Chapter 26 ~ The Queen

44 2 0
                                    

LOUIE'S POV

" Im sorry Miss pero may appointment ba kayo sa CEO?"
Tanong ng babae sa information desk. Napataas naman ang kilay ko. Siguro bagong empleyado to at hindi ako kilala, asan na kaya yung mabait na babaeng receptionist dito dati?

" Mhie, pasok na po tayo gusto kong iparinig kay Daddy ang nirecord kong piece." Ungot ni Reileen.

Hinaplos ko naman ang mapupula niyang pisngi at hinalikan.

" Sandali lang baby kakausapin ko lang siya." Turo ko sa receptionist na nakataas na ang kilay. Pagbubunutin ko kaya yan isa-isa, de joke lang. Hehehe

Kipkip ang mahalagang papeles na pinapabigay ni Lolo Mauro, hinawakan ko si Rei sa kamay at lumapit ulit ako sa receptionist para makiusap.

" Miss, wala kaming appointment, dadaan lang ako sa boss mo para ibigay tong pinapabigay ni Lolo Mauro. These are important documents that your CEO needs for today." Mahinahong paliwanag ko sa kanya.

" Messenger ka ba? Iwan mo na lang sa akin, ako nang magbibigay kay Miss Nina." Napailing ako.

" Hindi pwede, as I have said these are important documents from the former Chairman, kailangan kong ibigay ng personal."

Tumawa siya ng pagak at nang-uuyam. Hala, may sapak tong babaeng to.

" If I know, isa ka sa mga stalker ni Sir Rui na gusto lang siyang landiin. Kung anu-ano pa yang alibi mo, hindi uubra sa akin. Umalis ka na lang Miss, nasa meeting ang boss ko at si Ms Nina kaya wala kang aabutan sa opisina niya. At hindi din kita papapasukin, baka manggulo ka pa."

Aba! Hinahamon ako ng babaeng to. Kelan pa ako naging stalker at lumalandi sa pangit na Rui na yon? Lumingon ako sa paligid at nagbubulungan na ang ibang empleyado. Nilingon ko naman ang anak kong busy sa ipad niya, sana hindi narinig ng anak ko ang kababawan ng malditang receptionist na to.

Huminga ako ng malalim, I wont stoop down to this poor girl who thinks so highly of her boss for me to stalk. Mangarap silang dalawa! Hmp.

" Miss, hindi ako stalker at lalong wala akong balak landiin ang boss mo. Im here because of these documents, and I need to hand this to him personally as per instructions. And please stop talking non sense because my daughter can hear you!"

" Bumenta na yan! Guard sabi ko palabasin niyo na yang mga yan at mangugulo pa yan dito!" Paniniyak niya at madaling nakalapit ang dalawang guard sa amin. Hinawakan ko ng mabuti si Reileen na halatang natakot. This is insane. Lagot sa akin tong babaeng to. Kung hindi ko lang naiwan ang phone ko sa bahay, eh di kanina ko pa sana natawagan si Nina para puntahan kami. Bwisit!

Nagulat ako ng hablutin ako ng isang gwardya sa braso, nakakapit naman si Reileen sa akin na naiiyak na.

" Huwag mo akong hahawakan, lumayo kayo sa amin, natatakot ang anak ko!" Pagpupumiglas ko sa gwardyang nakahawak.

" Mommy!" Naiiyak na sambit ng anak ko.

" I said get off me. Kapag na trauma ang baby girl ko, lagot kayong lahat sa akin. Call your boss! Tell him Louisa Thea Santillan Ortega and her daughter is waiting on the lobby and being harrased by his own security! Paniniyak ko sa receptionist na nakatulala na pagkarinig ng buo kong pangalan. Narinig ko naman ang mas malakas na pagsinghap ng mga empleyadong nasa lobby. Mukhang nakabawi naman sa pagkagulat yong receptionist na akala mo naman kagandahan, retokada naman. Lord, sorry kung nagiisip ako ng masama sa kapwa pero nagsasabi lang po ako ng totoo.

" Hoy Miss, mangarap ka ng gising, walang asawa ang boss namin! Guard sabi ko ilabas niyo na yang mga yan at nangugulo pa." bulyaw ulit niya sa amin ng anak ko.

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon