LOUIE'S POVIsang linggo na ang nakalipas matapos ang pagtatalo namin ni Rui. Napaka walk out king talaga ng isang yon. Umuwi siya ng gabing gabi na at dumiretso sa kwarto ng kambal, doon na siya inumaga at parang walang nangayari ng sumunod na araw.
Akala ko nga ay tuluyan na siyang magsusungit na naman pero ganon pa din siya sa mga bata. Pinangatawanan ang pagpapanggap kuno niya na ulirang ama habang buhay. Tss...loko talaga.
Im not naive not to see his sincerity towards the kids. Nakikita ko namang unti-unti niya nang minamahal ang mga bata kaso hindi lang ako mapanatag. Ganon siguro talaga kapag ina pagdating sa mga anak.
Kung gaano siya kaulirang ama, kabaliktaran naman siya sa akin. May silent treatment pang nalalaman ang magaling na lalaki. Ni hindi ako tingnan o pansinin. Daig pa ang babaeng nagmemenopause sa pagkasungit sa akin though hindi niya pinapahalata sa mga bata.
Doon pa naman siya natutulog sa kwarto namin pero kapag kami na lang, si Baby Rhian lang ang pinapansin niya. Yung cute na baby ko naman, napaka clingy sa Tatay niyang masungit at lagi kong nagigisingan na nakasiksik sa kilikili ng ama. Close na close na nga yata yung dalawang yon at outsider na ako.
Alam ko namang kasalanan ko kaya nga napagisip-isip kong makipag bati na. Hindi ko na matiis na ganyan siya sa akin, buti pa dati kahit galit o nagaaway kami, atleast pinapansin niya ako. Eh ngayon, mega super deadma talaga ang lolo niyo. Napakaarte!
Hindi naman sa gusto kong pansinin niya na ako kaso lang....ahhhhhh basta, wag ka ngang magulo self.
Hindi ako affected.
Hindi nga talaga ako affected lalo na at lagi siyang naka boxers shorts na lng kapag matutulog na kami! Hindi talaga!!!!
Ano bang nangyayari kay Rui at naging exhibitionist na bigla? Nawiwindang na tuloy gabi-gabi ang katawang lupa ko. Kagaya ngayon akala mo naman kung sinong maganda ang katawan, prente pa siyang nakahiga at nakapatong ang ulo sa braso habang nanonood ng mickey mouse club house katabi si Baby Rhia.
Letseng pandesal yan!!! Bakit ang dami? Hindi pa naman breakfast ah. Aishhhh....
Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan siya. Napatingin naman siya sa akin saglit sabay irap...
Aba!!! Ang sungit akala mo naman ang gwapo niya!!!
Ang gwapo nga! Letse talaga!!
I sighed. Mukhang tamang panahon ko na para mag sorry. Tsk...
" Uhmmmm a---no ahhh...ehhh."
Napatingin naman siya sa akin ng nakataas ang kilay. May problema ata ang kilay ng isang to ah.
" A-no R-Rui ah SORRY NA SA NASABI KO NUNG ISANG LINGGO. HINDI NA MAUULIT SORRY NA TALAGA!" Nakapikit pa ako ng nagsasalita. Hiningal pa ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Unti- unti akong dumilat nang wala akong marinig na kung ano galing sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng walang emosyon at napabuntong hininga.
Bigla nyang pinatay ang TV at inayos ang kumot ni Baby Rhia na ngayon ay tulog na.
" Stop shouting and just go to sleep."
" T-teka...nagsosorry na nga di ba? Bakit ba ganyan ka? Ang arte!" Nakunguso kong tugon. Umiinit na naman tuloy ang ulo ko. Naku!!!!
" I said go to sleep!" Madiin niyang sabi sabay patay ng ilaw ng lampshade niya at talukbong ng kumot patagilid sa amin ni Baby Rhia.
" Naku ha, ang tindi mo magtampo at daig mo pa ang naglilihing buntis! Ungot ko bago hinalikan si Baby Rhia sa matambok nitong pisngi at natulog na din.Hmp!
Kinaumagahan ay para akong nagising sa isang malagim na panaginip...malagim nga ba?
" Ahhhhhh!" Pareho pa kaming napabalikwas sa higaan. Sapo ko ang buong katawan ko samantalang siya ay parang batang ninakawan ng candy dahil na istorbo ang tulog.
Pagkapangit talaga nitong lalaking to, bakit kahit bagong gising ay parang model pa din na rarampa sa royal fasion show? Kainis talaga.
" Bakit mo ako yakap at saka bakit may flag ceremony ka?! Hindi naman Lunes ngayon?! Pasigaw ko sa kanya para pagtakpan ang paglakas ng tibok ng puso ko. Grabe, ikaw ba naman ang magising yakap ng isang Rui Ortega, tingnan ko lang kung di ka himatayin.
" Geez, woman stop shouting this early in the morning!" Pupungas-pungas na sabi na niya na parang walang pakialam na nakahantad ang makasalanan niyang katawan sa pagmumukha ko.
Nanlalaki ang mata kong napadapo ulit sa morning wood...shet! Mahabaging Emre...kunin niyo na nga ang nilalang na to at ipatapon niyo sa kaharian ng Hathoria ng masilaban...nakakaasar.
Huminga ako ng malalim at hinarap ulit siya.
"Pwede ba Rui, takpan mo naman yung dapat takpan, nakakaeskandalo ka eh."
" What's there to hide, honey eh nakita at nahawakan mo na nanaman ang lahat ng parte ng katawan ko, kaya nga tayo may kambal di ba? So why being fuzzy now?!"
" Hoy ang kapal ng mukha mo...lasing ako non. YOU TOOK ADVANTAGE!" Nagpupuyos kong singhal.
" Wow ha! Ako pa ang nagtake advantage. Sino ba ang patay na patay sa akin non?"
" Aba't talagang!" Akmang babatuhin ko siya ng unan ng kumaripas siya ng takbo sa shower room ng tumatawa ng malakas.
Napatili ako ng wala sa huwisyo. Bwesit talaga ang lalaking yon!

BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...