LOUIE'S POV
" Mhie alam mo po bang pasaway na naman si kuya kanina sa school, sabi po ni Lola Nanay kunot na kunot again ang forehead niya. Hinawakan ko po, totoo nga. Narinig ko pa siya nisabi nya don sa isang bata , i know bata yun kasi preschool yun. Puro bata don di ba po Mhie? Sabi nya ' don't come near her or you'll be skinned alive!' di ba bad po yun Mhie? Nakikipag-away na naman po si kuya. Nisabi ko nga po sa kanya na huwag kasi magagalit ka po. Di ba Mhie, magagalit ka? Tsaka ma sa-sad ka pa kasi sabi mo po lagi ayaw mo ng bad kasi ang mga angels laging good. Di ba po Mhie angels kami kaya dapat good kami bakit po si kuya bad na naman po kanina?!" sabay pout ng baby girl habang naka cross naman ng kamay ang kapatid at nakataas ang kilay habang nakikinig sa speech ni Rei.
Napahalakhak ako. Trully they can take the pain away. Napakadaldal ng baby girl ko samantalang ang kakambal naman nya ay sobrang tahimik at mainitin ang ulo. May pinagmanahan.
They are my angels, my strength. 6 years old na sila ngayong taon. Kaya din siguro mahirap mag move on kasi may living remembrance ako ng isang nakaraang dapat ko nang kinalimutan.
I love them the way i loved their jerk of a father. Nilingon ko si Rai and his face softened. I know that gesture. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang tungki ng ilong ko ng matunog so that her sister can hear. Umingos lang si Rei. Alam na.
" I love you, Love." lambing ni Rai. Surely he knows how to melt my heart. Ganyan siya kapag may kasalanan at ganyan siya kapag gusto niyang inisin si Rei. Alam kasi nilang pareho na kahit anong galit ko nawawala kapag naglambing na sila.
" Your playing it again, kuya...sigurado wala na naman ang galit ni Mhie, lam mo naman yan ang weakness nya. Nigawa mo ulit tapos bad ka na naman! Ihhhh. " ungot ni Rei. Dahan dahan lumapit si Rai kay Rei at mabilis na hinalikan din ang tungki ng ilong nito.
" I love you too baby!" lambing ni Rai sa kakambal. Wala na!
Nakita kong nag pout si Rei tapos nagsalita.
" I love you too , kuya ko. Kainis naman kasi eh!" Rai and me both chuckled lumapit ako sa kanilang dalawa at yumakap. As much as I love them I also need to discipline them. Huminga ako ng malalim, kumalas ako sa yakap nila at binaling ang tingin ko kay Rai, we have the same eyes, light brown while Rei have her father's eyes...ocean blue.
" Now young man, tell Mommy what did you do in the pre school?"
I heard Rei chuckled, kala nila lusot na.
Di naman ako galit, gusto ko lang malaman kung bakit siya nakipag-away. Baka dahil na naman sa tinutukso silang walang daddy.
Ayoko nang maulit ang nangyari 5 months ago na umuwi siyang may pasa dahil sinuntok siya nung kaklase nyang mataba kasi tinulak niya ito. Halos umusok ang ilong ko sa galit noon...iyak din ng iyak si Rei. That time hindi siya dumaldal, iyak lang siya ng iyak. Naawa ako sa mga anak ko noon, mas lalo akong nagalit sa walang hiya nilang ama.
" Love, Nikos said she had a crush on my little sister. Tell me po why I can't get mad? Baby pa si Rei tapos may magka crush na. Hindi po pwede, that's why I got mad. I need to protect my baby sister. I'm sorry po." kwento nya tapos napayuko.
Napabuntong hininga na lang ako. Lumaking protective si Rai, sa akin at kay Rei. I can't blame him, just like what he always say... ' Im the only man in the family, I need to protect my two precious girls.' nung sinabi nya yon, lumubo sa tuwa ang puso ko. He was too sweet and caring for a little boy like him.
" Pero sweetie, baby ka pa din." sagot ko sa kanya.
" Im not a baby anymore, Love!" Rei chuckled.
" Kuya how come you call me baby sister? tapos ikaw not baby anymore?....Eh 5 minutes lang naman tanda mo sa akin noh. Di ba po Mhie? Masyado ka talagang epal, if I know you don't want to be called baby anymore kasi may crush ka na din! Hmp. BLEH!"
" THEON RAILEY?!" Nanlalaki ang mata kong tiningnan si Rai. Pano magkakaroon ng crush ang isang six years old na bata. Sus Mio Marimar! Napaka advance naman ng mga bata ngayon.
" Relax Love, wala po akong crush. Huwag po kayong maniwala sa isang batang tsismosa!"
" Kuya! Im not chismosa. Narinig ko kaya! Nisabi mo pa nga ' she's pretty!' Di ba Mhie kapag nag compliment like nya po? Ibig sabihin po crush nya nga!"
"Ang daldal talaga ni THEA REILEEN!" kapag ganyan sila, di na ako makasingit. Nakikinig na lang ako. Si Rei na ang nagsasalita para sa akin. Ang daming daldal talaga ng baby girl ko.
" Theon." baling ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin, mapungay ang mata. Alam kasi nila na kapag tinawag ko sila sa first name nila ay may seryoso akong sasabihin. " Come here to Mommy."
Lumapit siya sa akin at kinarga ko siya sa lap ko. Tahimik namang nakaupo sa tabi ko si Rei. Alam kong nakikinig din siya. I kissed Rai's forehead and talk. " You just can't say bad words to other people baby beacuse it can hurt them without you knowing."
He looked at me and nodded then i hug him tight. Naramdaman kong sumiksik din si Rei sa aming dalawa.
" I' ll try not to Love. But I will not promise because I dont want to break it for you. I love you!"
That is enough for me. " I love you too kuya, I love you din baby girl."
" I love you Mhie, I love you din kuya, kahit bad ka kanina."
"Tapos na ba kayong magdramang mag-iina? Bigla kaming napa- angat ng tingin kay Nanay Rosie. Siya ang kasama ko sa buong 27 years ng buhay ko. She is my nanny and now my children's nanny. Kapatid siya ni Nanay Fely na siya namang tumutulong sa akin sa cake shop. Pareho silang matandang dalaga at sila ang umalalay sa akin nung namatay si Mommy at Daddy.
" Handa na ang hapunan. Parine na kayo!" She is the strict one, pero mabait naman. Pare-pareho kaming takot ng mga anak ko sa kanya kapag seryoso na siya. Si Nanay Fely naman ang pambalanse. She is the jolly one.
Binigyan ko ng tig-isang halik ang kambal ko. " I love you babies but we have to eat, ok?" Tumango naman ang dalawa. Ibinaba ko sa pagkakakandong si Rai.
" Kuya! Piggyback please!" ungot ni Rei, and Rai knows he cannot say no.
PS: BABY RAI ON THE PICTURE
![](https://img.wattpad.com/cover/39630307-288-k502751.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...