LOUIE'S POV
" Narinig mo yon ganda? Wala siyang pakiaalam kung mamatay ka tapos ikaw nagpapakahirap na makauwi ng ligtas. I pity you, maganda ka pa naman, hindi ka naman mahal ng asawa mo!"
Those words kept repeating in my mind for hours now.
Sukat ba namang ipagduldulan sa pagmumukha ko ng panget na kidnapper na yon na hindi ako mahal ng asawa ko?
I was actually awake for a couple of minutes now kaso nagpapanggap akong tulog kasi naman sa lahat ng taong pwedeng bubungaran ng mata ko ay ang natutulog at nakayupyop na Rui pa ang maabutan ko.
Akala ko ba wala siyang pakialam kung mamatay na ako? Bakit siya ang nagbabantay sa akin ngayon?
Kung wala lang benda ang kanang kamay at kaliwang binti ko ay kanina pa ako nagpalipat ng ospital dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ng Rui na to!
Kumusta na kaya ang kambal. Siguro naman ay maayos silang nakauwi sa bahay.
Nag-iinit ang sulok ng mata ko kapag naalala ko ang sobrang takot ko na mapahamak sila. I cannot afford to loose my twins.
Napalakas ang hikbi ko dahilan para magising si Rui.
" H-hon?"
Hon honin mo yang mukha mo!
I saw relief in his handsome face when he saw me awake.
" Y-your awake! May masakit ba sayo? Why are you crying?" may himig ng pagaalala sa boses nya. Totoo ba yon?
Sa halip na sagutin ang tanong nya, I asked for the twins.
" They are safe in the house. Binabantayan sila nina Nay Rosie kasama si Lee at si Lolo." I felt relieved.
"How are you feeling?" He worriedly asked. Is he for real?
" I want to go home." I flatly said.
" Hindi pa pwede. You suffered arm and leg fracture due to your fall. You need to stay in the hospital for the meantime for some more tests."
" I want to go home." Gusto ko na talagang umuwi. Ayoko dito, malulungkot lang ako na hindi ko kasama ang mga bata.
" Louie.."
" I said I want to go home. End of discussion."
I heard him sigh.
" How hard headed can you be?" He frustratingly said with creased eyebrows.
Hindi ako magpapatalo sa paggagalit-galitan niya! Sobrang nagtatampo din ako kahit wala naman akong karapatang . Paano niya nagawang ipangalandakan sa harap ng kidnapper na yon na wala siyang pakialam kahit pa mamatay na ako sa harap niya! Bwesit siya!
" How deaf can you be? I said I want to go home!" Matigas kong sabi.
" You need to stay in the hospital!" Sigaw niya pabalik.
" I know myself, pwede akong magpagaling sa bahay. Ayoko dito sa ospital!"
Giit ko sabay iwas ng tingin. Narinig ko siyang napabuntong-hininga.
" If you are sulking because of what you heard earlier with the kidnappers..."
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. " I am not sulking! Bakit naman ako magtatampo kung totoo naman lahat ng lumabas sa bibig mo?" Labas sa ilong kong pahayag.
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...
