LOUIE'S POVOne week na ang nakalipas nang bumalik kami galing London. One week na din maganda ang progress ni Rei. Eto nga at nagpupumilit nang pumasok sa school ng kuya niya kaso hindi na pwede at third quarter na kaya pinagpatuloy ko na lang ang home school para makasabay siya aa kuya niya next year. Mabuti na rin yon para may bantay si Rei, at mas naging malikot at madaldal nung nakakita na.
" Mhie, gusto ko po ng Minions na toys. Pwede pong bilhan mo po ako? Please...." Tulad niyan nakapout pa at nagpapacute dahil nangungulit na naman ng laruan, kakabili lang sa kanya ng Lolo niya nung isang araw, porket nauso ang minions, gusto magkaroon din siya.
" Thea Reileen, what did Mommy say about toys? Napayuko siya.
" B-birthdays and Christmas
o-only."" Oh you remember naman pala, hindi mo pa naman birthday and hindi pa naman Christmas, then why are you asking for toys baby?"
Napayuko ulit siya at parang iiyak na. Napabuntunghininga naman ako at napatingin kay Rai na naka uniform na. Iiling-iling lang siya na para bang mature na mature na. Rai aren't fond of toys mas gusto niya ang books. Dati nga nung pinipilian ko siya ng toy car sa isang toy store ay iling lang siya ng iling at hinihila ako sa bookstore. Matalino si Rai at magaling mag drawing, namana niya sa daddy niya. Ganon din naman si Rei although mas nananaig pa rin sa kanya ang pagiging bata kaya mahilig siya sa toys, si Rai naman mas mature.
" Come here baby, may ibubulong si Mommy!" nag- angat naman ng tingin ang nakapink pajama terno na si Rei at dahan- dahang lumapit dala ang favorite teddy bear niya na regalo ni Luke.
Inipit ko muna ang nagulo niyang mahabang buhok. " I love you baby!" hinalikan ko siya sa tungki ng ilong niya. Napatitig naman siya sa akin at ngumiti. I know, she understands now what Im trying to say.
" Hindi tayo mayaman baby, kaya dapat magtipid, si Daddy at Lolo mayaman sila pero pinaghihirapan nila yung pera bago makuha, gusto mo bang laging nahihirapan si Daddy at Lolo para mabilhan ka lagi ng toys?" umiling naman siya ng paulit-ulit.
" Ayoko po Mhie, promise! No more toys till my birthday po. Sorry Mommy." yumakap naman siya sa akin ng mahigpit. At pinaghahalikan ako sa pisngi.
" Hays...ang drama talaga ng mga babae sa buhay ko! " singit naman ni Rai. Para na naman siyang matanda, pero wag ka may baby moments din yan lalo na pag may gusto ding makuha. Napatawa naman ako.
" Oh pasan na baby, baba na tayo at malalate na si kuya." mabilis naman pumasan si Rei sa kuya niya at hinalikan ito sa pisngi. Ang lambing talaga ng mga anak ko that is why Im always thanking Him for giving me this two wonderful children.
Pumasok kami ng sabay sabay sa dining area. Naibaba na rin ni Rai si Rei sa pagkaka piggy back. Nagulat pa ako nang makita ko si Rui na nagbebreakfast kasama si Lolo. Umuba ata ang ihip ng hangin, bakit to nandito.
"Daddy, goodmorning!" nagulat pa ako ng lagpasan ako ni Rei at nagtatakbo sa Daddy niya. Kumandong pa ito at humalik sa pisngi.
" Good morning din po Lolo kong pogi." napahalakhak ulit ang matanda.
" Good morning prensisita ng buhay ko!" at tumawa ulit.
" Lolo!" saway ko sa kanya. Nung isang araw kasi sumakit ang dibdib niya dahil sa kakatawa kaya bibawalan muna siya ng doctor ng mga extreme emotions dahil fresh pa ang mga stitches niya.
Tumingin siya sa akin at tumikhim
" Sorry iha." lumapit naman si Rai at nag good morning din at humalik sa pisngi ng ama at Lolo." Good morning din sa pinaka gwapo kong apo!" bati din ng matanda.

BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomantizmKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...