Chapter 17 ~ Flashback Part 1

31 0 0
                                    


A/N : Kinikilig naman ako, kahit paano may mga views and likes na. Thank you ng marami. #ALDUB fan here!

Short update dahil hindi ko ma copy paste...hehehe...

Update ko na din yung karugtong next.

RUI'S POV

Naalimpungatan ako ng may marinig akong mga ingay na nag uusap sa baba. Tumingin ako sa relo sa side table, 1 am in the morning? Ano bang meron. Naalala ko naman ang babaeng yon, bakit ba ang sungit niya? Masyadong sensitive, akala niya siguro di ko napapansin ang mga pag irap niya sa akin kanina which I find really weird dahil natutuwa ako kapag nahuhuli ko siyang umiirap, namumula ang mukha tapos mag papout. Parang bata!

Naputol ang pagiisip ko ng biglang lumiwanag ang paligid at sinundan ng napakalakas na kulog. Ano bang nangyayari?

Out of curiosity, I went out off bed with my boxers and white shirt and went to the living room where all people are there including my bodyguard Lee. Tita Ysabelle is very frantic at nakita kong nagsuot ng jacket si Tito Thud at akmang lalabas tapos umiyak ng umiyak na si Tita.

" Tito Thud! What's happening? Napansin ko pang sabay-sabay silang nagtinginan sa akin. Biglang yumakap si Tita Ysabelle sa akin at iyak ng iyak.

" Iho there's a strong typhoon coming, hindi nakapag abiso ang PAGASA ng maaga, now we have to save all the mangoes we can save, ang problema masyado nang malakas ang ulan, nandon na ang mga tao ng hacienda pero si Louie, she insisted on helping, ngayon nawawala siya, she went to the other side of the river."

Mas humagulhol ng malakas si Tita sa dibdib ko. Napakuyom ako ng kamay, kahit kailan disgrasya ang dala ng babaeng yon.

" Lee, get dress, pupunta tayo ng manggahan." humigpit ang yakap sa akin ni Tita Ysabelle.

" No iho,  ako na lang ang pupunta, baka mapano ka pa, ako ang malalagot sa Lolo mo." pagtutol naman ni Tito Thud, but I doubt na kaya nya pa, Tito Thud maybe a strong lean man at his age pero may highblood siya.

" No Tito Thud, you stay here, ako na lang po ang maghahanap, kasama ko naman si Lee, dont worry." hindi ko na hinintay ang sagot ni Tito Thud, hinalikan ko sa noo si Tita Ysabelle at nagbihis na. These couple had been nice to me, I have to return the favor.

Nagmadali kami ni Lee makapunta ng manggahan, iilang tao na lang ang nandoon at may mga dalang malalaking emergency lights at inaayos ang mga naaning mangga sa kamalig na malapit. Nakita ko si Kabo Mando na nangunguna sa kanila kaya lumapit ako. Halata mo ang sobrang pag-aala sa kanya sa kabila ng dilim at lakas ng ulan.

" Tay Mando nasan po so Louie?" napakamot siya ng ulo bago sumagot.

" Senyorito Rui, nasa kabilang ilog po, don po kasi marami ang naaning mangga, sumama siya sa iba at pinaiwanan na ako dito kasi hindi ko na daw kayang tumawid ng ilog sa ganito kalakas na ulan. Ang batang yon talaga napakatigas ng ulo!" napakunot ang noo ko. Kabilang ilog?

My gaze auromatically went to that river, I clenched my jaw. The current is so strong and only that old bridge that is made of wood and ropes are connecting us from the other side.

Damn that stupid woman!

" Tay Mando pabalik na po yung mga nasa kabilang ilog." a boy shouted that made our gaze shifted on the other side of the river. True to his words, some men carrying sacks were paving their way back. People started to run near the bridge to help the others. Pero nasaan ang babaeng yon?

" Nasaan ang Señorita Louie nyo?" tanong ni Tay Mando. Nanlaki naman ang mata ng lalaki at napalingon sa likod.

" K-Kabo, k-kasunod lang po namin siya kanina." kinakabahang sagot ng lalaki.

" What the hell?! " mukhang nagulat silang lahat sa outburst ko. The hell I care. " Kung kasunod niyo siya sana nandito na din siya sa harap nating lahat. Nasaan ang Señorita nyo?! "

" S-señorito, pasensya na po, h-hindi ko na po napansin na hindi na siya nakasunod. " hinging paumanhin nung lalaki. Nasabunutan ko ang sarili ko. Damn! Anong sasabihin ko kina Tito Thud nito?

" Ahhhh...si Señorita!!!!" malakas na sigawan ng mga natirang kababaihan. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong tinatangay ng malakas na alon ang katawan ng isang babae kasama ng pagbagsak ng tulay.

" F*ck! " parang automatic na kumilos ang katawan ko para abutin yung mahabang lubid na nadaanan ko at ipulupot sa katawan ko. Naririnig ko ang mga sigawan, may mga ilang pumipigil sa akin pero hindi ko pinansin. Nangako ako sa mag asawa na ibabalik ko ang anak nila. Naramdaman kong may humawak ng kabilang dulo ng lubid.

Si Lee! Tinali niya ang kabilang dulo sa puno ng mangga at tinanguan ako. I nodded back, alam kong ayaw niya ding gawin ko kung ano ang nasa isip ko, but knowing Lee and he knowing me, alam kong alam niya na hindi niya ako mapipigilan.

I inhaled heavily as I focus my eyes on that stupid woman fighting for her life.

You owe me this honey! You owe me your second life. And that makes you mine...


Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon