Chapter 15 ~ Baby

33 1 0
                                    

LOUIE'S POV

" Love! Nahihilo po ako sayo." napatingin ako sa baby boy ko na naka indian sit sa isa sa mga bench malapit sa OR nitong ospital. Nakakunot ang noo niya pero naka pout at yakap ang unan ng kapatid.

He is just so cute! But the nervousness and fear kept boiling inside my being. Limang oras nang nasa loob si Rei at inooperahan. Naubos ko na atang kutkutin ang sampung daliri ko sa kamay kaya naman heto ako at di mapakali at lakad ng lakad sa hallway ng OR.

" Im sorry baby pero kinakabahan si Mommy eh." masuyong tugon ko.

Ngumuso lang siya at mahigpit na yinakap ulit ang unan ng kapatid. Lalapit na sana ako sa kanya para yakapin siya ng nagsalita si Lee.

" Ms Louie, dinalhan po kita ng kape." inangat niya ang mga dala dala niya para ipakita sa amin. Lumapit siya sa akin at inabot ang kape. Naupo na lang ulit ako ng tahimik sa tabi ni Rai.

" Hey buddy! Orange juice?" Hirit niya sa anak ko pero umiling lang ito at yumuko. Siniksik ko si Rai sa tabi ko para i comfort siya at kumuha na rin ng lakas kasi kanina pa talaga ako natatakot. Para na nga akong papanawan ng ulirat.

" Nasan ang amo mong pangit?" bulong ko kay Lee para hindi marinig ng anak ko.

Nakita ko naman siyang napakamot ng batok at napangiti ng alanganin.

" Eh may emergency meeting, nasa hotel suite po at naka skype. "

Tumango lang ako. Napangiti ako ng mapait sa loob ko. Tinago ko yon para hindi mahalata ni Lee.

" Eh Ms Louie nagkaproblema na naman po kasi sa site sa Agusan kaya di niya maiwan, pero-"

" Naiintindihan ko Lee, hindi mo kailangan maging abogado ng boss mo."

Pinutol ko kung ano pa man ang sasabihin niya. Napakamot ulit siya sa batok at napabuntong hininga.

Nasasaktan na naman ako. Pinagpalit niya ang anak niya sa trabaho? Lihim kong sinaway ang sarili ko. Ngayon pa ba ako aasa na kahit papaano ay may puwang na ang mga bata sa puso niya?

Sinong niloko ko? I need to constantly remind myself that, the fact that the kids will be more important to him now than anything else would be imposible.

Naputol ang malalim kong pag iisip ng biglang lumabas ang dalawang doctor. Isa yung pedia na naka assign kay Rei at yung isa naman ay yung surgeon. Nag-aalala ko silang sinalubong. Ngayon ko lang napansin na naginginig pala ang mga kamay ko. Nagtanggal sila ng mask at hinarap ako ng nakangiti. Nakahinga ako ng maluwag, ibig sabihin ay succesful ang operation. Kinausap nila ako saglit at nagpaalam naman agad dahil may pupuntahan pa daw silang ibang pasyente.

Niyakap ko ng mahigpit si Rai at kinarga. Alam kong tuwang- tuwa din siya sa narinig.

" Bumalik na po tayo sa suite Ms Louie. Doon na po natin hintayin si baby girl."

Nakangiti naman akong tumango sa kanya.

Makakakita na ang baby girl ko. Thank you po Lord!

Two weeks had past at eto nga pauwi na kami sa bahay ni Rui. Hindi na nagpakita ang gago mula nung operahan si Rei. Ni silipin ang bata ay hindi niya ginawa. Hanap nga ng hanap ang dalawa sa kanya kaya kung anu-anong alibi na lang ang lumabas sa bibig ko.

Pinayagan namang ma discharge agad si Rei kasi tapos naman na lahat ng injections at antibiotics niya, shifted na lahat sa oral kaya sabi ko sa doctor ako na lang ang bahala. Isa pa kailangan na naming bumalik ni Railey sa school.

Hindi maampat ang luha ko sa tuwa nung araw na tinanggal ang eye patch niya. Sa una nanibago siya sa liwanag pero dahil bata pa ay mabilis siyang naka adjust kaso kailangan muna niyang magsuot ng salamin for protection.

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon