Chapter 12 ~ Plead

45 0 0
                                    

RUI'S POV

" So why are you drowning in alcohol this time pare?" salubong sa akin ng kaibigan kong si Jake. Matagal ko nang hindi ito nakikita dahil busy din sa mga hotels nila. Simon Jake Montecarlo, the heir to Luxuria chain of Hotels, sought after bachelor, and a certified playboy.

" Im getting married!" blankong sagot ko sa kanya habang patuloy na tumutungga ng vodka.

" Whaat? Anong sinasabi mo? Lasing ka na ata. Tama na yan." pilit niyang hinatak ang baso ng vodka pero nilayo ko yun sa kanya. I have to get drunk para makatulog ako, kung hindi mababaliw na ako. Nilingon ko siya ng masama kaya napataas naman siya ng dalawang kamay at napangisi.

" Im not bluffing."

" Tinamaan ka ba ng arrange marriage effect?! Wala ka namang girlfriend ngayon, di tulad ko na maraming reserve. Sino ang malas na babae?!" biro pa nito sabay tungga din sa baso ng vodka na inabot ng waiter. I miss this dringking buddy.

" Does Louie Santillian ring a bell?" Nanlalaki ang matang tumingin siya sa akin. Sino ba namang hindi makakaalala sa babaeng yon. That scandalous bitch.

" S-si Louie? Ibig sabihin nakita mo na ang kambal niya?!" napakunot ang noo ko.

" How did you know about them?!"

" I saw them, in the church. I was with Mom. Nagkataong nandon din sila. Iniwasan niya ako pare, pero nakita ko pa rin ang kambal mo, and just by merely seeing them, I can say who is the father. Kamukhang-kamukha mo pare, walang tinapon lalo na ang anak mong lalaki pero yung mga mata nila magkaiba. Nakuha ng anak mong babae ang mga mata mo pare!" parang tangang sabi niya habang nanlalaki ang mata. Napakuyom ang kamao ko. Pati ba naman siya natutuwa sa mga taong yon?

" I dont want to hear about them! So shut the fuck up!"

" What?! Akala ko ba kaya mo papakasalan si Louie ay dahil sa mga bata. Bakit parang galit ka pa?!" iiling -iling na sabi nito at tumungga ulit ng isang baso. Kita mo to, mas hastler talaga to sa inuman.

" They are the reason of my misery, bakit naman ako matutuwa sa kanila?"

" Pero bakit kayo magpapakasal ni Louie?"

Kinuwento ko sa kanya lahat. Napanganga siya ng bahagya pero nakabawi din.

" Bakit mo idadamay ang mga bata sa galit mo? Wala silang kinalaman sa ka miserablehan mo. Pinili mong paniwalaan kung ano lang ang piniling makita ng mata mo at pinakinggan ang piniling pakinggan ng tenga mo. Nagpadaig ka lang sa galit at selos pare!"

" Fuck you! Bakit ako magseselos? Galit ako dahil nawala si Belle sa akin ng dahil sa mga taong yon!"

" Walang kasalanan ang mga bata!"

" Kasalanan nilang nabuo sila!"

Isang malakas na suntok ang natanggap ko. Hindi ako nakailag dahil nagulat ako.

" Gago ka! Naririnig mo ba yang pinagsasabi mo? Wala kang kwentang tatay! Wala kang karapatang maging tatay nila! Gago ka, wag ka munang magpapakita sa akin at baka hindi kita matantsa!" galit na galit na sabi niya habang humahangos pa. Iniwan niya akong nakasalampak sa sahig habang nakasilip ang mga waiter sa inookopa kong private room nitong bar.

Pinahid ko ang nalalasahan kong dugo sa gilid ng labi ko at pinagbabato lahat ng mahawakan ko.

F* uck those people, ngayon pati kaibigan ko mawawala ng dahil sa kanila. Napakuyom ang kamay ko.

You made my life like this.

I will not make your life easy.

Mark it!


Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon