Chapter 23 ~ Same Eyes

42 0 0
                                    

LOUIE'S POV

Kung tatanungin nyo ako kung anong nangyari sa amin ni Rui sa hotel, wag na kayong mag aksaya ng panahon dahil malaking WALA! Oo, wala namang nangyari except sa pagsisigawan namin kung sino ang mauunang maligo. Yung lalaking yon talaga walang pagka- gentleman na tinatago sa katawan.

Pagkatapos naming makapaglinis ng katawan at magpalit ng damit ay mabilis din kaming bumalik sa ospital para silipin si Reileen at Nay Rosie. Pinasundo na lang din ni Rui si Rai kay Mr. Lee papunta sa ospital.

Gusto ko kasing balikan yung mag-ina at kamustahin. Nagtataka lang ako dito kay Rui at sunod ng sunod. Wala ba siyang trabaho? Andami naman niyang free time. Ako kasi nag leave ng 1 week sa school kaso nga lang ubos na ang leave credits ko dahil sa pagpunta namin ng London kaya napilitan akong gamitin yung maternity leave ko. Pambihira, gulat na gulat pa yung admin officer namin sa school. Hindi naman ako nagpaliwanag, bahala silang mabaliw kakaisip kung bakit ako nga maternity leave. Hahahaha.

Binalingan ko ang katabing cool na naglalakad kasama ko. Papunta kami ngayong clinic ni Kelly para makibalita. Tinaasan ko siya ng kilay nang lumingon din siya sa direksyon ko.

" Ang clingy mo ngayon Rui, wala ka bang trabaho at sunod ka ng sunod?"

Tinaasan din niya ako ng kilay na may kasamang pagkunot- noo. Pambihira tong lalaking to kahit anong expression, pangit pa din!

" Gusto ko lang din malaman kung ano ang nangyari sa mag-ina, tayong dalawa nag nagpaanak kaya konsensya ko din sila noh."

" May konsensya ka pala? Oh well bahala ka nga."

Hindi na siya nagsalita, bago pa man kami makarating sa clinic ni Kelly dito sa ospital ay nakita na namin siyang naglalakad salubong sa hallway. Naka scrub suit pa siya at parang pagod na pagod.

" Kelly!" Tinawag ko siya kasi parang di niya kami nakita. Tumakbo ako palapit sa kanya habang kasunod si Rui. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay niya sa kasama ko at bumaling sa akin. She sighed sadly.

" Anong nangyari sa mag-ina Kelly."

" The baby is fine, nasa nursery siya ngayon but the mother whom we identified as Kristine Landeza is dead."

Hindi naman na ako nagulat pero nalulungkot pa din ako. Nilingon ko si Rui na wala ding emosyon. He is at it again. Cold and emotionless.

" Her BP spiked to 230/140 and uncontrollable already. CT scan shows she had a massive hematoma in her parietal lobe, we tried so hard to revive her kaso she died during the craniectomy. Im sorry Louie."

Umiling ako. Hindi niya kasalanan. Wala namang may kasalanan. God has better plan.

" Ang asawa niya, nacontact nyo ba? Ang mga magulang nya?"

" Sad to say her boyfriend died 3 months ago, motor crash. Wala siyang mga magulang, laki siyang bahay ampunan, ang boyfriend naman niya laking boys town. Walang nakakaalam kung may natitirang kamag-anak pa sila."

Napasinghap ako, pano ang baby? Ibig sabihin ulila na siya?

" Yung bata? Paano?"

" Tumawag na ang medical social worker sa DSWD, i tuturn over na lang siya sa ahensya at baka iwan na lang din sa ampunan."

" Kawawa naman yung baby, pwede ko ba siyang makita?"

Tumango naman si Kelly at hinawakan ako sa braso. Napansin ko namang sumunod din si Rui.

" Hoy babae, yan bang asawa mo ay nasa katinuan ngayon, bakit yan sunod ng sunod sayo, di ba magkagalit kayo?" bulong niya sa akin. Nilingon ko si Rui na mukhang may malalim na iniisip.

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon