LOUIE'S POV" Iha ang aga mo naman atang nauwi?" salubong na tanong sa akin ni Nay Rosie. Napatingin ako sa relong pambisig, it's only 11 in the morning kaso sobrang sakit ng ulo ko kaya nagpaalam muna ako sa school. Buti na lang may nag sub sa subject ko kaya umuwi na lang ako. Nagmano muna ako kay Nay Rosie bago ko ilagay sa center table ang gamit ko.
" Medyo nahilo po kasi ako kanina Nay, tsaka masakit po talaga ang ulo ko."
Sinong di sasakit ang ulo kung magdamag akong gising at umiyak. Nakakaasar talaga ang lalaking yon, siya nanaman ang dahilan.
" Abay gusto mo bang ipagluto kita ng sopas? O gusto mo munang matulog?" nag-aalalang tanong niya.
" Medyo ok na naman po ang pakiramdam ko Nay. Enough pa po ba ang groceries natin, plano ko pong mamili ngayon sana. Umuwi lang po ako para tanungin si Yaya Lagring kung ano pa ang mga bibilhin." naupo ako saglit. Damn this headache.
" Ano ka ba namang bata ka, hayaan mo na. Kami na ni Lagring ang bahala sa mga bagay na yan."
" Nay naman, alam mo naman pong nakikitira lang tayo dito. Kailangan ko din namang mag share sa gastusin. Yung groceries na nga lang po ang naiisip kong ambag. Nakakahiya naman po kung pati yon iaasa ko pa sa mag lolo. Nasan nga po pala si Rei?" nagpalinga-linga ako. Its unusually quite, not unless wala ang baby girl ko.
" Naku! Sumama kay Arthur, susunduin si Railey sa school. Yang anak mo excited na talagang pumasok sa school ni Railey, aligaga palagi." Rei is currently under home school. Wala namang problema kasi matalino ang anak ko, hindi lang siya naipasok dahil sa kalagayan niya noon, but now she can go to school normally already, but its already mid school year so next year pa siya pwedeng mag enroll. With her IQ, kahit makulit, Im quite sure she will be accelerated to his brothers primary level.
" Louie iha, bakit ang aga mo ata?" nakita ko si Yaya Lagring na papalapit sa amin at naka apron. Nagluluto ata ng tanghalian.
" Mano po, nahilo po kasi ako at sumakit ang ulo ko kaya nagpa sub po muna ako."
" Abay ganon ba, magpahinga ka na kung ganon." nag-aalala ring turan ng matanda. I may not be lucky with my jerk of a husband but I have been blessed with caring people around. Napabuntong hininga na lang ako.
" Ok na po ako. Umuwi po ako para hingin ang listahan ng grocery items. Ako na po ang bibili pagkadating ni Arthur galing school."
" Hindi na kailangan iha, kami na ni Rosie ang luluwas bukas." Gaya ng pagtanggi ni Nay Rosie, tumanggi din si Yaya Lagring but I have to do this, ayoko namang maging pabigat kami though hindi mararamdaman ng mag Lolo sa sobrang yaman nila, iba pa din ang dating sa akin kung nakikitira kami tapos wala man lang share sa gastusin.
" Ako na lang po Yaya. Isasama-
" Sama po kami ni kuya Mommy!!!"
Napalingon ako sa matinis na tili ni Rei. Hyper nga ang baby girl ko. Nagulat pa ko ng pumasok si Lucas kasama si Rai na bitbit pa ang school bag. Nakangisi na naman ang loko!!! Asar talaga, buti wala ang isa pang loko." Luke!!! Ikaw ang sumundo sa mga bata?" humalik ang mga anak ko sa akin at naupo sa sofa, merong kinakalikot si Rei kaya busy, si Rai naman hawak ang ipad. Tsk... Mukhang may ginawa na naman ang magaling na lalaki. Ang husay mag spoil!!! Bumati muna siya sa dalawang matanda bago ako binalingan. Bumalik naman na sina Nay Rosie sa kusina.
" Dinaanan ko talaga si Rai sa school, I didnt expect Rei was there too, kaya dinaan ko muna sila sa mall!" magmamalaki pang sagot nito. Napapikit ako ng mariin.
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...