LOUIE'S POV
Nakaupo ako sa backstage habang nakakandong si Rei sa akin at nasa tabi ko naman si Rai na parang cool lang na naglalaro ng ipad. Napangiti ako, ipagpapalit ko lahat para sa mga anak ko, ano man ang balak ng pangit na lalaking yon sa pag set ng appointment, bahala siya basta hindi niya pwedeng makuha ang mga anak ko.
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang bwesit na pangit na lalaking yon, may dapat pa palang akong problemahin ngayon kaya kami nandito sa backstage.
Sa totoo lang kinakabahan ako, biglaan naman kasi tong song number namin ng kambal. Kung hindi lang nagkasakit ang sikat na student singer ng school, hindi naman dapat kami nanditong tatlo kaso dahil nga sa aberya at dahil narinig nitong baby girl ko na namomroblema ako ay nagpresinta pa itong siya na lang daw ang kakanta at dinamay pa kami nitong kapatid niya! Si Rai naman ay wala na ding nagawa dahil hindi niya matiis ang baby sister nya.
Hindi din sana ako papayag kung may iba lang kaming maisisingit na mag peperform kaso wala na at wala na ding oras pa, bisita pa naman namin ang matandang Governor dahil ika 100th foundation ngayon ng school at ako ang major organizer dahil ako nga ang SSC chairman. Kasabay pa ngang pumilit sa akin ang student council nang narinig nilang nag volunteer ang madaldal kong anak. Hindi pa daw kasi nila ako naririnig kumanta, isa pa sikat nga ang kambal ko dito sa school dahil sa sobrang ka cutan daw ng mga ito, siguradong matutuwa ang audience kapag sila ang nakita sa stage lalo pa at surprise presentation to. Tinulungan din nila kaming ipasok ang lumang piano mula sa library papunta dito sa hall para magamit ko mamaya.
Pinagmasdan ko si Rei na mukhang excited talaga, naka white lace dress ito na may accent ng violet and yellow colored flowers sa laylayan na tenernuhan din ng cute lavender doll shoes at flower headband tucking her long curly hair. Ang ganda niya talaga, kahit ako na mommy niya ay laging namemesmerize sa kanya lalo pa kapag tinitigan mo na ang ocean blue eyes niya.
Nilingon ko din si Rai na naka cute jeans and simple white shirt na pinatungan ng blue polo na nakabukas and dark blue snickers. Ang gwapo talaga, napapalingon ang ibang estudyante at napapangiti.
Natigil ako sa pagtitig kay Rai ng maramdaman kong hinawakan ng maliit na mga kamay ni Rei ang pisngi ko.
" Mommy, are you nervous?"
Pinugpog ko siya ng halik sa cheeks at ngumiti.
" Bakit naman kakabahan si Mommy kung kasama ko ang dalawang superhero angels ko?"
" Right, hindi din ako nervous kasi kasama ko kayo ni kuya, pero si kuya baka nervous na?! Nervous na ba siyang tingnan Mhie?" sabay hagikhik. Napaangat naman ng tingin si Rai mula sa ipad niya at napakunot ang noo.
" Hey little girl, Im not nervous, why would I?" pagmamalaki pa nito sa kakambal.
" Siyempre baka nanonood ang crush mo. Hagikhik na nangaasar pa nito. "Mommy marami po bang people sa labas?"
Inosente namang tanong nito sa akin ng hindi siya pinatulan ng kapatid.
" Hmmmm...medyo maraming tao baby, are you scared?"
Ngumiti ito ng matamis at umiling.
" Not really, I cant see them anyway." malungkot kong tiningnan si Rei. She had been a very strong kid. Since she lost her sight ni hindi ko naramdaman na nabawasan ang dating positivity niya. Siya pa nga minsan ang nag cocomfort sa akin pag nalulungkot ako at nagsosorry sa kanya na hindi ko pa siya kayang maipagamot. She would always tell me not to worry because even without a sight she feel complete as long as me and her kuya is beside her.
" Rei-"
" Mommy, bawal pong malungkot, papangit ang boses natin." putol nito sa sasabihin ko. Napabuntong hininga na lang ako at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomantizmKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...
