Chapter 4 ~ The Meet Up

46 0 0
                                    


A/N : Kapag naka italicised po meaning flashbacks yon. As much as I hate flashbacks, kailangan kong i include kasi part ng story. Hehehe. Bear with me luh. Love lots!

LOUIE'S POV

* flashback *

Eight years ago...

Pauwi ako ngayon sa hacienda, its summer and Mommy insisted that I should spend it with them. Gusto ko din namang umuwi namimiss ko na sila ni Daddy.

Mula kasi ng nag-aral ako sa Manila bihira na akong makauwi. I stayed in a dorm. Mommy insisted on buying a house for me in Manila where I can stay, pero ayoko. Gusto kong maging independent kahit ngayon lang, kasama ko naman si Kelly sa dorm. She is my bestfriend and also a sister that I never had because Im an only child.

Hindi ko mamalayan na nasa terminal na pala ako. Bakit parang ang bilis?
Bumaba ako ng bus kasi kailangan ko pang sumakay ng jeep, papuntang hacienda tapos sasakay pa ulit ako ng tricycle.

Aba! Ginusto kong magcommute kahit na pede naman akong magpasundo. Masaya kaya ang mag public transport.Hehehe. For sure pag dating ko ng hacienda hindi ako makikilala ng mga magulang ko dahil puno na ng alikabok at polusyon ang buong katawan ko. Haggard kung baga.

" San Simon...San Simon....maluwag pa, maluwag pa...pasok pasok...San Simon....San Simon....maluwag pa."

Narinig ko ang sigaw ng barker ng jeep. Buti naman naabutan ko ang huling byahe ngayong hapon. Bago mag alas sais siguradong nasa hacienda na ako. Nagmamadali akong sumakay ng nalaglag ang panga ko nang marating ko ang sinasabi ng barker na jeep na maluwag pa. Ngaling batukan ko ang sinungaling na barker.

Saan ka nakakita ng maluwag na ni pwet ko di na magkakasya sa upuan. Wala ng space maliban sa kalahati ng pasilyo ng jeep.

" Oh ganda, pasok na at aalis na ang huling byahe." sabat ng manong barker na kalbo. Grabe si kuya ang kinis ng ulo, ginamitan ata ng floorwax. Eeeww.

Inirapan ko siya. " Manong asan po yung sinasabi mong maluwag? Wala na kayang space. " mwinestra ko pa ang loob ng jeep na punung-puno ng mga walis tambo at mga manok pang nagtitilaok na nakasilid sa mga butas-butas na box. Nakatingin naman sa akin ang ibang pasahero na para bang isa akong alien na kakababa lang ng UFO. Sa ganda kong to alien? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng naka shorts at loose shirt na dahil sa pag ka loose ay nakikita na ang balikat kong flawless, and snickers na matingkad na pink?

"Ganda, maluwag pa ang kalahati ng pasilyo ng jeep, kasya ka pa dyan, ung bagahe mo na lang ang upuan mo o kaya naman maiwan ka dito at hintayin mo ang susunod na jeep bukas." Aba naman talaga at tinakot pa ako. Kulang na ba ang mga jeep sa Pilipinas at kailangang magsiksikan ng ganito?

Tinaasan nya ako ng kilay, nilingon ko ulit ang mga pasahero sa loob. Hindi ko malaman kung anong klaseng expression ang nakabalatay sa mga mukha nila pero parang iisa lang ang ibig nilang iparating. ' huwag ka nang maarte ng makaalis na! ' yon ang mga nasa mukha nila ngayon.

Hala ang galing ko ng magbasa ng expression. Mind reader na ako.

Hindi naman ako maarte. Nakakainis lang tong si manong kalbong makintab ang ulo at sinungaling, buti di nahaba ang ilong. Hmmp.

" Eh manong? Kalahati lang ba ang pamasahe ko?"

" Aba ganda, gusto mong kalahati lang din ng pwet mo ang paupuin ko?"

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon