LOUIE'S POV
Naalimpungatan siya nang maramdaman niyang naiihi siya kaya nagtangka siyang bumangon pero dahil nga naka cast ang kaliwang braso nya at paa, ni hindi man lang niya naiangat ang katawan sa pagkakahiga. Napabuntong hininga na lamang siya ng malakas.
Paano to? Nilingon niya ang side table para abutin ang cellphone para tawagan si Nay Rosie at matulungan siya sa dilemma na kinakaharap niya pero ng makita nya kung anong oras na ay bigla niyang binalik ang cellphone sa side table.
Alas tres ng madaling araw! Paano niya gigisingin yung matanda. Haist. Kainis naman!!!
Wala na akong choice. Hingang malalim Louie, kaya mo yan, wag ka nang mahihiya dahil asawa mo naman yan.
Akmang gigisingin niya si Rui ng naestatwa ang kamay niya sa ere!
Paano ako maghuhubad ng panty kapag iihi ? Jusko naman Lord, sa lahat ng mababali sa akin bakit magkasabay na paa at braso pa?
Kapag si Rui ang ginising ko, siya ang maghuhubad ng panty ko???? Oh no no no no! That would be embarassing! Pero kapag di ko naman siya ginising baka maihi na ako sa kama, mas nakakahiya yun!
Hala! Isip Louie, think!!!!
Bahala na——
" Do you want to pee?"
"Ay naihi sa kama! Jusko naman Rui bakit ka ba nanggugulat dyan!?" Halos mahintakutan siya ng bigla itong magsalita at tumunghay sa kanya. Bakit ang lakas ng pakiramdam ng isang to?
" Honey, your face says that you cannot take it anymore." He chuckled loudly. Akmang babangon na ito ng pigilan niya.
" Hep, sino namang may sabing naiihi ako, hindi noh , nananaginip ka lang!" Pagtanggi niya na may kasamang irap.
" You dont need to be shy, I know how to remove and put back your panty!" Natampal niya bigla ang braso nito. Dangan ba naman napaka pranka!
"Napakabastos nyang bibig mo Rui Ortega."
" Its not something bastos, when you need to pee , you have to take out your underwear, since you cannot do it by yourself, I will do it for you. Common Hon, you dont want to pee on our bed, do you?" Pagpapaliwanag nito.
Napaisip siya, pero ihing ihi na siya!!! Argggg
" Sige na nga, pero wag kang titingin!"
" Pano ko huhubarin, kung di ko titingnan?!"
Oo nga naman Louie!
" Basta! Ilihis mo lng ung nighties ko, kapain mo na lang yung garter, wag kang hihipo!"
" Ano ba naman yan Louie, hindi na nga titingin, hindi pa hahawak. How can I remove it, Does your panty have voice command?" Tinaasan niya pa ako ng kilay.
" Siraulo! Napakapilosopo ng usang to."Basta! Bawal tumingin, bawal humawak!"
He just rolled his eyes and carried me to the bathroom. Pigil ang hinga ko habang tinatahak namin ang daanan papuntang toilet. Bakit ba ang bango ng lalaking ito kahit hindi naman bagong ligo?
" Baka maubos ang amoy ko Hon, yakapin mo na lang ako mamaya kapag nasa bed na tayo. Ok?"
" Hoy! Ayyyyyy!"
" Bakit mo hinubad ng di nagpapaalam?"
Akalain nyo ba namang nahubad niya yung panty ko ng walang kahirap hirap at naiupo pa ako sa toilet bowl.

BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...