LOUIES'S POV
" Mhie! Come up look at Daddy and baby Rhian oh. They are sooo cute!"
Malakas na tili ni Rei galing sa second floor. Iniwan ko kasing naglalaro ang mga bata sa taas kanina para magprepare ng merienda. Today is Saturday and they opted to stay in the house to play with Baby Rhian. Pati nga si Rui ay hindi din pumasok. Ewan ko sa isang yon at iniwan kong mahimbing pa ding natutulog kanina which is very unusual.
Mabilis akong umakyat para tingnan kung ano na ang nagyayari sa mag-aama ko.
Naks mag-aama pa more.
Nataranta ako ng makita ko ang posisyon ni Rui at ni baby Rhian na parehong-parehong nakapantulog pa at nakaub-ob sa sofa na parang nagdadasal habang ang kambal ay tawa ng tawa at kinukuhanan sila ng video.
Oh my God! Pano kung di makahinga ang baby? For Christ sake Rhian is only four months old.
Agad kong kinarga si Rhian at hinele. I assessed his face worriedly checking for any signs of breathlessness. Nang wala akong makitang problema ay tiningnan ko ang tatlo ng masama, para naman silang maamong tupa na nakahilera sa harap namin ni Rhian na animoy sasabak sa firing squad.
Im laughing inside my head, my twins and my husband looks so cute.
But I need to be firm, hindi tamang paglaruan nila ng ganon ang baby. Anong akala nila kay Rhian 2 years old na?
" How could you three play with baby Rhian like that, hindi nyo ba naiisip na baka hindi makahinga ang bata?" Striktong pagalit ko sa kanya.
" Eh Mommy, mabilis lang naman po tsaka baby Rhian is giggling naman, hindi naman siya breathless." Pagpapaliwanag pa ni Reileen.
" Even so, she is still as fragile as a newborn, pano kung may nangyaring masama sa kanya? Gusto nyo bang mawala si baby Rhian sa atin? At ikaw naman Rui, you are the mature one, how could you tolerate this? Kung ayaw mo sa bata, you could just have told me!"
Nag-igting ang panga nya sa tinuran ko at napabuntung-hininga.
" Your overacting, we are just playing, Baby Rhian is ok. Walang masamang mangyayari sa kanya, we are just having fun."
" That's not how you play and have fun with a four months old baby!"
" Sorna Mommy, not gonna happen again. Stop making your eyes big na, its scary." Bigla namang napatawa si Rui kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin ng biglang umungot si Rhian. She is making some sounds at naiingayan na ata sa amin.
" Hey little munchkin, gutom ka na ba?" Mahinahon kong tanong sa bata. Mukha namang naintindihan niya ako kaya nagsumiksik siya sa dibdib ko.
Patay tayo diyan mukhang gusto ng breasfeeding. Napangiwi ako. #Paano?
" Babies can you ask anyone in the kitchen to make milk for baby Rhian?"
" Copy that Mommy!" masiglang sagot ng dalawa at nag-unahan pa sa pagtakbo pababa. Im so happy that Reileen can do what she cant do before. She can run and play limitless with her kuya na.
Nakita kong lumapit ng kaunti si Rui at humalukipkip habang maamong pinagmamasdan si Baby Rhian. Lucky baby, yung kuya at ate niya never tiningnan ni Rui nang ganyan nung mga baby pa sila.
Silly me, panong titignan eh wala naman non si Rui, he abandoned the twins remember. Untag ko sa sarili.
" Sobrang behave niyang baby, hindi siya naiyak kahit mukhang gutom na." Maaliwalas nyang sabi.
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomantiekKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...