubarin ang damit nito pero dinilat ko din agad. Napasinghap ako. Syeteng malagkit, ang ganda ng katawan, well toned with yummy six pack abs. Ang swerte ni Yaya, nakakahawak!

I lifted my gaze to his face, medyo nakakunot ang noo nito. Eventhough he is sleeping, you can see the sadness on his handsome face.

I closed my eyes as I try to remember his ocean blue eyes, the most beautiful pair I have ever seen. It was beautiful yet para bang may kulang, parang malungkot.

Binuksan ko ulit ang mata ko para magulat ulit. Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Yaya na pilit inaalis ang pantalon ni Rui.

Ang pervert ni Yaya!

" Nay! Bat pati pantalon?" napatakip ako sa bibig ko ng marinig kong umungol si Rui, gumalaw ito ng konti at natulog ulit.

" May suka! Wag ka ng magreklamo at tanggalin mo na lang ang sinturon! Hihilahin ko dito." nag demo pa siya ng gagawin niya. Ako naman nahihintakutang nakatingin sa sinturon ni Rui.

Oh God. Help me please. Ngayon ko lang po gagawin, hindi ko na uulitin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Oh Rui, nandyan ka na pala, halina at saluhan mo si Louisa!"

Napaangat ako ng tingin sa pupungas, pungas na Rui, suot nito yung puting tshirt at boxers shorts na ipinalit ni Yaya kanina at halatang may hang over ang loko.

Napataas ang kilay ko ng umupo siya sa kabilang dulo ng mesa. Wala sina Mommy, nasa bayan daw sabi ni Yaya.

Lumapit si Yaya sa kanya at pinaglapag ng plato at kutsara habang nakatungo naman ang lalaki.

Bumilang ako ng 1,2,3!

" Araayy! Nay naman eh!" nagpipigil ako ng tawa habang hinihimas ni Rui ang namumulang tenga. Walang kupas talaga si Yaya. May libreng pingot sa umaga!

" Dyaske kang bata ka, sa susunod na magpakalasing ka pa sa labas na kita patutulugin! Lumalaki ang eyebags ko, ang bigat bigat mo pang bihisan, buti nandon si Louisa at tinulungan ako."

Bigla akong namula pero pinigilan ko. Nakita ko siyang nag- angat ng tingin at naagtataka ang matang nakatingin kay Yaya at lumipad ang tingin sa akin. Para bang, ngayon lang niya ako napansin.

Itsura nya? Parang virgin na ninakawan ng puri. Napangisi ako at tiningnan siya mula ulo hanggang....

dibdib...sayang di ko makita ang yummy six pack abs. Natatakpan ng mesa. Hahaha.

Nanlalaki ang mata nya! Haiz..those beautiful pair of eyes. May ibang emosyon na akong nakita. Improvement na yon.

Napangiti na lang ako. Napatikhim naman siya. Marahil para itago ang kahihiyan nya kagabi.

Pinagpatuloy ko ang pagkain at di na nagsalita, tama nga ako may masarap akong breakfast.

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon