LOUIE'S POV" Hey wait up!" Nakakaasar talaga ang lasenggerong to. Ang bilis namang maglakad, hinihingal na ako! Mabato pa naman ang dinadaanan namin.Grabe deadma pa din.
" I said wait up!"
Aba! Hindi lang pala lasenggero, bingi pa. Sa sobrang inis ko, hinubad ko ang ipanema slippers ko at binato ko sa kanya! Hahaha...sapul! Bleh!
Nilingon nya ako, at...
Opsie! Parang gusto ko ng tumakbo sa sobrang dilim ng aura nya at nakatiim bagang pa. Kung di lang nakasuksok ang mga kamay nya sa bulsa ng kargo shorts nya malamang nakakuyom na din ang mga ito. Napipilan naman ako at napaatras ng konti habang humakbang naman siya palapit.
" What the hell woman?!" Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses nya. Parang may leon na biglang umatungal sa harap ko. Shit!
" Don't shout at me! Ikaw naman ang may kasalanan. Kung sana nakikinig ka sa akin di hindi kita binato. Buti nga sayo!" siyempre kailangan mukhang matapang din ako. Ano siya sinuswerte, akala nya titiklop ako sa kanya? Kahit sobrang gwapo nya na halos nalaglag na lahat ng dapat malaglag sa akin kanina pa, no way in hell that I will let him see that Im afraid of his wrath. Kung masungit siya, matigas naman ang ulo ko.
Nag- igting pa lalo ang panga niya na parang anumang oras ibabato nita pabalik sa akin yung ipanema slippers ko.
" Ikaw ang mabagal. Aabutan tayo ng matinding sikat ng araw. Kaya kung ayaw mong masunog, bilisan mo!"
" Ang sungit mo! Pwede naman kasing gumamit ng sasakyan bakit kailangang maglakad."
" Such a stubborn woman. If you dont want to go, then go back. No one is stopping you!" akmang tatalikod na siya ng hinabol ko siya at pumantay ako sa lakad niya.
Hmp! Kaya naman palang maglakad ng mabanggal, nagmamadali pa.
" Ayoko ko nga, kukurutin lang ako ni Nay Rosie sa singit. Kailangan kong sumama kung hindi wala din akong masarap na meryenda no."
Totoo naman kasi. Pinasama ako ni Nay Rosie para daw malaman ko din ang kalagayan ng hacienda at kapag hindi ako sumama wala akong masarap na meryenda. Kakainis talaga si Nay Rosie laging panakot sa akin ang pagkain, kahinaan ko yon eh.
Nilingon ko si Rui, haiz bakit ba parang ang lalim na naman ng iniisip niya?
" So bakit ka naglalasing sa gabi? Bakit ka nandito sa hacienda namin? Anong ginawa mong kalokohan? Graduate ka na ba? Ako pharmacy, 1 year na lang graduate na din ako pero gusto ko maging nurse, but I also want to be a teacher pero hilig ko ding mag bake. Ikaw? A-..."
" Will you shut up. Your too noisy and loud!" mainit ang ulo ni koya?
" Ang sungit mo, para nagtatanong lang." Napanguso ako. Huminto naman siya sa paglakad at igting pangang lumingon sa akin.
Ang gwapo pa rin talaga. Its like, I will never get tired of looking at his ocean blue eyes. Gusto kong makakita naman ng ibang emosyon sa mga matang yan, parang nagkaroon ako ng inner task na palitan ng ngiti ang lungkot sa mga magaganda niyang mata. Hehehe.
" Its not my obligation to talk to you or to answer your questions so shut up! If your flirting with me like every other girl here using crap talking, its not working. Im not interested, especially to someone like you! Spoiled brat!"
Natulos ako sa kinatatayuan ko. I did not see that coming. Alam kong masungit siya pero ang insultuhin ako ng ganon?
I can slowly feel the stabbing pain in my heart. Shit! No!
Flirting? Huh! Neknek mong lasenggo ka!
" Eh di wow, ikaw na ang judgemental. Kung ayaw mong kinakausap ka, maglagay ka ng note sa ibabaw nyang makitid mong noo. Dont worry, if talking means flirting to you, then expect me not to talk to you anymore! Hindi naman kita type! Pangit!" bago ako tumalikod at tumakbo, nakita ko pang natigilan siya at parang lumambot ang expression ng mukha niya. I dont care anymore.
Then I noticed the lone tear that escaped my eyes. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Shit! Hindi pwede! Be still my heart. Hindi pwede!
Nakarating ako sa sentro ng manggahan at naabutan ko ang mga tauhan ni Dad na binabalutan ng dyaryo ang mga bunga para hindi ito uudin. Sinalubong ako ni Nay Fely, siya ang nakababatang kapatid ni Nay Rosie at dito siya sa manggahan nagtatrabaho. Magaling din magluto si Nay Fely kaya close kami. Hehehe.
" Good morning everybody!" masigla kong binati ang lahat kaya napalingon naman sila sa akin.
" Magandang umaga din po senyorita!" akmang lalapit sila sa akin pero pinigilan ko na, titindi na kasi ang sikat ng araw kaya kailangan na nilang matapos ang pagbabalot.
" Naku, ok lang po, ituloy nyo lang po ang ginagawa nyo." Ngumiti naman silang lahat at nagsibalik sa trabaho pero si Nay Fely ay lumapit pa din. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Na miss ko si Nay Fely, siya kasi ang kakampi ko pag pinapagalitan ako ni Nay Rosie.
" Aba iha ang ganda mo lalo! Kamusta ka na anak?" oh di ba kaya close din kami kasi sobrang honest niya.
" Salamat po Nay Fely, mabuti naman po kayo po?"
" Naku mabuti naman anak, teka nasaan si Senyorito Rui? Akala ko sabi ni ate Rosie ay magkasama kayong pupunta."
" Nilapa na po ng mga hantik sa daan."
" Ano kanyo?" Napanguso ako. Hindi gets ni Nay Fely ang joke ko. Naiinis pa din ako sa lalaking yon.
" Ang bagal po kasing maglakad kaya inunahan ko na!"
" Ganon ba? Napangiti naman siya ng may natanaw ata sa likuran ko.
" Oh eh ayan na pala ang gwapong bisita ng hacienda Ysabelle." Tudyo ni Nay Fely. Ayokong lumingon kasi alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya. At ito namang si Nay Fely nagningning na ang mga mata. Nakalimutan na agad ako. Tsk.Lumapit ako sa kinaaakyatang puno ni kabo Mando, siya ang tagapangasiwa ng mga trabahador dito.
" Tay Mando, pwede po akong tumulong magbalot." nakatingalang sigaw ko.
" Naku senyorita, baka mahulog po kayo."
" Tay Mando, nakalimutan nyo na po bang kayo ang nagturong umakyat ng puno sa akin. Kering keri ko po yan. Sige na po." nag pa cute pa ako lalo. Alam ko namang di niya ako matatanggihan kasi spoiled din ako sa kanya. Hehehe.
Kakamot- kamot na bumaba si Tay Mando at inabot sa akin ang punpon ng dyaryo. Hahaha. I won and i knew it.
" Salamat po, pahinga po muna kayo."
" Mag- ingat po kayo Senyorita."
Nagsimula na akong umakyat ng mangga ng nasa kalagitnaan pa lang ako ay nadinig ko na ang sigaw ni Nay Fely.
" Abay, ano ka ba namang bata ka, bumaba ka dyan at kapag nahulog ka naku lagot ako sa mga magulang mo. " I chuckled, nilingon ko si Nay Fely na parang matatae na sa nerbyos. Di din nakaligtas sa akin ang bulto ng lalaking katabi niya na nakatingala din. I cant see any expression on his handsome face, pero na magnet na naman ako sa mga mata nya.
Ipinilig ko ang ulo ko kasi ramdam ko na naman ang kabog ng dibdib ko. Ano ba heart, bakit maligalig ka ngayon?
" Nay, di po ako mahuhulog, hinding hindi!"
BINABASA MO ANG
Forever Mine
RomanceKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...