LOUIE'S POV
Kinakabahan siyang naglalakad papunta sa restaurant na sinabi ni Atty Galvez, dito daw gustong makipagkita ng amo nitong pangit! Kaya heto siya, parang naiihi na natatae habang naglalakad. Alam niya sa sarili niya kung ano ang dahilan kaya gusto siya nitong makausap pero tinatanggi naman ng puso at isip niya.
Oo natatakot siya sa isiping pwedeng pwede nitong kunin ang mga bata at ilayo sa kanya. Ganyan naman kadalasan nangyayari, kapag nalaman ng tatay na may anak siya sa kahit sinong babae ay either kukunin niya sayo o magbibigay ng sustento. Pero iba si Rui dahil noon pa man ay tinaboy na niya ang mga anak ko, isa pa hindi niya ako mahal para maghabol. Kapag naiisip ko yun, hindi maiwasang kumirot ng puso ko.
Hindi siya naniwala noon sa kahit anong paliwanag ko na siya ang ama ng pinagbubuntis ko at walang iba, mas pinaniwalaan niya ang kwento ng pinakamamahal niyang girlfriend na si Belle. Nasaan na nga ba ang babaeng yon? Akala ko nga ay kinasal na sila at may anak na nang hindi na pagdidiskitahan pa ngayon ang nananahimik kong buhay!
Ngayon, anong kailangan niya?!
Huminga siya ng malalim bago pumasok sa nasabing restaurant. Sinalubong siya ng isang waiter at sinabi niya ang pangalan ni Rui. Naintindihan naman agad siya nito at hinatid kung saan nakaupo ang nakatalikod na binata. Nagpaiwan na siya sa waiter at sinabing kaya na niyang mag-isa.
Pumikit siya ng mariin bago lumapit. Kailangang i compose niya ang sarili niya. Nirendahan niya ang puso niya na kanina pa tumatambol, hindi niya alam kung dahil ba sa kaba o dahil pa sa ibang bagay.
Iwinaglit niya sa isip niya ang nararamdamang malakas na tambol ng puso niya, hindi pwedeng mahalata ng pangit na lalaking yon na apektado pa rin siya sa presensya nito. Na tulad ng ibang babaeng humahanga dito, ay ganoon pa rin ang nararamdaman, tulad nung dati na mahal pa niya ito. Akala niya naka move on na siya, pero nung magkita ulit sila, parang bumabalik lahat ng masasakit na alalala na pilit niyang binaon. Kahit paulit -ulit na naalala niya ang sinabi ni Kelly na his not worth the tears. Paanong hindi eh siya lang naman ang minahal ko buong buhay ko na sinaktan ako ng sobra. Sinusumpa ko talaga yung araw na umakyat ako ng mangga!
Pasalamat na nga siya na nitong mga nagdaang araw ay napakiharapan niya ito ng hindi siya tinatraydor ng puso niya.
Ngayon na maghaharap ulit sila ng sarilinan kailangan nyang rendahan ang puso niya. Isara, ikandado, lagyan ng padlock at itapon ang susi sa Marianas Trench!!! Huminga ulit siya ng malalim, ni hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang nagawa yon ngayong araw na to.
" Ahem!" pagbasag niya sa lalaking busy sa pagkalikot ng cellphone. Lumapit siya sa kaharap na upuan at pinablanko ang expression. Mukhang mapeperfect niya na ang ganitong drama lalo pa sa mga susunod na araw.
Aba! Umasa pa talagang may susunod! Singit ng baliw niyang isip.
Nag-angat naman ito ng tingin na nakakunot. Napataas ang kilay niya. Naisip niyang makapagdala nga ng plantsa sa susunod at ng maituwid naman ang laging kunot na noo nito!
" Anong kailangan mo Mr. Ortega?" pormal na sabi niya. Walang bahid ng hinanakit o pagkakaba. Gusto niyang i congratulate ang sarili at hindi siya nabulol sa tanong niya. Pinasadahan niya ang suot nito.
Handsome as ever! Singit ng pasaway ng isip.
Mukhang galing lang ito sa isa pang meeting at naka three piece suit pa, samantalang siya ay simpleng skinny jeans at white loose polo shirt na hanggang siko at pink doll shoes.
Inilapag nito ang hawak na cellphone at minuwestra ang katabi niyang upuan.
" Have a seat!" pormal ding sabi nito na parang isang hastler na businessman. So, mukhang kailangan niyang maghanda sa gyera ng Orocan! Napangisi siya, ayaw man niyang magpanggap na mabait sa harap nito na kung normal lang ay ni sa panaginip ay ayaw na niyang makaharap pa, ay hindi pwede dahil baka ang pag uusap na ito ay may kinalaman sa mga anak niya. At yon ang hindi niya pwedeng ipagpaliban, lalo pa at alam niyang nakita na nito ng malapitan ang mga bata.

BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...