Recap!

1K 130 71
                                    

Para iligtas ang buhay ng tangang hari ay napilitan si Avanie na gamitin ang alam n'yang paraan kahit pa alam n'yang manganganib ang kaniyang buhay.

Nagkaroon ng paglilitis, nahatulan ng parusang kamatayan si Avanie, subalit, nakialam ang kaivan na sina Draul at Spayer—

Isang malamig na tinig mula kay Spayer Rillow

"Sa pagkakaalam ko, may batas ang Ishguria na kailangan munang mapatunayan nang mabuti na nagkasala nga ang isa nilalang bago ibigay dito ang hatol na para dito. Isang linggong pag-iimbestiga subalit sa ginawa niyo, wala pang tatlong araw ay ibinaba niyo na agad ang hatol."

"Ang aming Hari ang biktima kaya dapat lang na maging mabilis din ang aksiyon namin."

"Binibilisan tapusin ang lahat para mapalitan agad ang uupo sa trono--yon ang ibig mong sabihin."

"Pinalalabas mo ba na nakikipag sabwatan kami sa kanila para patalsikin ang aming Hari?"

Nagkibit balikat si Spayer. "Galing 'yan mismo sa bibig mo. Ano sa tingin mo?"

"Lapastangan!"

"Alam ko. Ngayon? Susundin mo ba ang gusto ko?"

dahilan para magbago ang desisyon ng hukom. 

Dahil dito ay nahatulan s'yang maging exile at ipatapon sa Mizrathel.

"Ang hatol sa kriminal na si Avanie Larisla... ikaw, kahit na hindi napatunayang ikaw ang pumatay sa aming Hari, nakitaan pa rin ng ebidensiya na may kinalaman ka sa pagkawala niya. Kaya naman... ikaw ay ipapatapon sa Mizrathel at magiging isang exile!"

Dinala si Avanie sa Mizrathel, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasira ang Pivyu na sinasakyan ng mga bilanggo at bumagsak ito sa lugar na medyo may kalayuan sa dapat na pupuntahan.

Doon nakilala ng huwad na Prinsesa sina Warly at Yhayuk Darjeeling. Nakasama n'ya ang mga ito papunta sa Ruligan kung saan sila mananatili.

Matapos ang paglalakbay ay narating nila ang Ruligan kung saan sinalubong sila ng umuulang naglalakihang pakwan! Sa kabila no'n ay mainit na tinaggap sila ng pinunong si Lyrad Gurin Feverentis.

Samantala...

Nagtungo ang grupo ng Kaivan sa Mordiven para bawiin ang kaluluwa ng kasamahan nilang si Chance Akindarima. Habang tinatahak ang daan patungo sa Araf kung nasaan ang si Chance ay nakilala nila ang kapatid ni Feer na si Kaiyus.

Naging ma-aksiyon ang paglalakbay ng mga Kaivan, hanggang sa wakas ay narating na rin nila ang Araf. Subalit bago makuha ang kaluluwa ay binigyan muna sila ng isang pagsubok ng panginoong si Ardvark, at 'yon ay ang talunin ang isang malaking halimaw.

Isang mahirap na labanan ang naganap, sa pagtutulungan ng mga Kaivan ay napagtagumpayan nilang talunin ang halimaw at makuha ang kaluluwan ng kasamahang si Chance. Matapos nito ay nagpasya na silang bumalik sa Iriantal para dalhin ang magandang balita sa kanilang Quinra.

Lingid sa kaalaman nila ay marami nang nangyayari sa Iriantal.

Namumuo ang sabwatan sa pagitan ng mga Nindertal na may binabalak na hindi maganda. Isang Zu-in ang nakatakdang humarap kay Avanie para patayin ito.

Nagpasya ang pekeng Quinra na pumunta sa Mizrathel para "makisaya" sa magaganap na labanan.

Ginagawa ni Avanie ang lahat ng kaya n'ya para iligtas ang mga exile sa Mizrathel. Gumit ang kapangyarihan ay gumawa s'ya ng hukbong gawa sa yelo. Kinausap n'ya rin ang ilan sa mga Kaivan, pati na si Riviel para masigurong gagana ang plano n'ya.

Balak n'yang bigyan ng isang magandang palabas ang buong Iriantal na pagbibidahan ng hangal na haring si Bernon Zeis!

Habang nagaganap ang mga ito ay narating na ng mga sundalo ng Asturia ang lugar kung saan bubuksan ang malaking teleportation para makarating ang mga ito sa Mizrathel.

Oras na makatawid ang mga ito sa teleportation ay limang araw na lang ang bibilangin bago marating ng buong hukbo ang Ruligan.

Tumataas ang tensyon at nadagdagan pa 'yon ng madiskubre ng tatlong Dal ang maitim na sikreto habang nag-iimbestiga sa kaharian ng Arondeho.

Ano nga kaya ang totoong nagaganap? Magsisimula na ang labanan at maraming hindi inaasahang magaganap.

Antabayanan ang pagpapatuloy ng Quinra Volume 2. 

Next update on November 27 2022

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon