LOUIE'S POV
Nakatulala akong naglalakad pabalik sa living room na bitbit ang isang unan.
*Flashback*
Gulat na gulat ako ng paglabas ko ng bathroom ay nakahiwalay na ang dalawang bed ng kambal. Ano bang nangyayari?
" Mhie, kaya na po namin ni klKuya mag sleep na kami lang, balik ka na po sa room nyo ni Daddy." Walang kagatul-gatol na pahayag ng baby girl ko. Nakita ko namang nakaupo sa kama niya si Rui at nakatingin din sa akin ng may pagsang-ayon pa sa sinabi ng kapatid. Tumayo pa silang dalawa at sinimulang hilahin ako papunta sa connecting door na nagdudugtong sa kwarto ng kambal at ni Rui.
" Te-teka lang mga anak, ayaw nyo na ba akong katabi?!"
Nagtatampong tanong ko sa kanila. Jeske! Hindi ako tatabi sa Tatay nilang pangit kahit lamunin pa ako ng lupa. Ano na lang ang sasabihin ni Rui? For sure palalayasin lang ako non sa kwarto niya pag nakita ako." Love, ang Mommy at Daddy po dapat magkatabi matulog." sabat naman ni Rai.
" Tama po, kaya sa kwarto niyo na po ikaw ni Daddy matutulog. Big girl at big boy na po kami Mommy. Kaya na po namin ni Kuya mag sleep mag-isa." Pahayag naman ni Rei habang patuloy akong hinihila papasok sa kwarto ng Tatay nila. Napapikit pa ako ng pagkapasok namin. Kaloka tong mga anak ko, ibinibenta na naman ako. Hindi ba nila alam na baka pag iniwan nila ako dito ay bugahan ako ng apoy ng Tatay nila!
Pagpasok namin ay walang bakas ni Rui pero may naririnig akong lagaslas ng tubig sa loob ng banyo. Nilibot ko ng konti ang paningin ko. His room didn't change a bit, typical men's room taste, black and white theme. May malaking abstract na frame na nakasabit sa ulunan ng bed at malaking flat screen TV sa tapat. Carpeted din ang buong kwarto at may dalawang bedside table kung saan nakapatong ang dalawang lampshade. Sa kaliwang bedaide ay may picture frame na sa pagkakatanda ko ay family picture nila yon kasama ang mga mga magulang niya. Naputol ang pagmamasid ko nang hinila ako ng dalawa paupo sa king size bed ni Rui, napapasong napaangat pa ako. Memories flashed like thunderbolt. Sheeeetttt! Dito namin ginawa ang kambal. Kinilabutan pa ako. Natauhan lang ako ng magsalita si Rei.
" Sleep ka na po Mhie, babalik na kami sa room." And just like that, iniwan ako ng mga anak kong nakatulala. Is this really happening? Oh no, hindi ako matutulog dito, hindi ako pwedeng makita ni Rui dito sa loob ng kwarto niya. Nagtatampo pa ako sa kanya dahil ayaw niyang ampunin yung baby.
Dali-dali kong hinablot ang isang unan at mabilis na lumabas ng kwarto. Makikitulog na lang muna ako kina Nay Rosie.
Tama! Ang brilliant ko talaga.
Tahimik akong pumasok sa kwarto ng dalawang matanda pero bumagsak ang balikat ko ng makita kong nakahiga sila pareho sa tig-isang single bed. Kung makikisik-sik ako eh hindi sila makakatulog ng maayos. Malungkot na lumabas ako ng tahimik sa kwarto at bumaba sa living room. Lights off na pero may konting liwanag naman na galing sa garden.
Susubukan ko sa kwarto nila Elsa, baka pwede kaya lang magtataka sila. Bagsak ang balikat kong naglakad pabalik.
* end of flashback *
Tiningnan ko ang sarili ko, naka cotton white night gown na bulaklakin lang pala ako at wala akong bra! Santisima!
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...