LOUIE'S POV
" Strike ba ngayon? Asan ang mga teachers?"
Nilibot ko ang paningin ko pero ilan lang talaga ang nakikita ko, kahit mga estudyante eh wala akong nakitang pakalat- kalat, hindi pa naman oras ng klase. Teka....nakita kong papalapit sa faculty room ang isa sa mga co teachers ko.
" Maam Kris? Saan po ang iba?"
Parang kinikiliting bulate naman na impit na tumili ang kausap ko. Siya ang hastler sa Math sa lahat ng mga teachers dito, dalaga pero kung umasta parang bakla.
" Naku! Maam Louie nandoon karamihan sa anex, sumisilay sa dyos ng kagwapuhan, halika sumama ka! Dali!"
Halos kaladkarin naman ako nitong babaitang to, anong dyos ng kagwapuhan ang sinasabi nya?
Natampal ko ang noo ko ng makuha ko kung ano ang sinasabi nya. Nagsisimula na pala ang construction ng bagong building sa anex , at ang dyos ng kagwapuhan na sinasabi nya?
Sino pa ba? Tsss, eh puro kasungitan at kasamaan ng ugali yan eh.
Pero...hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Naalala ko yung tagpo sa opisina ng Ortega Constructions. Alam ko kasing nasulyapan niya si Rai ng sandali. Sana nanlabo ang mga mata niya nung time na yon para hindi niya gaanong nakita ang mukha ng bata, dahil kung nakita man niya, isang titig lang alam mo na kung sino ang ama. At kapag tinangka niyang kunin sa akin ang mga bata, magkamatayan na pero makukuha lang niya ang mga anak ko kapag isa na akong malamig na bangkay!
" Maam Louie nandito ka lang pala kanina ka pa po pinapatawag ni Madam Reyes." sabat ng hinihingal na estudyante. Naputol ang aking pag iisip at nang lingunin ko yung estudyante ay nginunguso na ang kinaroroonan ni Madam Reyes na ang lawak ng ngiti habang kausap ang gwapong mama. Anla si Madam, tanders na nalandi pa!
" Hoy, Maam Louie tawag ka daw ni Madam Prinicipal!"
Untag naman ni Maam Kris.
" Oo, wait lang excited?!" impit namang napapatili si Maam Kris habang tinutulak-tulak pa ako. Tsk! Ang laki ng mga problema ng mga tao ngayon, bihira na nga lang makakita ng gwapo, nang biyayaan pa sobrang sungit naman at sama ng ugali.
Nilingon ko naman ulit ang kasabay kong maglakad na si Mam Kris na hindi magkandaugaga sa hawak na pocket mirror. Akala nya siguro may fairy godmother sa loob ng salamin na yon na kapag tinitigan ay papagandahin pa siya.
" Maam Kris itago mo nga yang hawak mo at tumingin sa dinadaanan mo baka madapa ka at lalong mawalan ng pag asa kung ano man yang pinagkakaabalahan mong i enhance!" nilingon nya ako ng masama at iningusan pero tinago din naman ang hawak na salamin at pa demure na inipit ang buhok sa likod ng tenga. Napailing na lang ako. Hanggang ngayon , ganito pa rin talaga ang epekto ni Rui sa mga babae, mukhang tumindi pa nga yata.
Tssss...
" Oh nandyan ka na pala Ms Santillan, kanina pa kita pinapahanap, nagsisimula na kasi ang constructions at nandito mismo si Engr. Ortega para mag supervise."
" Good morning po." yumuko ako ng bahagya at nagbigay galang pero hindi ko tiningnan ang lalaki sa aking harapan.
Napunta ang paningin ko sa walang puknat na ngiti ni Madam Reyes pati na ang mga kinikilig na mga babae sa paligid, kapwa mga guro, may asawa o wala pati mga batang estudyante at bakla ay nagkukumpulan at nakiki osyoso sa gwapong mama sa kanilang harapan. Ang mga lalaking teachers naman ay mga nakaingos at walang magawa na para bang pinagbagsakan sila ng langit at lupa.

BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...