Lets have a break, have a kitkat.😅
Naumay na akong mag-aral...ang dami mga bes kaya mag update na lang ako.LOUIE'S POV
Pawis na pawis akong dumating sa bahay dahil naglakad lang ako mula gate ng village hanggang dito. Ayoko na kasing magpasundo kay Arthur nakakahiya naman at kakasundo lang kay Rai sa school. Napagtripan ko ding mag jeep kasi ang tagal na nung last akong nag commute tsaka exercise din naman to.
Hindi naman kasi kalayuan ang bahay mula sa entrance ng village na pinagbabaan ko. Yun nga lang takang- taka ang mga guards at nag insist na ihatid na lang ako ng patrol car at baka daw mapagalitan pa sila. Eh? Bakit naman sila papagalitan? Minsan magulo din kausap ang mga tao dito.
Napaawang naman ng labi ang dalawang guwardiya sa tapat ng bahay nung nakita ako at natarantang pinagbuksan ako ng pinto.
" Maam, bakit po kayo naglakad? Tumawag po sana kayo para napasundo namin kayo kay Arthur." Takang tanong ni Mang Dan, isa sa mga matatapat na gwardiya ng mansyon.
" Ah eh..Mang Dan, gusto ko pong mag exercise eh." Napakamot naman ng ulo si Mang Dan at tinulungan na lang akong bitbitin ang dala kong cupcakes galing sa cakeshop.
Napansin ko ang nakaparadang sasakyan ni Rui sa labas, kararating lang siguro kaya hindi pa naipapasok sa garahe pero bakit naman ata ang aga niyang umuwi ngayon? Nagkibit balikat na lang ako at tuluy-tuloy na naglakad papasok.
Hindi pa man ako nakakapasok ng tuluyan ay naririnig ko na ang ingay mula sa living room. Mukha yatang nandito ang lahat pati sina Lolo Mauro at Yaya Lagring at Nay Rosie at ang ibang kasambahay ay may pinagkakaabalahan.
Unang nakapansin sa akin si Rei at agad ma nagtatakbo palapit sumunod naman si Rai at sabay na humalik sa akin.
" Mommy, thank you for the baby sister. Papa God answered our prayers already!" Excited na sambit ng baby girl ko. Pero anong baby sister ang sinasabi niya?
Nagulat ako ng masigla akong hinila ng dalawa palapit sa sofa kung saan nakaupo si Rui at may hawak na baby. Nakangiti siyang bumaling sa akin kaya nakita ko ang mukha ng sanggol na kalong niya. Napasinghap ako sa gulat ng makilala ko kung sino yung sanggol.
" R-rui a-akala ko ba napunta siya sa DSWD? Bakit nasayo yung baby?"
" Sa atin na siya Mhie, sabi ni Daddy, she is our little sister."
" Yup, we have a baby sister!" Masayang segunda naman ni Railey. I can see how ecstatic the twins are pero ayoko silang umasa.
" Rui, anong sinasabi ng mga bata?" Nakita kong sinulyapan ni Rui ang kalong niyang baby at humarap sa akin.
" She will stay here for the mean time until I fix those responsible for her human traficking case."
" What? Anong human traficking? Did she-" Napasinghap ako at dinaluhan ang baby at si Rui na nakaupo sa mahabang sofa. I want to carry her. Oh my God!
" Aksidente naming nakita ni Lee ang pagbenta sa kanya ng isang lalaki sa isang foreigner malapit sa pantalan kanina. I was suspicious when I saw them so I asked Lee to stop the car then I saw the other guy handling money to the other, that's when we interrupt. I was also surprised when I saw the baby. I recognized her immediately. We were there when she was born afterall. How can I forget?" Mahabang paliwanag nito.
Marahan kong hinaplos ang mukha ng natutulog na baby. She is so pretty.
" Ibig mong sabihin tayo muna ang mag-aalaga sa kanya?"
" We cannot trust anybody especially when we thought that she is safe with the DSWD and this happened."
"But Daddy you said, she is our baby sister. You will not give her back right? Dito na siya sa atin di ba?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Reileen sa Daddy niya.
" But sweetheart-"
" No! Dito na siya titira, you will not give back our baby sister! Ayoko Daddy, ayoko!" Palahaw ni Reileen, mabilis naman siyang dinaluhan ni Railey at inalo. Hindi ako makagalaw dahil hawak ko ang natutulog na baby. Naawa ako sa kambal ko.
" Dad please dito na lang siya sa atin. Rei and I promise to take care of her. Don't make my sister feel upset. Please Dad!" Pakiusap ni Railey sa ama. Nakita kong napasulyap si Rui kay Lolo Mauro. Nagkibit balikat lang ang huli at masuyong sumulyap sa baby na karga ko.
Rui just sighed in defeat.
" I will try my best to settle the adoption."
Malakas na napahiyaw at napatalon ang kambal kasabay ng mga kasama namin sa bahay. Kung hindi ko nga lang din hawak ang baby ay pati ako napatili din.
Biglang umungot ang bata at umiyak ng mabilis at natulog ulit. Hahahaha...such a cutie. Sobrang saya ko pati ng mga anak ko. May baby na ulit sa bahay! Oh my God!
" Thank you Daddy! Your the best Daddy in the whole world!" Hirit pa ni Reileen. Napatawa naman kaming lahat ng sabay na pugpugin ng halik ng kambal ang Daddy nila.
For the first time in seven years I heard Rui laughed genuinely and it warmed my heart. Sakto namang lumingon siya nung tinitigan ko ang masaya niyang mukha.
In normal circumstances, I should have avoided his gaze but not when Im happy. He made me happy today so I mouthed thank you. His blue eyes widened and I saw his cheeks blushed. Hahaha cute!
Ladies and gentleman I made Rui Ortega blush!
Narinig ko siyang tumikhim at nagbaling ng atensyon sa kambal. Nagkibit balikat na lang ako at pinagmasdan ko ulit ang natutulog na baby.
" Lets give her name babies. What do you think?" Masiglang anunsyo ko sa kanila!
" I have! I have!" Masiglang taas ng kamay ni Rei.
" Ako din meron!" Ungot din ni Rai.
" Yes sweetie? What name do you have in mind?"
" Theonne!"
" Rhian!"
Sabay na sigaw ng dalawa. Napangiti ako at sinulyapan ko si Rui na tumango lang sa akin.
" Theonne Rhian Ortega. Nice name." Pagsang-ayon ni Rui.
" Theonne Rhian it is." Masayang sambit ko. Mabilis na lumapit sa akin ang kambal at sinilip ang bago nilang kapatid.
" Hi baby Rhian, Im your Ate Rei."
" And Im your Kuya Rai."
" Welcome to the family!" Chorus pa nilang sabi na nagpatawa sa mga tao sa bahay.
Theonne Rhian..God's perfect blessing.
RUI'S POV
" What are you planning Rui? Why the sudden change of heart?" Nilingon ko si lolo na tumabi sa akin. I will not be surprised with this conversation. Siguradong nagdududa na din siya. My old man is as ruthles as I am by the way, but he changed when he met lola kaya eto siya trying to live to be a good man.
" I don't owe you any explanation lolo. Di ba eto naman ang gusto nyo. Im just following what you wanted, pinapakisamahan ko ang mga anak ng babaeng yon para sayo."
" I see. Still the cold and heartless Rui from seven years ago. A piece of advice apo, your children are the best gift you had in this lifetime they are too precious to get hurt especially now, you have another blessing. Your wife is the most amazing woman I've met next to your Lola and Momma."
" If you are trying to convince me again-"
" Im not convincing you Rui, Im just stating a fact. Dont ruin your beautiful family just because your miserable. I dont want you to regret anything in the end."
And just like that, Lolo left me confused again. Why are you making me crazy honey. Why?!
BINABASA MO ANG
Forever Mine
Storie d'amoreKapag ba nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, titigil bang tumibok ang puso mo? Hindi naman di ba? You' ll be hurt alright but the feelings still remains until one day, nung akala mong nakapag move on ka na ay babalik ang nakaraang akala m...