LOUIE'S POV" Nay pwede pong makitulog kahit sa lapag lang po ako?" Bungad ko kay Nay Rosie ng pagbuksan ako ng pinto. Tulog na naman na ang kambal at di na nila malalaman na hindi ako sa kwarto ng Tatay nila matutulog.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Nay Rosie pero binuksan naman niya ng maluwag ang pinto at pinapasok ako. Hindi ko nakita si Nay Fely siguro naliligo.
" Abay bakit? Akala ko sa kwarto ka na ng asawa mo natulog kagabi? Ano't makikitulog ka sa amin ngayon?" Takang tanong niya.
" Nay, pinalayas na ako ni Rui kaya, lang pano ako aalis eh nandito ang mga anak ko?"
" Dyaskeng bata! Teka nga at kakaltukan ko." Lagot na, si Nay Rosie talaga mainitin din ang ulo.
" Nay huwag na po, ako naman po ang may kasalanan kaya siya nagalit. Tinulak ko siya kanina sa kama at nahulog."
" Aba'y salbahe kang bata ka. Bakit mo naman ginawa yon?" Minsan talaga iniisip ko na kay Nay Rosie nagmana si Rui ng pagiging bipolar kaya lang di naman sila magkanu-ano, hawa-hawa na lang. Hahaha
" Nainis lang po Nay, alam nyo naman yung isang yun pikunin kaya sinigawan ako at pinalayas."
" Pambihira kayong dalawa, ano kayo bata?!" Pagalit na sigaw niya, ako pa tuloy ang mapapagalitan. Kahit kailan talaga pahamak sa buhay ko ang pangit na yon. Nahinto ang pag-uusap namin ng may marinig kaming mahinang katok sa pinto. Naglakad ako palapit para buksan para lang uminit na naman ang ulo ako.
There outside is the mighty Rui Ortega na nakasando at boxers na at nakahalukipkip. Ginaya ko ang porma niya at tinaasan ko siya ng kilay.
" Bakit ka nandito?" Nakipagsukatan siya ng titig sa akin. Those ocean blue eyes same as my daughter's, they really have beautiful pair of eyes.
Minsan kapag ganyan siya, cold at walang emosyon ang mata ay lumalambot ang puso ko. How can he live this sad? Kaya lang choice naman niya yan, bakit ba ako nag woworry? Hmp...
After the staring game, he sighed.
" Gabi na, matulog na tayo." walang kaabog-abog na sabi niya. So ganun-ganon na lang? Matapos niya akong palayasin at sigawan?
" Pasensya na po Nay, susunduin ko na po ang asawa ko." Biglang kausap niya kay Nay Rosie na nakatunghay sa amin.
" Mabuti pa nga at patulugin mo na yang asawa mo, at nangugulo pa dito." Sagot ni Nay Rosie.
" Nay, bakit niyo kinakampihan ang pangit na to?" Protesta ko pa, pero hindi na sumagot si Nay Rosie at kinaladkad na ako ni Rui palabas, haharap pa sana ako kay Nay Rosie pero pinagsarhan na ako ng pinto. Really? What's happening? Ako na nga ang inapi, ako pa ang walang kakampi? Nakakainis!
" T-teka nga! Hindi ako matutulog dyan sa kwarto mo." Nagpupumiglas na pahayag ko. Ano siya sinuswerte?
" Don't shout, marinig ka ng mga bata. Halika na!" Madiin ngunit mahina niyang saway. Tapos nanghila na naman. Fan ba to si Rui ng mga koreanovela at nakikigaya sa mga hilahan na yan? Nakakasakit na siya ha, kagabi pa!
" Ayoko nga sabi!" Mas malakas akong nagpumiglas kaya nakawala ako sa hawak niya. Hinaplos ko ang braso kong hila-hila niya kanina. Ang sakit, shit talaga tong Rui na to.
" Fine! Sorry kung nasigawan kita. Nahinto ako sa paghaplos ng nasaktang braso at nilingon ko siya ng gulat na gulat. Did I heard it right?
" Naiinis lang ako. Ok na?! " Dugtong pa niya. Hindi naman ako makapaniwalang nag sorry nga siya. Si Rui Ortega, nag sorry? Anong gimik na naman niya?
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...