LOUIE'S POV" R-Rui please l-listen to me. Y-Yung mga pictures walang ibig sabihin yon. Rui makinig ka. Rui please!" pagmamakaawa ko sa kanya.
" You shut up bitch! I dont really care if that pictures were true or not. Just get out of my sight and my life!"
Biglang sumikip ang dibdib ko sa nairinig. Not now! Not now please.
" R-Rui no! Please, buntis ako Rui Im six weeks pregnant!"
Bigla siyang natigilan at napatitig sa akin pero mabilis din yong napalitan ng nagyeyelong emosyon at biglang nilihis ang paningin.
" So? Hindi naman akin yan, baka kay Luke?"
Biglang parang may bumagsak na bomba sa aking harapan. Nasampal ko siya ng ubod ng lakas, hindi ko na napigilan. Ang sakit sakit. Wala siyang karapatang insultuhin ako ng ganito, pero mahal na mahal ko na siya. Hindi niya ako pwedeng iwan! Nakita kong nag igting ang panga niya.
" S-sorry, hindi ko sinasadya. Rui, mahal kita, sayo tong dinadala ko. Walang nagyari sa amin ni Luke sa loob ng hotel. Sinamahan niya lang ako kasi medyo nalasing ako. Hindi naman niya alam ang dorm namin kaya dinala niya muna ako sa hotel. Maniwala ka naman oh. Alam mong ikaw lang, alam mong ikaw ang una."
" Ako nga ang una, pero hindi ko naman alam kung may sumunod pagkatapos natin di ba? Malay ko ba kung nagpagamit ka pa sa iba!"
Para naman akong sinabuyan paulit ulit ng malamig na tubig at may kasama pang bloke blokeng yelo. Paano niya naiisip ang mga bagay na to? Naglakad siya palayo pero hinabol ko siya. Naabutan ko siya at niyakap sa likod. Hindi niya ako pwedeng iwan ng ganito. Pano ang baby ko, baby namin?
" Rui, please. May baby na tayo. Bumuo tayo ng pamilya, masayang pamilya Rui. Please!"
" R-rui?" sabay kaming nanigas sa kinatatayuan namin ng marinig ang boses na yon.
Belle...
Mabilis na kumalas ng yakap sa akin si Rui at dinaluhan agad ang tagaktak sa luhang si Belle.
" B-babe...shhh stop crying. Its not true, the baby isnt mine. Hindi akin yon. Sure ako. Please babe stop crying. Damn it!" natataranta siya habang nagpapaliwanag kay Belle samantalang ako, pinupunasan ang sarili kong luha. Namanhid na nga yata ang buong pagkatao ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Ang sakit sakit. Sobra.
Tinulak ni Belle si Rui at mabilis na lumapit sa akin. Sinampal niya ako ng malakas kaya napabaling ang mukha ko sa kaliwa. Ni ang sampal na yon, di ko naramdaman, mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.
" You whore! Malandi ka! Nagpabuntis ka sa boyfriend ko at kung kani-kanino ka pa nagpapagamit . Ganyan ka ba ka puta?!"
Ano daw? Tama na! Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko sa kanila. Hindi ako masamang babae, nagmahal lang ako at isang tao lang ang minahal ko, at isang tao lang ang pinagbigyan ko ng sarili ko.
Dahil sa halu-halong galit at sakit na nararamdaman ko, nasampal ko din si Belle ng ubod ng lakas. Punung-puno na ako sa babaeng orocan na to! Akala ko noon, mabait siya! Demonyita din pala. Akala niya ba hindi ko alam ang lihim niya? Na nung akala ng lahat na patay na siya ay nagtago siya sa ibang bansa at nagpakasal sa isang mayamang chinese at pagkaraan ng ilang buwan ay namatay yung lalaki at walang nakakaalam kung ano ang totoong kinamatay nito.
Nagulat na lang ako ng may malakas na pwersang biglang tumulak sa akin kaya napasalampak ako sa sahig.
Shit ang baby ko! Bigla akong napahawak sa tiyan ko na parang pinoprotektahan ko ang maliit na baby sa sinapupunan ko.
" You have no right to hurt my girlfriend!" galit na galit na sigaw niya.
Parang nagunaw ang mundo ko ng marealize kong si Rui ang tumulak sa akin. Tiningnan ko silang dalawa ng ubod ng sama, sinigurado kong tatatak yon sa buong pagkatao nila.
" At ako Rui, hindi ba ako nasasaktan ngayon ha? "
Biglang nagbago ang mukha ni Rui, parang may dumaang lungkot na agad ding bumalik sa isang matigas at batong Rui na nakita ko kanina nung sinabi kong buntis ako.Right at that moment na realize ko kung gaano ako katangang nagmahal ng isang tao na sa umpisa pa lang ay alam kong hindi na ako mamahalin. Akala ko, noon merong kami pero simula nung bumalik ang girlfriend niya mula sa hukay ay nabalewala na ulit ako. Parang basurang tinapon pero bago itapon ay niyurakan muna ng paulit-ulit.
" Tama ka! Hindi nga siguro ikaw ang ama ng dinadala ko. I will not wish that my child will have a father like you! Magsama kayo ng demonyita mong girlfriend!!! Both of you should go to hell!"
Hindi niya kami tanggap? Pwes hindi ko din siya kailangan. Kaya kong buhayin ang baby ko ng mag-isa, poprotektahan ko siya sa tatay niyang walang kwenta.
Pinilit kong tumayo. Naaawa ako sa sarili ko ngayon, ni hindi ko maihakbang ang mga paa ko, pero kailangan kong magpakatatag para sa baby ko.
Loving someone is a gamble, you can never obligate that someone to love you back. Thats the sad reality of life.
So, I left the place. I left them. Then I left my heart broken....
" Mhie? Bakit ka po nag cry?" nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin ng baby girl ko. Saglit kong pinunasan ang mga luhang akala ko, naubos na sa loob ng pitong taon. Hindi pa pala.
Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko at nilingon ang isa pang tulog na tulog na. Sa totoo lang punung-puno ng takot ang puso ko. Takot na any moment kung hindi man mawawala sa akin ang mga anak ko ay masasaktan naman sila. Sakit na sa katotohanang lahat ng nakikita nila ay hindi pala totoo. Na hindi naman talaga sila tanggap ng Daddy nila. Na napipilitan lang ito dahil sa Lolo niya. Na wala naman talaga silang buong pamilya. At kahit kailan hinding-hindi ko yon maibigay sa kanila, dahil ang tanging lalaking minahal at minamahal ko ay kailanman hindi ako kayang mahalin.
BINABASA MO ANG
Forever Mine
Storie d'amoreKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...