Chapter 13 ~ New Home

47 1 0
                                    

LOUIE'S POV

" Ay putang ina, anak ka ng tinapa!" napahampas ako sa lababo habang naggayat ng malaking talong na i totorta namin ni Nay Fely para sa hapunan. Napaigtad si Nay Fely.

" Susmaryosep kang bata ka bakit ka ba nagmumura dyan?!"

Para na akong maiihi na ewan, bwesit na talong na to! Bakit hindi ko yun naisip?! Ang tanga tanga ko talaga.

" Nay, di ba pagkatapos ng kasal may honeymoon?"

Inosente ko pang tanong. Baka naman hindi lahat.

" Abay, oo naman iha, bente syete ka na, hindi mo pa yan alam?" Iiling-iling pa na sabi nito habang pinagpapatuloy ang pag bate ng itlog.

Oh to the Em to the Gee! Gagawin ba sa akin ni Rui yon?!

Umiling ako ng ilang beses, ngali ngaling iumpog ko pa ang ulo ko sa lababo.

Hindi naman siguro. Oh shit!

No! Kahit gusto ko...ay gaga!!! HINDI pwede!!!!!!!!

Binitiwan ko ang hawak kong kutsilyo at parang tangang naglakad ng pabalik balik sa maliit naming kusina. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at parang sira ulong pinagkikiskis yon ng paulit- ulit.

Hindi kami normal na mag-asawa kaya hindi din namin gagawin yon! Tama!!! Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

" Ano bang nangyayari sayong bata ka, tumigil ka nga at bilisan mo na dyan sa talong at ng mailagay ko na sa kawali."

" LOUISA THEA!" pareho kaming napaigtad sa sigaw ni Nay Rosie.

" Ano ba yang si ate Rosie at kung makasigaw ay parang may kalaban!" pinatay ni Nay Fely ang kalan at sabay kaming lumabas ng naka apron. Kulang ang salitang nagulat sa nakikita ko ngayon. Iniisip ko pa lang siya kanina bakit nandito na agad siya!!!

" A-aray , Nay, bitaw ang s-sakit. A-aw!" daing ni Rui. Hulaan nyo kung ano ang nangyayari. Napatawa ako. Si Rui, pingot pingot ni Nay Rosie at namimilipit sa sakit.

" Damuho kang bata ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita?!" galit na sigaw ni Nay Rosie.

" Louie, pigilan mo! A-aray. NAY NAMAN EH! Louie ano ba?!" hinging saklolo nito kaya lumapit na ako. Eh wala eh, maaawain ako.

" Nay, tama na po yan...A-aray ko Nay, bakit pati ako? A-aaw. NAY!"

Ayan, gusto ko lang naman umawat, pero pati ako pingot pingot na ni Nay Rosie kaya eto pareho kaming napapa aray at hindi makagalaw.

" Isa ka pang bata ka! Anong sinasabi nitong lalaking to na kasal na kayo ha?! Bakit hindi ka nagsabi sa akin?! FELY! Kunin mo nga yang dos por dos sa kusina at nang maihampas ko sa pwet ng mga pasaway na batang to!"

" Ate itigil mo yan ano ka ba, nakikita ka ni Rai at naririnig ka ni Rei!" Bitawan mo na sila! Ate!!!"

Nilingon ko ang gilid ng hagdan at totoo nga. Nandoon si Rai sa gilid ng hagdan at hawak nito ang kapatid na nakahawak sa likod at parang natatakot!

" Lola Nanay, nasasaktan na po si Mommy, bitaw na po please!" pakiusap ng maliit na tinig ni Rei. Para namang magic word yon at binitiwan nga kami ni Nay Rosie.

Grabe talaga si Nanay Rosie, nakakatakot. Remind me not to make her angry again.

" Shit ang sakit!" sigaw ni Rui.

" Tumahimik kang bata ka! Wag kang magmumura sa harap ng mga anak mo at baka ihambalos ko talaga sayo yung dos por dos sa kusina."

Mabilis kong dinaluhan ang kambal ko. Alam kong narinig nila ang sinabi ni Nay Rosie at matalino ang mga anak ko para hindi maintindihan yon.

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon