Chapter 31 ~ Numb

27 0 0
                                    

LOUIE'S POV

" Mom pano ka?!"  Nagaalalang tanong ni Railey.

" Have you forgotten baby that Mommy can kick hard! Kaya ni Mommy kalabanin yung mga goons basta alam kong safe kayo...Kaya be a good big brother and protect your sister. Escape and hide  and Mommy will come to you soon. Do you understand?" Nagkatinginan ang dalawa at biglang ngumuso ang baby girl ko.

How can she be so cute at times like this?

" If we escape and hide, would you be safe? We want you safe Mommy!"

" We will all be safe if you follow my instructions." Determinadong sabi ko. I need to make sure they are safe before I make another move. Mukhang tulog na tulog pa naman ang mga bopols naming kidnappers at kung papalarin pwede kaming sabay na tumakas but I need to make aure they are safe. I scan the area and I saw two doors.

Daha-dahan kong inakay ang dalawa papunta sa isang pinto habang nililingon ang mga pangit naming kidnappers.

I opened the first door and it was a storage room. Shit!

We slowly move to the next door but when I opened I saw a lot of armed men. Double shit! Then I heard gunfires...Damn.

I hastily open the storage room to hide the twins.

" Stay inside until I say so."  Hindi ko na sila hinayaang makasagot at isinara ko na agad ang pinto at mabilis na tumakbo sa nakausling pader para magtago. Narinig ko ang sunud-sunod na mura ng mga nakatulog naming kidnappers kasabay ng sunud-sunod na putok sa labas.

I hope the twins and I can come out safe. Naiisip ko si Baby Rhia at si Rui.

Is Rui gonna save us?

Ipinilig ko ang ulo ko habang nagiisip kung pano ko mailalabas ng ligtas ang kambal ng biglang may humablot sa buhok ko dahilan para mapaigik ako sa sakit.

Akmang magpupumiglas ako ng maramdan ko ang malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko. Shit!

" Nasaan ang mga anak mo!" Tanong niya sa nangigigil na boses!

" At bakit ko sasabihin sayo eh ang panget mo!"

" Tang ina kang babae ka! Masabi mo pa kayang panget ako kapag sumirit na ang dugo dyan sa ngalangala mo!"

" Huh, kahit pa malagutan ako ng hininga hindi pa din magbabago na panget ka! Pakawalan mo ako at ang mga bata kung hindi ipapalapa kita sa aso ng kapitbahay namin!"

" Ang lakas din naman talaga ng loob mo porket nandito ang walang puso mong asawa para iligtas kayo! Pwes para sabihin ko sayo, hindi ka na nya maabutang humihinga dahil papatayin na kita!"

Nandito si Rui? Piping bulong ko sa hangin. Ililigtas niya ba kami kaya andito siya?

Nabuhayan ako ng loob. Kailangan kong maanatiling humihinga para sa mga anak ko kaya hindi ako papayag na patayin ng panget na to. Wala na akong practice pero baka naman gumana pa!

Umigkas ng maliksi ang isang braso ko para mabitawan niya ang hawak niyang baril. Mabilis ang galaw kong umikot para madagukan ko siya sa likod.

Huh! Not bad. Hand to hand combat it is.

" Tang ina!"  Nanlalaki ang mata niyang humarap sa akin matapos makuha ang balanse niya.

" Mas lalo kang pumanget ng lumaki lalo yang mata mo!" Pangaasar ko pa. Nakarinig ulit ako ng mga putok ng baril. Bakit antagal naman nilang magbarilan? Mapapalaban pa tuloy ako.

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon